28.8 C
Manila
Monday, May 27, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Abril 22, 2024

DAGA (RAT)

Sa araw na ito ay mawawalan ka ng ganag kumilos. Makakaramdam ka ng pagkainip sa loob ng bahay kaya pipiliin mo na lang na palipasin ang oras sa paghiga higa at pagmumuni-muni. Hindi ka magiging productive ngayon.

Masuwerteng numero; 7,12,13,20

BAKA (OX)

Kung ang mga nagdaang araw ay hindi naging maaliwalas para sa’yo, asahan mo na magkakaroon ng konting improvement ngayong araw. Kahit papa’no ay magkakaroon ka na rin ng konting pag-asa bago matapos ang maghapon.

Masuwerteng numero; 25,28,33,45

TIGRE (TIGER)

Ang bawat oras na lilipas ay magiging magaan lang. Yung inaasahan mong mahirap na sitwasyon ay hindi mangyayari, sa halip ay magiging maayos ang buong maghapon mo at ng iyong pamilya hanggang sa pagsapit ng gabi.

Masuwerteng numero; 43,56,57,60

KUNEHO (RABBIT)

Magiging palaisipan sa’yo ang magiging aksyon ng isang kapamilya tungkol sa isang pangyayaring hindi mo pa alam ang puno’t dulo. Kaya naman magiging interesado kang alamin ito upang maintindihan mo siya.

Masuwerteng numero; 16,17,22,23

DRAGON (DRAGON)

Tulad ng nais mong mangyari ay magagawa mong iwasan ang isang tao na nagbibigay ng stress sa’yo. Kaya naman kahit papa’no ay makakahinga ka ng maluwag ngayong araw dahil walang magpapasakit ng iyong ulo.

Masuwerteng numero; 10,11,13,25

AHAS (SNAKE)

Ang ganda ng awra mo nitong mga nakaraang araw ay magpapatuloy ngayon. Hindi lang dahil sa mga blessings na natatanggap kundi dahil na rin sa iyong sariling attitude na sinisikap mong laging maging good vibes.

Masuwerteng numero; 34,35,42,47

KABAYO (HORSE)

Magiging mabilis lang ang gagawin mong pagpapasya tungkol sa problemang kinakaharap ng iyong anak. Ayaw mong mahirapan siya kaya hindi mo na iisipin kung mahirapan ka man sa pagpo-produce ng perang kailangan niya.

Masuwerteng numero; 8,16,19,20

TUPA (SHEEP)

Isang dating kaibigan ang nakatakdang mawala ngayong araw. Wala man kayong komunikasyon ngayon ay meron naman kayong malalim na pinagsamahan dati kaya hindi mo pa rin maiiwasan na makadama ng lungkot.

Masuwerteng numero; 1,2,3,5

UNGGOY (MONKEY)

Maganda ang plano sa’yo ni Lord. Kahit na nakagawa ka ng isang hindi sinasadyang pagkakamali ay magagawan mo pa rin ng paraan na maitama ito. Paninindigan mo ang pagresolba nito para makabawi ka sa kanya.

Masuwerteng numero; 12,14,23,32

TANDANG (ROOSTER)

Magiging maayos na ang lahat sa pagitan nyo ng isang kamag-anak. Kahit pa hindi kayo magkaroon ng masyadong pag-uusap ay wala ng magiging problema sa pagitan nyo. Tatahimik na ang pareho nyong kampo.

Masuwerteng numero; 9,19,20,21

ASO (DOG)

Hindi mo na gugustuhin pa na ma-stress ka sa mga susunod mong bayarin kaya naman kahit pa nasa gitna ka ng krisis ngayon ay sisikapin mo pa rin na mabayaran ang lahat ng iyong bills sa abot ng iyong makakaya.

Masuwerteng numero; 52,61,65,69

BABOY (PIG)

Wala kang planong makipagsabayan o makipagkompetensya sa mga kamag-anak ng iyong asawa kaya naman mananahimik ka lang kahit iprovoke ka nila. Mas pipiliin mo pa rin ang tahimik na buhay kasama ang sarili mong pamilya.

Masuwerteng numero; 30,40,41,46

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.