24.8 C
Manila
Friday, March 1, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Disyembre 18, 2023

DAGA (RAT)

Tahimik lang ang araw na ito para sa’yo. Pansamantala kang magiging komportable dahil ang problema ay mamamahinga. Enjoyin mo lang ang bawat oras na lilipas. Nurture yourself. Pagbigyan mo ang sarili mo sa nais mong gawin.

Masuwerteng numero; 9,10,13,15

BAKA (OX)

May matatanggap kang munting regalo mula sa isang bata na malapit sa puso mo. Mata-touch ka hindi lang sa thought na naisip ka niyang regaluhan kundi sa mismo ring naisip niyang iregalo sa’yo. Mayayakap mo siya sa tuwa.

Masuwerteng numero; 1,2,3,4

TIGRE (TIGER)

Isang kaibigan ang muling magpaparamdam sa’yo. Matagal na kayong walang komunikasyon dahil napalayo siya ng lugar at ngayon ay muli siyang lalapit sa’yo. May problema siya na ikaw lang ang makakapagbigay ng solusyon.

Masuwerteng numero; 7,18,19,30

KUNEHO (RABBIT)

Magiging magaan ang araw na ito para sa’yo dahil sa mga taong magpapa-good vibes ng araw mo. Sila ang mga taong may positibong pananaw sa buhay at mapapalibutan ka nila kaya ang kapositibuhan nila ay mapapasaiyo rin.

Masuwerteng numero; 3,6,17,18

DRAGON (DRAGON)

Ang problemang matagal mo nang iniisipan ng solusyon ay di sinasadyang masosolusyunan ngayon. Ito ay dahil sa pagdating ng isang kamag-anak mula sa malayong lugar. Siya ang hindi mo inaasahang makakatulong sa’yo.

Masuwerteng numero; 6,8,9,10

AHAS (SNAKE)

Malaki ang posibilidad na magkabati kayo ngayon ng isang kaibigan na nakaalitan mo. Isang kaibigan din ang nakatakdang mamagitan sa inyo. Susubukan niya kayong paglapitin ngayon para pagbatiin. Mapupuno ka ng pag-aalinlangan.

Masuwerteng numero; 2,3,8,9

KABAYO (HORSE)

Magiging matagumpay ang mga aktibidad mo sa araw na ito. Ito ay dahil sa naging masusi mong pagpaplano. Dahil sa tagumpay mo kaya maeengganyo ang mga nakatataas na pagkatiwalaan ka sa mga susunod na proyekto.

Masuwerteng numero; 7,23,24,27

TUPA (SHEEP)

Ang mga binitawan mong salita sa isang tao noon ay babalik sa’yo ngayon. Mararanasan mo ang naranasan niya. Maiipit ka rin sa sitwasyon na hindi mo gusto at hindi mo maiiwasan ang panghuhusga ng ibang tao. Tatagan mo ang iyong loob at samahan mo ng dasal.

Masuwerteng numero; 16,20,21,22

UNGGOY (MONKEY)

Ito ang araw na magiging mabangong mabango ang pangalan mo sa iyong boss. Magugustuhan niya ang resulta ng proyektong ipinagkatiwala niya sa’yo kaya siguradong makakasama ka sa mga susunod pa niyang plano.

Masuwerteng numero; 5,14,25,29

TANDANG (ROOSTER)

Magiging abala ka sa pagre-research sa kung ano ang mainam na negosyo. Maraming suggestions kang matatanggap mula sa mga kaibigan at kamag-anak. Kailangan mong pag-isipan itong mabuti upang maiwasang magkamali.

Masuwerteng numero; 11,15,18,19

ASO (DOG)

Malilibang ka sa mga bagong kasama sa bahay. Mga munting hayop na pwede mong alagaan. Sila ang sagot sa’yong kalungkutan. Dahil sa kanila ay makakalimutan mo ang mga problemang sanhi ng iyong kalungkutan.

Masuwerteng numero; 6,10,22,26

BABOY (PIG)

Magiging masigla ka sa araw na ito dahil nasa paligid mo lang ang tao na nagbibigay sa’yo ng inspirasyon. Maghapon mo siyang makakasama.Bukod doon ay magkakaroon ka pa ng pagkakataon na makausap siya.

Masuwerteng numero; 17,18,29,30

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.