28.9 C
Manila
Tuesday, May 28, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Abril 27, 2024

DAGA (RAT)

May mapapansin kang kakaiba sa isang kasama mo sa bahay. Hindi mo naman siya magagawang tanungin ng diretso dahil meron kayong hindi pagkakaunawaan at ayaw mong mamisinterpret ka niya kaya sa ibang miyembro ng pamilya ka mag-uusisa.

Masuwerteng numero; 34,37,39,40

BAKA (OX)

Ingatan mo ang ang iyong mga kilos at salita dahil konting pagkakamali mo ngayon ay mahuhusgahan ng iba. Maraming mga matang nakatingin sa’yo at nag-oobserba dahil na rin sa iyong kasalukuyang posisyon.

Masuwerteng numero; 16,25,28,30

TIGRE (TIGER)

Maaliwalas ang umaga at magpapatuloy ang ganda ng araw mo hanggang sa gabi. Hindi mo hahayaan na masira ang araw mo ng mga isipin at alalahanin na nagbibigay sa’yo ng stress. Kaya eenjoyin mo na lang muna ang mga payapang oras na lilipas.

Masuwerteng numero; 20,24,32,33

KUNEHO (RABBIT)

Isang bagong kakilala ang magbibigay sa’yo ng pag-asa. Kaya naman ang matamlay mong araw ay sisigla. Magiging interesado ka hindi lang sa mga kaya niyang ibigay sa’yo kundi maging sa nakikita mo sa kanyang pagkatao.

Masuwerteng numero; 7,8,19,22

DRAGON (DRAGON)

Mauubusan ka ng dahilan para tanggihan ang alok ng isang kaibigan. Para sa’yo rin naman ang kanyang sinasabi at alam mo na nagmamalasakit lang siya sa’yo. Sadyang hindi mo lang gustong gawin ang nais niyang ipagawa.

Masuwerteng numero; 1,2,4,13

AHAS (SNAKE)

Maraming bagay kang kailangang ikonsidera bago mo i-final ang desisyon mo. Kaya yung inaasahan mo na magagawa mo ito ngayong araw ay hindi mo pa rin magagawa dahil meron ka pang mga inaalalang bagay.

Masuwerteng numero; 10,11,14,20

KABAYO (HORSE)

Makokonsensya ka sa iyong mababalitaan. Dahil sa hindi mo pagpayag sa pabor na hinihingi ng isang kamag-anak ay mapapasuong siya sa isang sitwasyon na hindi maganda. Dahil dito ay makakaramdam ka ng guilt.

Masuwerteng numero; 50,51,62,67

TUPA (SHEEP)

Hindi magiging makatarungan para sa’yo at para sa kanila kung may kakampihan ka sa mga kapatid mong nagbabangayan ngayon. Ang kanilang hindi pagkakaunawaan ay maaari mong masolusyunan at ikaw lamang ang makakagawa ng paraan.

Masuwerteng numero; 35,40,45,50

UNGGOY (MONKEY)

Ang pagod mo ay maiibsan dahil sa iyong mga anak. Sila ang palaging nagpapawala ng pagod mo sa araw-araw lalo na sa araw na ito na sobrang manlalata ang katawan mo dahil sa dami ng iyong ginawa ngayon.

Masuwerteng numero; 7,18,23,25

TANDANG (ROOSTER)

Alam mo ang iyong prayoridad. Ang dapat mong unahin sa lahat ng bagay. Kaya naman hindi ka magpapadala sa mga sabi-sabi lang at impluwensya ng mga tao sa paligid mo kabilang na ang ilang kaibigan.

Masuwerteng numero; 14,15,30,36

ASO (DOG)

Ang pangyayari sa araw na ito ay magbibigay sa’yo ng babala na dapat mo nang iwasan ang isang tao na siya mong kinawiwilihang kasama ngayon. Mapapaisip ka sa mga sinasabi ng pamilya mo tungkol sa kanya.

Masuwerteng numero; 48,49,51,67

BABOY (PIG)

Yung akala mo ay matatapos ang maghapon na malungkot ka at nag-iisa lang sa bahay ay hindi mangyayari. May mga darating upang pasayahin ka at bigyang kulay ang namamanglaw mong damdamin.

Masuwerteng numero; 28,29,30,31

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.