28.6 C
Manila
Monday, May 20, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Abril 24, 2024

DAGA (RAT)

Kahit na anong gawin mong pagsisikap sa trabaho ay sadyang meron pa rin na hindi masisiyahan dito. Pero sa halip na patulan ang naninira sa’yo ay ipagkikibit balikat mo na lang ito at ipagpapasa-Diyos ang lahat.

Masuwerteng numero; 12,14,25,30

BAKA (OX)

Marami kang gustong gawin sa buhay mo pero hindi mo ito magagawa ng sabay sabay. Kung hindi mo pag-iisipan kung paano ang gagawin mong pag-oorganisa rito ay wala kang matatapos ng maayos maski isa.

Masuwerteng numero; 26,30,33,35

TIGRE (TIGER)

Mailap pa ang suwerte sa araw na ito. Pero huwag kang masyadong magdamdam dahil malapit na rin matapos ang paghihirap mo sa inyong sitwasyon. Papalapit na ang mga biyayang inilaan ng Diyos para sa’yo.

Masuwerteng numero; 45,47,53,56

KUNEHO (RABBIT)

Hindi mo kailangang iasa ang lahat sa mga kasama mo sa bahay. May kakayahan ka ring kumilos at tumulong. Ngayong araw ay magkakaroon ka ng pagkakataon na ipakita sa kanila ang kaya mong gawin para sa pamilya.

Masuwerteng numero; 16,24,26,34

DRAGON (DRAGON)

Wala kang panahon na pag-isipan ang mga bagay na makakagulo lamang sa inyong pagsasama. Sasakyan mo na lang ang lahat ng pangyayari sa pagitan nyo para hindi na makadagdag pa sa stress na dinadala mo araw-araw.

Masuwerteng numero; 15,20,21,22

AHAS (SNAKE)

Hindi makakabuti sa’yo ang patuloy mong pag-iimbestiga sa isang kaibigan na kinaiinggitan mo. Sa halip ay dadalhin ka lamang nito sa mas kumplikadong sitwasyon. Mas makakabuti kung pagtutuunan ng pansin ang sariling kakayahan.

Masuwerteng numero; 17,28,32,35

KABAYO (HORSE)

Sa araw na ito ay mapapahiya ka lamang sa isang kapamilya kung ipagpipilitan mo ang iyong gusto. Ang pabor na hinihingi mo sa kanya ay mas malamang na magresulta ng hindi maganda kaysa magresulta ng mabuti.

Masuwerteng numero; 16,19,23,30

TUPA (SHEEP)

Wala kang magagawa kung ayaw sa’yo ng isang tao. Pero huwag kang mag-alala dahil anumang hindi magandang salitang bitawan niya sa’yo sa araw na ito ay siguradong pagsisisihan niya sa mga darating na araw.

Masuwerteng numero; 51,52,65,66

UNGGOY (MONKEY)

Mag-ingat sa mga mapanirang tao. Maaari nitong masira ang kredibilidad mo sa trabaho pero hindi ang iyong pagkatao. Gayunpaman, alam ng Diyos kung paano ka niya isasalba mula sa mga kamay ng lihim na kaaway.

Masuwerteng numero; 13,20,21,32

TANDANG (ROOSTER)

Huwag agad magtiwala sa mga taong nakikilala mo lang online. Sa araw na ito ay malaki ang posibilidad na maengganyo ka sa matatamis na dila. Pero magkakaroon ka rin ng pagdadalawang isip at ito ang dapat mong pangibabawin.

Masuwerteng numero; 10,12,14,25

ASO (DOG)

Ang likas mong kasipagan at pagiging matiyaga ang siyang maghahatid sa’yo ng malaking suwerte. Hintayin mo lang at panatilihin ang positibong pananaw dahil malapit mo ng mapasakamay ang pinakahihintay.

Masuwerteng numero; 5,7,9,11

BABOY (PIG)

Sa kabila ng sariling hirap na nararanasan sa sitwasyon ngayon ay hindi ka pa rin mawawalan ng gana na magpasaya ng iba. Sa ganitong paraan ay hindi ka lang nakakapagpasaya ng ibang tao kundi napapasaya mo rin ang sarili mo.

Masuwerteng numero; 6,16,20,30

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.