29 C
Manila
Monday, May 27, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Abril 30, 2024

DAGA (RAT)

Magiging maaliwalas ang araw na ito para sa’yo at sa mga mahal mo sa buhay. Ang muli ninyong pagkikita-kita at pagsasama-sama ay isang magandang simula para sa panibagong pagkakabuklod ng mga nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pamilya.

Masuwerteng numero; 11,20,39,40

BAKA (OX)

Makakaramdam ka ng kapaguran sa trabaho. Hindi mo naman kailangan magpakasagad pero parang hindi ka nasasatisfy sa mga resulta na iyong nakukuha kaya naman lalo mo pang gagalingan sa kabila ng pagod na mararamdaman.

Masuwerteng numero; 19,20,24,26

TIGRE (TIGER)

Walang patutunguhan ang pag-asam mo sa isang bagay na hindi ukol sa’yo. Mas mabuti kung hahayaan mo na lang ito sa iba. Merong sadyang nakalaan para sa’yo at mas magugustuhan mo ito kaysa sa pagkagusto mo sa bagay na hindi laan sa’yo.

Masuwerteng numero; 18,40,65,67

KUNEHO (RABBIT)

Sa pagdating ng isang bagong kakilala ay mabubuhayan ka ng loob. Matamis ang kanyang dila at madadala ka sa kanyang mga pangako. Pero huwag masyadong umasa dahil malaki ang posibilidad na hanggang salita lang siya.

Masuwerteng numero; 13,27,88,93

DRAGON (DRAGON)

Maaakit ka sa isang negosyong alok ng isang tao na ipinakilala lang sa’yo ng isang kaibigan. Maganda ang lahat ng kanyang sasabihin tungkol sa negosyo kung saan gusto ka niyang makasosyo. Pero hindi ito ilalaan ng Diyos sa’yo dahil hindi ito magandang ideya.Mag-ingat sa mga manloloko.

Masuwerteng numero; 13,16,20,29

AHAS (SNAKE)

Walang makakapigil sa’yo sa kagustuhan mong makapagtrabaho sa ibang bansa. Para sa’yo ay isa itong magandang oportunidad na hindi mo mapapalampas. Sa ayaw at sa gusto ng taong mahal mo ay gagawin mo pa rin ito.

Masuwerteng numero;1,12,14,25

KABAYO (HORSE)

Kailangan mong maging tapat sa taong pinakamamahal mo kahit pa nangangahulugan ito ng pagtatraydor mo sa iyong pamilya. Hindi mo ito gusto pero sa tingin mo ay wala kang mapagpipilian kundi ang sarili mong pasya.

Masuwerteng numero; 7,8,23,34

TUPA (SHEEP)

Kung inaakala mo na makukumbinsi mo ang isang tao na umayon sa gusto mo para lang maka-survive ka at mailigtas ang sarili sa pagkakabaon sa utang, nagkakamali ka. Hindi ka makakapasa sa kanyang obserbasyon at pag-iimbestiga dahil may taong mas higit na matalino sa’yo ang nasa likuran niya.

Masuwerteng numero; 10,11,67,89

UNGGOY (MONKEY)

Tama ang gagawing mong pagpigil sa iyong asawa na pumasok sa isang negosyong hindi nyo pa gamay at ni hindi nyo pa napag-aaralan. Wala kayong mapapala rito at maiisahan lamang kayo ng mga ganid na tao.

Masuwerteng numero; 70,79,81,99

TANDANG (ROOSTER)

Hindi mo inaasahan ang matatanggap na papuri mula sa iyong boss. Mula’t sapul ay wala kang naririnig sa kanya kundi mga kritisismo sa iyong trabaho. Mga pagkutya, pagsigaw, pagtuturo sa kung ano ang tama kaya isang sorpresa para sa’yo ang papuri niya.

Masuwerteng numero; 12,17,49,57

ASO (DOG)

Matalino ka. Gamitin mo ito sa pagpili ng tao na iyong pagkakatiwalaan. Kahit na kung minsan ay hindi ka nagtitiwala sa iyong instinct, sa pagkakataong ito ay mapapatunayan mo na tama ang ibinubulong nito sa’yo

Masuwerteng numero; 15,28,38,64

BABOY (PIG)

Mapalad ka dahil marami ang naghahangad ng forever love at masasabi mong natagpuan mo na ito. Iwasan mo ang pag-abuso sa kanyang kabaitan dahil baka bawiin siya ng tadhana sa’yo. Wag kang magsinungaling sa kanya alang-alang sa iyong mga kaibigan.

Masuwerteng numero; 2,14,30,70

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.