26.3 C
Manila
Monday, July 15, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Disyembre 24, 2023

DAGA (RAT)

Maguguluhan ka sa araw mo ngayon dahil sa dami ng gawain sa loob at labas ng tahanan. Hindi mo kailangang magpakataranta. Ang dapat mo lang gawin ay isa-isahin ang mga bagay at unahin ang mas importante.

Masuwerteng numero; 8,9,11,21

BAKA (OX)

Hindi darating ang ineexpect mong bisita. Sa halip ay isang bisita na hindi inaasahan ang siyang darating. Ang saglit niyang pagdalaw sa’yo ay mag-iiwan nang malaking katanungan sa isip mo. Ang katanungang ito ay pag-iisipan mo buong maghapon pero wala kang makukuhang sagot.

Masuwerteng numero; 2,13,14,20

TIGRE (TIGER)

Isang nakakairitang tao ang makakasalamuha mo ngayon. Hindi mo mapipigilan ang mainis sa kanya. Subalit hindi mo siya pwedeng patulan kaya naman ang inis mo ay pipigilin mo na lang at pilit ikukubli sa lahat.

Masuwerteng numero; 7,9,22,28

KUNEHO (RABBIT)

Maganda ang araw na ito para sa’yo. Bubuhos ang biyaya. Ang mga biyayang ito ay pansamantala lang kaya naman mas makakabuti kung matututong magbahagi sa iba upang pagbalik ng biyaya ay maging magaan ito para sa’yo.

Mauswerteng numero; 10,11,23,25

DRAGON (DRAGON)

Isang tao ang magbabalik sa buhay mo. Hindi naman sa ayaw mo na talaga siyang makita at makasama kundi mag-aalinlangan ka dahil hindi mo gustong pag-usapan ka ng mga kapitbahay at ang iyong katangahan sa pag-ibig.

Masuwerteng numero; 11,17,19,28

AHAS (SNAKE)

Sa wakas ay makukuha mo na ang isang bagay na matagal mo nang inaasam. Kailangan mo itong pag-ingatan kung ayaw mo itong mawala sa’yo. Marami kasi ang magkakaroon ng interes dito at maghihintay lamang ng pagkakataon na makuha ito sa’yo.

Masuwerteng numero; 7,10,12,21

KABAYO (HORSE)

Mawawala ang mga agam-agam mo tungkol sa isang kaibigan. Isang sitwasyon sa pagitan ninyo ang makapagpapabago ng isip mo. Sa sitwasyong ito mapapatunayan mo na isa nga talaga siyang tunay na kaibigan.

Masuwerteng numero; 1,11,13,16

TUPA (SHEEP)

Balanse ang suwerte at malas sa iyong negosyo. Ang suwerte ay magmumula mismo sa iyong mga kliyente. Habang ang malas naman ay magmumula sa mga taong nakapaligid sa’yo dahil sa kanilang pag-abuso.

Masuwerteng numero; 2,23,25,26

UNGGOY (MONKEY)

Magiging matalas ang pang-amoy mo ngayon sa mga taong may hindi magandang intensyon sa’yo. May kaibigan na nagbabalatkayo lamang. Mararamdaman mo na walang sinseridad sa lahat ng kanyang sinasabi.

Masuwerteng numero; 3,14,19,30

TANDANG (ROOSTER)

Malaki ang perang lalabas sa bulsa mo ngayon dahil sa mga hindi maiiwasang gastusin. Makakaramdam ka ng panghihinayang sa mga mawawala sa’yo. Hindi mo ito dapat ipag-alala dahil may mga biyaya pang matatanggap sa susunod na araw.

Masuwerteng numero; 5,8,12,15

ASO (DOG)

Mailap man ang suwerte ngayong araw ay asahan mo na sa mga susunod ay susuwertehin ka na. Dapat kang maging positibo sa lahat ng oras kahit pa sa gitna ng mga paghamon nang sa ganon ay hindi maging mailap ang suwerte.

Masuwerteng numero; 1,2,3,5

BABOY (PIG)

Kukulangin ka sa oras ng preparasyon para sa okasyon. Hindi mo kasi ito gaanong napag-ukulan ng atensyon nitong mga nakaraang araw kaya magagahol ka ngayon. Gayunpaman ay hindi naman nito mahahadlangan ang kasiyahan mo.

Masuwerteng numero; 8,9,10,12

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.