33.5 C
Manila
Thursday, May 23, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Abril 25, 2024

DAGA (RAT)

Isasantabi mo muna ang mga bagay na hindi naman importante sa ngayon. Mas pagtutuunan mo ng pansin ang mga pangunahing pangangailangan ng iyong pamilya. Sila ang una sa prayoridad mo sa panahong ito.

Masuwerteng numero; 7,19,20,23

BAKA (OX)

Mas magiging maayos ang takbo ng iyong negosyo sa ngayon kaysa nitong mga nakaraang araw. Kahit papa’no ay mababawi mo ang iyong puhunan. May taglay na suwerte ang mga magiging customers mo sa araw na ito.

Masuwerteng numero; 5,15,16,20

TIGRE (TIGER)

Ipagkikibit balikat mo na lang ang mga hindi magandang salita na maririnig mo mula sa kapitbahay. Kahit na ano pa ang sabihin nila at kahit maging apektado ka pa ay wala kang balak na pumatol at idagdag ito sa stress mo.

Masuwerteng numero; 40,45,56,57

KUNEHO (RABBIT)

May suwerteng hatid ang araw na ito para sa’yo at sa iyong pamilya. Ang problemang kinakaharap nyo ay mabibigyan na rin ng solusyon sa wakas. Magbubunga na rin ang ilang araw ninyong pagtitiis at pagtitiyaga.

Masuwerteng numero; 6,17,18,28

DRAGON (DRAGON)

May pagbabagong magaganap sa inyong relasyon dahil sa pagmamatigas mo sa iyong kapareha. Hindi ito makakatulong sa halip ay magdudulot ito ng malaking pagbabago sa inyong pagsasama at hindi mo ito mapipigilan.

Masuwerteng numero; 34,35,42,47

AHAS (SNAKE)

Dahil sa matagal mong pananatili sa loob ng bahay ay isang bagong skill ang iyong matutuklasan. Ang bagong kaalamang ito ay hindi lamang magsisilbing libangan mo kundi maaari mo rin itong pagkakitaan sa hinaharap.

Masuwerteng numero; 13,15,26,29

KABAYO (HORSE)

Kahit mag-isa mong hinaharap ngayon ang iyong mga problema ay wala kang dapat ipag-alala. May sapat kang lakas, tapang at kakayahan para malampasan mo ang mga suliraning ito. Ang aalalahanin mo ay ang pamilyang nasa malayo.

Masuwerteng numero; 16,21,22,33

TUPA (SHEEP)

Dahil sa katarantahan mo ngayong araw na ito ay makakapagbitaw ka ng desisyon na hindi pinag-isipan. Hindi pa ito magkakaroon ng resulta sa ngayon subalit mangangamba ka na baka hindi umayon ang resulta sa iyong kagustuhan.

Masuwerteng numero; 10,12,20,27

UNGGOY (MONKEY)

Mag-ingat sa mga sikretong iyong isinisiwalat. Hindi porket malapit sa’yo ang isang tao ay mapagkakatiwalaan mo na ito. Ang pagsasabi ng iyong lihim sa iba ay magdudulot sa’yo ng hindi maiiwasang pangamba.

Masuwerteng numero; 34,35,54,56

TANDANG (ROOSTER)

Makakatanggap ka ng tulong mula sa iyong kapatid. Hindi mo na ito inaasahan dahil maging siya ay nangangailangan din. Pero maiisip ka pa rin niya at sa gitna ng hindi magandang sitwasyon ay hindi ka niya pababayaan.

Masuwerteng numero; 67,68,69,71

ASO (DOG)

Hindi ka makakaramdam ng pagkainip ngayong araw dahil maaaliw ka sa mga kasama mo sa bahay. Sila ang magtatanggal ng stress mo. Marami ka ring makukuhang ideya sa kanila para hindi masayang ang mga oras pang lilipas.

Masuwerteng numero; 25,30,36,43

BABOY (PIG)

Isang kaibigan ang maghahatid sa’yo ng magandang balita. Siya rin ang magsasabi sa’yo ng isang mahalagang bagay na may kinalaman sa isa mong kamag-anak. Kahit papa’no ay maliliwanagan ka sa isang pangyayari.

Masuwerteng numero; 18,19,32,48

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.