25.4 C
Manila
Monday, February 26, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Disyembre 16, 2023

DAGA (RAT)

Hindi ka magiging komportable sa araw na ito dahil sa pagsulpot ng isang problema.Bagamat ito ay maliit na problema lang kumpara sa iyong mga napagdaanan ay hindi mo pa rin maiiwasan na hindi maapektuhan.

Masuwerteng numero; 1,12,13,30

BAKA (OX)

May dadaluhan kang pagtitipon kung saan magkukrus ang landas nyo ng iyong ex. Wala ka ng nararamdaman sa kanya at matagal mo na ‘yang siniguro sa sarili mo. Subalit kapag nakita mo siya ay hindi mo maiiwasan na hindi maatract muli sa kanya.

Masuwerteng numero; 9,18,20,22

TIGRE (TIGER)

Isang tao na pag-aari na ng iba ang makakakuha ng atensyon mo. Hindi mo ito gustong maramdaman pero parang nanunukso ang tadhana at bibigyan pa kayo nito ng pagkakataon na magkalapit at makapagkuwentuhan. Alam mo na ang tama at mali kaya nasa iyo ang pagdedesisyon.

Masuwerteng numero; 1,12,14,25

KUNEHO (RABBIT)

Isang kaibigan ang lalapit sa’yo para humingi ng tulong. Hindi ka magdadalawang isip na magbigay ng tulong subalit may kokontra sa iyong kamag-anak para gawin ito. Hindi ka na bata para makinig pa sa alam mong hindi tama.

Masuwerteng numero; 7,8,19,20

DRAGON (DRAGON)

May pag-asa pa na matuloy ang binabalak mong paglalakbay sa malayo. Ngayong araw ay malalaman mo ang sagot kung dapat ka bang tumuloy o hindi at ikakatuwa mo ang resulta nito kaya maghanda ka na.

Masuwerteng numero; 6,11,13,14

AHAS (SNAKE)

Isang kasamahan sa trabaho ang magbabago ang pakikitungo sa’yo. Sa umpisa ay maguguluhan ka sa kanyang ipagtatampo subalit sa kalaunan ay maiintindihan mo rin kung bakit kinakailangan ka niyang iwasan.

Masuwerteng numero; 5,16,17,27

KABAYO (HORSE)

May pag-asa kang matatanaw sa katuparan ng iyong pangarap. Bagamat hindi mo pa ito mahahawakan ngayong araw mismo ay makakasiguro ka naman na mapapasaiyo ito sa mga susunod na araw kaya makampante ka na.

Masuwerteng numero; 5,12,24,28

TUPA (SHEEP)

Malilito ka at matataranta sa bagong sistema sa trabaho na ipaiiral ng nakatataas. Hindi mo ito magugustuhan dahil mas gamay mo na ang nakasanayan. Sa huli ay marerealize mo rin na malaki ang maitutulong nito sa pag-unlad mo bilang worker.

Masuwerteng numero; 8,10,11,22

UNGGOY (MONKEY)

Malaki ang tiwalang ibibigay sa’yo ng iyong boss kaya hindi mo mahihindian ang kanyang magiging kahilingan. Hindi naman ito makakasama sa’yo kaya wala ring masama kung pagbibigyan mo siya paminsan-minsan.

Masuwerteng numero; 7,17,18,19

TANDANG (ROOSTER)

Magiging pabigat sa mga plano mo ang isang kapamilya na hindi ka naman sinusuportahan mula’t sapul. Mas makakabuti kung hindi mo na lang siya isasama sa mga balakin mo at iiwasang makinig sa mga payo niyang hindi naman pumapabor sa’yo o kahit na kanino sa pamilya nyo.

Masuwerteng numero; 7,14,28,29

ASO (DOG)

Hindi ka makakadalo sa isang pagtitipon na matagal mo pa namang pinaghandaan. Hindi dahil sa magbabago ang isip mo kundi dahil sa isang pangyayaring hindi inaasahan. Labis mo itong ikakadismaya subalit wala kang magagawa.

Masuwerteng numero; 1,2,11,13

BABOY (PIG)

Masuwerte ang araw na ito para sa’yo kung ipopokus mo ang isip sa negosyo at iba pang pagkakakitaan on the side. Huwag mo munang bigyan ng atensyon ang social media para hindi nito masayang ang oras mo.

Masuwerteng numero; 6,9,10,20

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.