25.5 C
Manila
Sunday, May 26, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Abril 7, 2024

DAGA (RAT)

Kahit hindi pa buo ang iyong tiwala ay mapipilitan kang bigyan ng isa pang pagkakataon ang isang tao na malapit sa puso mo. Ito ang ididikta ng sarili mong damdamin kung kaya’t wala kang magagawa kundi tanggapin.

Masuwerteng numero; 6,18,35,67

BAKA (OX)

Malalagay ka sa isang alanganin na sitwasyon dahil sa pagbibigay mo ng sobrang pagtitiwala. Sadyang may mga taong mapagsamantala sa kabaitan ng iba at sa pagkakataong ito ikaw ngayon ang siyang biktima.

Masuwerteng numero; 1,12,22,34

TIGRE (TIGER)

May darating kang isang espesyal na bisita. Hindi mo napaghandaan ang pagdating niya dahil biglaan lang ito kaya makakaramdam ka ng kaba at pagkataranta. Sa kabila nito ay magiging maayos naman ang inyong paghaharap.

Masuwerteng numero; 10,18,47,54

KUNEHO (RABBIT)

Ang sport na kinahiligan mo noon ay makakahiligan mo ulit ngayon. Ito ay dahil sa impluwensya sa’yo ng isang bagong kaibigan. Siya ang magbabalik ng interes mo sa larong ito kaya muli mo itong susubukan at siya mismo ang una mong makakalaban.

Masuwerteng numero; 38,39,40,55

DRAGON (DRAGON)

Babalikan mo ang mga alaala ng iyong nakalipas. Ito ay dahil sa pagbabalik na rin ng mga taong nakasama mo rito. Isa itong muling pagsasama-sama ninyong magkakaibigan na matagal ring hindi nagkita-kita

Masuwerteng numero; 4,23,29,30

AHAS (SNAKE)

Ang oras mo ay igugugol mo sa isang libangan na ngayon mo lang matutuklasan. Para sa’yo, sa ngayon ay paglilibang mo lang muna ito pero magkakaroon ka ng plano na gamitin ito sa negosyo pagdating ng oras.

Masuwerteng numero; 15,26,37,40

KABAYO (HORSE)

Hindi mo mapagtatakpan ang kamalian ng iyong kaibigan. Magdudulot lamang ito ng isa pang kamalian. Mas makakabuti kung sa halip na pagtakpan ang kanyang nagawa ay kumbinsihin mo siyang harapin at ituwid ito.

Masuwerteng numero; 30,40,54,62

TUPA (SHEEP)

Isang masayang araw ito para sa’yo. Matutuloy na rin sa wakas ang bondate nyo ng iyong mahal na ilang beses ding naudlot dahil sa parehong kaabalahan nyo sa trabaho. Kaya naman samantalahin mo na ang pagkakataon na ito at namnamin.

Masuwerteng numero; 17,29,33,68

UNGGOY (MONKEY)

Hindi mo na kailangan gumawa ng move para pansinin ka niya dahil pansin na pansin ka na niya. Nakuha mo ang atensyon niya at nagawa mo siyang pahangain sa’yo ng walang kahirap-hirap. Siya na mismo ang kusang gagawa ng paraan para mapalapit sa’yo.

Masuwerteng numero; 15,24,31,52

TANDANG (ROOSTER)

Magiging mailap sa’yo ngayon ang suwerte pagdating sa trabaho. Hindi pa ito ang araw para magkaroon ka nito. Kakailanganin mo pang habaan ang pisi mo sa paghihintay ng tamang trabaho para sa’yo. Dapat kang maging positibo.

Masuwerteng numero; 12,14,26,80

ASO (DOG)

Matapos ang mga nakakapagod na araw na nakalipas ay ngayon mo mararamdaman ang pagod kaya naman gugustuhin mo na mapag-isa at ma-enjoy ang pahinga na walang istorbo maski pa ang taong mahal mo.

Masuwerteng numero; 5,50,61,77

BABOY (PIG)

Ang hinihintay mong promosyon ay hindi pa darating sa’yo sa araw na ito. May mga tao pang makakahadlang para maaprubahan ito at sila rin ang mga tao na humaharang sa mga plano mong proyekto.

Masuwerteng numero; 11,43,45,58

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.