32.7 C
Manila
Monday, May 20, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Abril 8, 2024

DAGA (RAT)

Hihingi ka ng pabor sa isang kaibigan na hindi mo ka-close para masolusyunan ang problema ng isang kapamilya.Hindi mo na iisipin kung makakabuti para sa’yo o hindi ang gagawin mong paglapit sa kaibigan na hindi mo pa masyadong kilala.

Masuwerteng numero; 7,8,19,20

BAKA (OX)

Maiisip mo ngayon na hindi lahat ng bagay na gustuhin mo ay mapapasaiyo. Hindi lahat ng tao ay aayon sa kagustuhan mo. Ibig sabihin ay meron lang talaga na nauukol para sa’yo. Ipagpatuloy mo lang ang pagsisikap at pagtitiyaga.

Masuwerteng numero; 10,12,23,34

TIGRE (TIGER)

May mga katanungan ka sa buhay na mabibigyan ng kasagutan ngayon. Ang sagot na inaasahan mo ay hindi ang sagot na iyong makukuha. Tibayan mo ang iyong kalooban at sikapin na maging positibo sa pagtanggap dito.

Masuwerteng numero; 10,32,45,67

KUNEHO (RABBIT)

Magiging madali lang para sa’yo ang isang bagay na mahirap sa iba. Ito ay dahil sa buo at labis na tiwala mo sa iyong sarili. Huwag mo na lang bigyan ng pansin ang mga tao na hindi masaya para sa’yo dahil sa kanilang inggit.

Masuwerteng numero; 19,22,34,35

DRAGON (DRAGON)

May isang bagay kang malalaman tungkol sa iyong kinakasama. Maguguluhan ka kung dapat mo ba itong ikatuwa o ikainis. Mas makakabuti kung huwag mo na lang masyadong intindihin ang iyong matutuklasan dahil wala naman itong kinalaman sa pagsasama nyo ngayon.

Masuwerteng numero; 6,17,38,40

AHAS (SNAKE)

Magaan ang araw na ito para sa’yo dahil sa mga positibong tao na nakapaligid sa’yo. Ang mabubuting impluwensya na gaya nila ang dapat mong samahan palagi. Malaki ang maitutulong nila sa buhay mo at ng iyong pamilya.

Masuwerteng numero; 12,13,23,43

KABAYO (HORSE)

Ikaw ang magiging mata at teynga ng isang kaibigan sa isa nyo pang kaibigan na kahidwaan niya ngayon. Kung papanig ka sa isa ay magkakaroon ka ng problema sa inyong pagkakaibigan kaya mas makakabuti na wala kang kampihan sa kanila.

Masuwerteng numero; 8,30,42,45

TUPA (SHEEP)

Kakainin mo ngayon ang sinabi mo dati na hinding-hindi ka lalapit sa isang kamag-anak. Ngayon mo mapapatunayan na sa bandang huli kapag wala ka nang matakbuhan ay sila pa rin ang iyong malalapitan at makakatulong sa’yo.

Masuwerteng numero; 7,18,56,69

UNGGOY (MONKEY)

Makakaramdam ka ng katamaran ngayong araw na’to kaya naman ang mga nakatokang trabaho ay pansamantalang mabibinbin. Mapipilitan kang mangako sa sarili mo na tatapusin mo ang lahat ng ito kinabukasan.

Masuwerteng numero; 5,6,20,40

TANDANG (ROOSTER)

Magkakaroon ka ng pagkakataon na ituwid ang pagkakamali mo nitong nakaraang araw. Kaya naman huwag mo na itong sayangin. Kapag pinalampas mo ang pagkakataon na ito ay hindi na ito darating kahit pa sa ibang araw.

Masuwerteng numero; 44,56,68,91

ASO (DOG)

Hindi ka mapapalagay dahil sa salitang mabibitawan mo sa taong mahal mo. Alam mo sa sarili mo na hindi mo ito sinasadya at wala itong kahulugan para sa’yo. Dapat mo itong ayusin agad bago pa lumalim at lumala.

Masuwerteng numero; 15,46,49,50

BABOY (PIG)

Hindi mo maiiwasan ang mga tao na mahilig makisawsaw sa problema ng iba. Sadyang nagkalat ang mga katulad nila kahit saan ka pa tumira kaya mas makakabuti kung hindi mo na lang sila papansinin dahil pautuloy silang makikialam sa’yo.

Masuwerteng numero; 16,25,29,66

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.