31.7 C
Manila
Wednesday, June 12, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Disyembre 22, 2023

DAGA (RAT)

Mag-ingat sa mga taong kinakausap online. Hindi lahat ng mabait makipag-usap ay mapagkakatiwalaan mo. Dapat ka munang mag-usisa at alamin ang mga detalye bago ka sumagot ng oo sa isang transaksyon upang hindi maloko.

Masuwerteng numero; 15,21,32,34

BAKA (OX)

Magiging mabait sa’yo ang kapalaran sa araw na ito. Ang mga gawain mo ay magaan mong matatapos. Maging ang mga taong nakapaligid sa’yo ay makakasundo mo ring lahat kaya’t ang maghapon ay maaliwalas.

Masuwerteng numero; 1,2,5,8

TIGRE (TIGER)

Hindi ka mapapahiya sa taong irerekomenda mo sa isang kliyente. Tama ang tingin at kutob mo sa kanya. Mahusay siya sa kanyang larangan kaya hindi ka magkakamali ng pagpili sa kanya at mapapatunayan mo ang husay mo sa pagkilatis.

Masuwerteng numero; 24,25,31,38

KUNEHO (RABBIT)

Ikaw ang mapagbubuntunan ng galit ng isang tao na kasama mo sa bahay. Hindi man ikaw ang panggagalingan ng init ng kanyang ulo ay ikaw lang ang makikita niyang maaari niyang pagbalingan. Huwag na lang patulan.

Masuwerteng numero; 11,20,30,45

DRAGON (DRAGON)

Kailangan mong maging sensitive sa feeling ng iba sa lahat ng oras. Ngayong araw ay may tao kang masasaktan ng hindi sinasadya. Kaya sa susunod ay matutong magpreno at magkontrol sa mga lumalabas sa bibig.

Masuwerteng numero; 24,26,34,50

AHAS (SNAKE)

Maganda ang magiging impluwensya mo sa isang tao. Ang maganda mong imahe ay tatatak sa kanyang isip at nanaisin niyang sundan ang mga yapak mo kaya naman pagbutihin mo pa ang iyong mga ginagawa.

Masuwerteng numero; 4,14,15,21

KABAYO (HORSE)

Mag-ingat sa mga kakainin dahil posible na makaranas ng matinding pananakit ng tiyan dahil sa isang hindi lutong pagkain. Hangga’t maaari ay piliin lamang ang ilalaman sa tiyan at siguraduhing maayos ang pagkakaluto.

Masuwerteng numero; 12,13,16,27

TUPA (SHEEP)

Huwag ka nang umasa na maibabalik pa sa ipinangakong araw ang pera na hiniram sa’yo ng isang kaibigan. Hindi pa siya makakaluwag sa buwan na ito kaya kakailanganin mo pang lawakan ang iyong pang-unawa at pasensya.

Masuwerteng numero; 43,47,55,68

UNGGOY (MONKEY)

Dadagsain ka ng oportunidad bago matapos ang taon. Tanggapin lang ang sa tingin mo ay makakaya mong gawin. Huwag lahatin dahil malaki ang posibilidad na mapasubo ka sa kompromisong magdudulot ng stress sa’yo.

Masuwerteng numero; 51,52,67,69

TANDANG (ROOSTER)

Hindi mo na maitatago pa ang espesyal na damdamin na matagal mo nang ikinukubli sa puso mo para sa isang tao. Ngayong araw ay magkakaroon ka ng hindi inaasahang pagkakataon para iparamdam ito sa kanya.

Masuwerteng numero; 35,38,43,50

ASO (DOG)

Magiging stressful ang trabaho mo sa araw na ito dahil marami kang dapat tapusin na mga nabinbing trabaho nitong mga nakaraang araw. Sa ayaw at sa gusto mo ay kakailanganin mo itong gawin kung ayaw mong mawalan ng trabaho.

Masuwerteng numero; 67,71,73,79

BABOY (PIG)

Magiging relax lang ang maghapong lilipas para sa’yo sa piling ng iyong mahal. Ang mga nagdaang tampuhan ay matatabunan ngayon ng paglalambingan at pagmamahalan kaya naman higit pang magiging makulay ang inyong pagsasama.

Masuwerteng numero; 40,41,55,65

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.