33.7 C
Manila
Tuesday, May 21, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Abril 21, 2024

DAGA (RAT)

Direkta mong matatanggap ang isang tulong mula sa hindi inaasahang tao. Sa lahat ng tao na inaasahan mong tutulong ay siya ang nasa hulihan ng listahan mo pero siya pa ang mangunguna ngayon kaya labis kang magpapasalamat.

Masuwerteng numero; 15,24,34,35

BAKA (OX)

Maaagaw ang atensyon mo sa isang kamag-anak na dating malayo ang loob sa’yo pero ngayon ay magiging malapit na sa inyo. May mga bagay kang matutuklasan sa kanyang kakayahan na gugustuhin mong gayahin.

Masuwerteng numero; 7,17,20,22

TIGRE (TIGER)

Malamang ang kamalasan ngayon kaysa sa pasok ng suwerte. Mas makakabuti kung mapapanatili mo ang pagkakaroon ng good vibes upang maging balanse pa rin ang araw mo kahit pa may kamalasang nakaamba.

Masuwerteng numero; 1,3,4,6

KUNEHO (RABBIT)

Alam mo na hindi maayos ang samahan nyo ng iyong byenan kaya naman huwag ka ng magtaka kung hindi niya pakikinggan ang mga suggestions mo. Lalo na at pinapanigan din siya ng asawa mo kaysa sa’yo.

Masuwerteng numero; 50,56,67,68

DRAGON (DRAGON)

Mahirap ang magiging sitwasyon mo ngayong maghapon. Kahit pa pilitin mo na maging okay ang lahat sa pagitan ninyong magkakamag-anak ay hindi nyo pa rin maiiwasan ang problema. Ikaw ang siyang pinaka-apektado.

Masuwerteng numero; 15,20,23,37

AHAS (SNAKE)

Magtataka ka sa pag-iwas sa sa’yo ng isang tao na dati mong ka-close. Pero gustuhin mo man na alamin ang kanyang dahilan ay hindi mo magagawa dahil sa dami ng mahahalagang bagay na pinagkakaabalahan mo ngayon.

Masuwerteng numero; 36,38,47,49

KABAYO (HORSE)

Ikakatuwa mo ang muling pagpaparamdam sa’yo ng tao na may malaking pagkakautang sa’yo. Iisipin mo na sa wakas ay mababayaran ka na rin niya. Pero ‘wag ka muna masyadong umasa dahil may iba siyang dahilan ng paglapit sa’yo.

Masuwerteng numero; 5,8,11,12

TUPA (SHEEP)

Hindi mo magagamit ngayon ang talento mo sa isang bagay dahil mas kailangan mo ngayon ng tamang diskarte para maisalba ang iyong pamilya sa isang sitwasyon na hindi maganda. Kailangan mo itong pag-isipan.

Masuwerteng numero; 9,19,21,31

UNGGOY (MONKEY)

Kahit pa maayos ang sitwasyon ng iyong pamilya ay hindi mo pa rin maiiwasan na makadama ng kalungkutan sa nangyayari sa iba. Ang dinaranas nila ay hindi biro at hindi mo alam kung kakayanin mo kung sa’yo mangyayari.

Masuwerteng numero; 45,47,58,69

TANDANG (ROOSTER)

Isang malapit na kaibigan ang mangangailangan ng iyong payo. Gayunpaman, kahit na anong ganda ng payo mo at kahit pa ito ay para sa ikabubuti niya, sa huli ay wala pa rin itong magiging saysay dahil sa ibang sangkot.

Masuwerteng numero; 1,2,5,6

ASO (DOG)

Magagawa mong iwasan ang paparating na problema kung gugustuhin mo. Ang problema ay may mga taong hahadlang at magiging dahilan para magdalawang isip ka at ito ang magiging mitsa ng iyong problema.

Masuwerteng numero; 6,16,20,23

BABOY (PIG)

Ikakagulat mo ang suwerteng dadapo sa’yo kaugnay ng negosyo. Dadagsa ang iyong mga customers at hindi ka magkakandaugaga sa pag-eestima sa kanila online. Malaki ang magiging pasasalamat mo sa Diyos dahil dito.

Masuwerteng numero; 14,17,28,33

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.