29.9 C
Manila
Friday, May 24, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Abril 23, 2024

DAGA (RAT)

May hindi inaasahang bisita kang darating. Hindi mo siya gustong makita pero hindi mo naman siya pwedeng ipagtabuyan dahil kahit anong inis mo sa kanya ay mananatili pa rin siyang parte ng inyong pamilya.

Masuwerteng numero; 6,18,25,37

BAKA (OX)

Ngayong araw ay mawawala ang pagdududa mo sa isang tao. Dahil makikita mo kung paano niya ibuhos ang kanyang atensyon at lakas para lamang makatulong sa iba. Wala ka ng masasabi sa kanya kundi sasaludo ka na lang.

Masuwerteng numero; 11,13,26,28

TIGRE (TIGER)

Magagamit mo ngayon ang iyong talento para hindi mo masyadong maramdaman ang inip at hirap nang hindi lumalabas at hindi nakakapagtrabaho. Dahil sa iyong talento ay malilibang ka at magiging magaan ang araw mo.

Masuwerteng numero; 16,20,30,43

KUNEHO (RABBIT)

Isang kaibigan ang kokontak sa’yo via internet dahil kailangang kailangan niya ang iyong tulong. Bagamat marami kayong pinagsamahan sa nakaraan ay matagal na panahon na rin mula nang huli kayong magkita at magkausap kaya magdadalawang isip ka.

Masuwerteng numero; 54,61,62,67

DRAGON (DRAGON)

Magagawa mong lampasan ang krisis na pinagdaraanan sa tulong na rin ng mga mahal mo sa buhay. Kaya naman iwasan mo na kontrahin sila sa kanilang mga desisyon dahil sila rin ang siyang makakatuwang mo.

Masuwerteng numero; 50,55,57,60

AHAS (SNAKE)

Hindi ito panahon ng bangayan kaya naman isasantabi mo na muna ang mga alalahanin mo tungkol sa isang malaking isyu na kinasasangkutan ng inyong pamilya. Mananahimik ka na muna at iintindihin ang inyong pangangailangan.

Masuwerteng numero; 10,12,24,25

KABAYO (HORSE)

Tuloy ang magandang komunikasyon nyo ng taong pinagkakatiwalaan mo sa iyong negosyo. Bagamat marami kayong hindi pinagkasunduan noong una, sa ngayon ay marami na kayong natutunan sa isa’t-isa.

Masuwerteng numero; 5,7,8,9

TUPA (SHEEP)

Maiimbyerna ka sa ka-epalan ng iyong kapitbahay. Ang sobrang pakikialam niya sa sitwasyon ng iyong pamilya ay hindi mo na magugustuhan kaya naman sa araw na ito ay babasagin mo na ang iyong pananahimik.

Masuwerteng numero; 36,37,45,46

UNGGOY (MONKEY)

Sa kabila ng pagkakulong mo sa bahay ay hindi pa rin paaawat ang pagdating ng mga magagandang oportunidad para sa’yo. Walang makakapigil dito kahit pa anong virus. Kaya naman dapat mo itong pagsikapan at ingatan.

Masuwerteng numero; 2,3,5,6

TANDANG (ROOSTER)

Masaya ang bawat oras na lilipas dahil sa iyong mga anak. Sa pagkakataon na ito ay sila ang magiging ilaw at haligi ng inyong tahanan. Kaya naman ang pangamba mo ay mawawala at mapapalitan ng pasasalamat.

Masuwerteng numero; 40,41,52,63

ASO (DOG)

Madudurog ang iyong puso sa balitang matatanggap mula sa malayo. Kahit pa hindi related sa’yo ang mga taong involve rito, ang kanilang kaguluhan at kabiguan ay labis na makakaapekto sa’yong kalooban bilang tao.

Masuwerteng numero; 8,18,20,21

BABOY (PIG)

Magiging de numero ang kilos mo ngayon sa sarili mong tahanan dahil sa ilang kamag-anak na pinatuloy mo. Sa halip na ikaw ang pangilagan nila at kahiyaan ay ikaw pa ngayon ang maninimbang sa kanila para lang wala silang masabi.

Masuwerteng numero; 12,13,22,33

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.