31.7 C
Manila
Wednesday, June 12, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Disyembre 21, 2023

DAGA (RAT)

Smooth sailing ang araw mo ngayon. Maayos ang takbo ng trabaho at nandiyan lang din sa paligid ang mahal mo. Same daily routine at mahihiling mo na sana ay palagi na lang ganito ang araw mo. Tahimik at payapa.

Masuwerteng numero; 1,2,8,9

BAKA (OX)

Makakagawa ka ng isang pagkakamaling hindi mo sinasadya. Kahit pa hindi mo ito sinasadya ay may masasaktan ka pa ring tao kaya kakailanganin mo pa rin siyang lapitan upang humingi ng pasensya sa nangyari.

Masuwerteng numero; 5,7,18,20

TIGRE (TIGER)

May binabalak kang gawin para mapagbati mo ang dalawang kaibigan na nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan. Ang plano mong ito ay isasagawa mo ngayon at aasa ka na mapagtatagumpayan mo ito.

Masuwerteng numero; 9,10,11,21

KUNEHO (RABBIT)

Abot-abot ang magiging gawain mo sa bahay. Marami ka kasing sinayang na oras sa social media kaya matatambak ang iyong gawain. Kakailanganin mong tapusin lahat upang hindi na ito maging abala sa’yo sa mga susunod pang araw.

Masuwerteng numero; 4,7,12,13

DRAGON (DRAGON)

Isang kapitbahay ang magpapakita ng kanyang malasakit sa iyong pamilya. Walang masama kung siya ay patutuluyin mo sa inyong bahay subalit kailangan mo munang masiguro ang tunay niyang intensyon. Isa sa miyembro ng inyong pamilya ang hinahangaan niya at binabalak ligawan.

Masuwerteng numero; 20,21,22,29

AHAS (SNAKE)

Bawat araw na lilipas ay tunay na mahalaga. Lalo na para sa’yo. Ang araw na ito ay puno ng gawain mula sa bahay hanggang sa trabaho hanggang sa muling pag-uwi ng bahay. Sa kabila nito ay kailangan mong magpahinga.

Masuwerteng numero; 8,11,19,23

KABAYO (HORSE)

Ang ginagawa mo sa iyong kapwa kabutihan man o kasamaan ay babalik sa’yo. Kaya siguraduhin mo na wala kang nasasaktang tao. Meron kang tao na kinaiinggitan. Dapat mo siyang tularan at huwag siraan o sirain sa talikurang paraan.

Masuwerteng numero; 10,14,15,26

TUPA (SHEEP)

Sa wakas ay mapagbibigyan mo rin ang matagal ng kahilingan ng isang tao na malapit sa puso mo. Maaaring maliit na bagay lang ito sa’yo, na ngayon mo lang mapag-uukulan ng pansin subalit para sa kanya ito ay mahalaga.

Masuwerteng numero; 8,11,17,29

UNGGOY (MONKEY)

Wala kang dapat ipag-alala. Anuman ang gawin ng tao na naiinggit sa’yo, pilit ka man niyang sirain sa paraan na alam niya ay hindi siya magtatagumpay. Isa kang Monkey na likas ang talino at sadyang may malakas na karisma sa maraming bagay.

Masuwerteng numero; 4,12,23,29

TANDANG (ROOSTER)

Parang bulang maglalaho ang galit mo sa isang kamag-anak dahil sa effort na gagawin niya para lang muling mapalapit sa’yo. Hindi mo ito inaasahan subalit mangyayari. Ito na ang simula nang muli ninyong pagkakasundo.

Masuwerteng numero; 5,16,28,30

ASO (DOG)

Magkakaroon ka ng isang bagong kaibigan. Siya ang kaibigan na magiging karamay mo mula ngayon sa lahat ng oras. Sa oras man ng kalungkutan o kasiyahan kaya ingatan mo siya at ilayo sa iba mo pang itinuturing na kaibigan subalit hindi naman totoo sa’yo.

Masuwerteng numero; 1,2,11,12

BABOY (PIG)

Magsasaya ka dahil sa magandang pasok ng suwerte sa iyong negosyo. Hindi lang kasi awra mo ang maaliwalas kundi maging ang awra ng mga customers na makukuha mo kaya naman hatak na hatak ang suwerte.

Masuwerteng numero; 8,9,17,20

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.