30.5 C
Manila
Friday, May 24, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Abril 20, 2024

DAGA (RAT)

Ang pag-aalinlangan mo na tanggapin ang tulong mula sa isang tao na dati mong nakatampuhan ay matutuldukan ngayon. Sa halip ay mapapalitan na lang ito ng pasasalamat at pagpapakumbaba dahil sa sitwasyon.

Masuwerteng numero; 14,26,28,30

BAKA (OX)

Mahihirapan kang intindihin ang isang miyembro ng inyong pamilya. Taliwas sa inaasahan nyo ang kanyang magiging desisyon kaugnay ng isang mahalagang usapin sa pamilya. Magiging palaisipan ito sa’yo.

Masuwerteng numero; 8,19,22,33

TIGRE (TIGER)

Mababawasan na rin sa wakas ang pag-aalala mo sa isang mahal sa buhay na nasa malayo dahil ngayong araw ay malaki na ang posibilidad na makauwi siya sa inyong pamilya. Patuloy ninyong ipapanalangin ang kanyang kaligtasan.

Masuwerteng numero; 28,29,43,45

KUNEHO (RABBIT)

Hindi makakatulong ang pag-iisip mo ng masama sa isang kaibigan. Sa halip ay makakadagdag lamang ito sa kanyang stress. Sa araw na ito ay mare-realize mo ang iyong pagkakamali kaya hahanap ka ng paraan para maituwid ito.

Masuwerteng numero; 10,13,19,20

DRAGON (DRAGON)

Isang malaking biyaya ang naghihintay para sa’yo bago matapos ang araw na ito. Kaya naman kahit pa hindi maging madali ang mga daraang oras mo sa umaga ay asahan mong magiging maayos ang lahat bago gumabi.

Masuwerteng numero; 6,7,18,24

AHAS (SNAKE)

Magiging mahusay ang pag-istima mo sa isang bisita ngayong araw. Magagawa mong ma-entertain siya habang masisiguro mo ring ligtas ang iyong pamilya mula sa panganib na maaari niyang madala sa inyong tahanan.

Masuwerteng numero; 6,7,16,17

KABAYO (HORSE)

Hindi mo na kakailanganin ang payo ng iba regarding sa isang problemang kinakaharap mo ngayon. Alam mo na ang tama at mali at alam na alam mo kung paano ito masosolusyunan. Kailangan mo lang gawin at panindigan.

Masuwerteng nuemro; 59,60,64,68

TUPA (SHEEP)

Wala kang ibang maiisip na paraan kundi ang iwasan ang isang tao na walang idinudulot sa’yo kundi stress at pangamba. Hindi mo man gusto na iwasan siya ay kakailanganin mong gawin para sa ikapapanatag na rin ng iyong isip.

Masuwerteng numero; 20,23,25,30

UNGGOY (MONKEY)

Isang tao mula sa iyong nakaraan ang magbabalik. Hindi mo maiiwasan na magkaroon ng pagkalito sa iyong damdamin. Gayunpaman, alam mo na ang tama at mali at sa panahong ito ay alam mo rin na hindi mo siya dapat paglaanan ng oras.

Masuwerteng numero; 4,5,8,9

TANDANG (ROOSTER)

Magkakaroon ka ng pagkakataon na ipahayag ang nararamdaman mo tungkol sa isang mahalagang usapin na kinasasangkutan mo. Hindi man maintindihan ng lahat kahit papa’no ay gagaan na ang loob mo.

Masuwerteng numero; 32,34,45,46

ASO (DOG)

Ang biyaya na matagal mo nang hinihintay at inaasahang darating ngayon ay hindi mo pa mapapasakamay. Gayunpaman, hindi ka mawawalan ng pag-asa at patuloy ka pa ring maghihintay sa pagdating nito.

Masuwerteng numero; 12,13,14,25

BABOY (PIG)

Malalaman mo sa araw na ito kung sino sa dalawa mong kaibigan ang magsasalba at kung sino ang maglalaglag sa’yo. Pero kahit malaman mo ay wala kang gagawing aksyon. Sa halip ay sasarilinin mo lamang ito.

Masuwerteng numero; 8,19,21,33

Related Articles

1 COMMENT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.