30.2 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Abril 2, 2024

DAGA (RAT)

Sa pagkakataong ito ay mabibigyan mo na rin ng pansin sa wakas ang mga bagay na mahahalaga subalit hindi mo nabibigyan ng atensyon dahil sa sobrang kaabalahan. Dahil dito ay marami kang panibagong matutuklasan at matututunan.

Masuwerteng numero; 19,23,33,35

BAKA (OX)

Maguguluhan ka sa mga ikikilos ng isang malapit na kaibigan. Mapapansin mo ang pagkabalisa niya. Dahil kaibigan mo siya ay hindi mo maiiwasan na mabalisa ka rin lalo pa at wala siyang planong sabihin kaninuman ang rason.

Masuwerteng numero; 17,20,22,27

TIGRE (TIGER)

Magiging madali para sa’yo na gampanan ang iniwang tungkulin ng isang kasamahan sa trabaho na may mas mataas na posisyon kaysa sa’yo. Sa araw-araw na magkasama kayo ay nakabisado mo na ang kanyang routine.

Masuwerteng numero; 1,10,11,47

KUNEHO (RABBIT)

Dahil sa sunud-sunod na gastos nitong mga nakaraang araw, ngayon mo mararamdaman ang kakapusan. Hindi na sasapat ang perang hawak mo para sa iba pang gastusin na kakaharapin kaya naman kakailanganin mong gumawa ng paraan.

Masuwerteng numero; 7,24,56,59

DRAGON (DRAGON)

Kahit hindi sapat ang laman ng iyong bulsa at wala ka pa talagang pera ay pipilitin mo na mabayaran ang isang pagkakautang. Ikaw yung tipo ng tao na takot masingil kaya kahit anong mangyari ay sisikapin mo na makabayad sa takdang oras.

Masuwerteng numero; 16,21,33,45

AHAS (SNAKE)

May pagbabagong magaganap sa ihip ng hangin. Ang tao na dati ay sinusungitan ka, ngayon ay magpapakita ng kabaitan sa’yo. Wala kang ideya at wala kang malalaman na rason sa bago niyang pakikitungo sa’yo.

Masuwerteng numero; 25,30,34,60

KABAYO (HORSE)

Kung anuman ang nauna ninyong plano ng iyong mahal ay ito dapat ang iyong sundin. Dito ka dapat magpokus dahil ito ang may tsansang  magtagumpay kaysa sa mga plano na bago mo pa lang binubuo dahil sa impluwensya ng iba.

Masuwerteng numero; 16,18,21,76

TUPA (SHEEP)

Huwag ka nang umasa na babalikan ka pa niya. Kahit pa gaano kasakit sa’yo ay kakailanganin mong tanggapin na hindi siya ang tao na para sa’yo para makasama sa habambuhay. Bubuhos ang bigat ng iyong damdamin ngayong araw na ito.

Masuwerteng numero; 1,12,13,50

UNGGOY (MONKEY)

May malaking balita kang matatanggap mula sa malayong lugar. Hindi mo naman ito ikabibigla dahil noon mo pa ito inaasahan. Ang mas ikakagulat mo ay ang tao na maghahatid sa’yo ng balitang ito bago matapos ang araw.

Masuwerteng numero; 7,8,19,30

TANDANG (ROOSTER)

Hindi mo maitatanggi ang paghanga mo sa isang bagong kakilala. Kaya naman magiging interesado ka na alamin ang mga bagay tungkol sa kanya. Madidismaya ka sa ilang bagay na malalaman mo na may kinalaman sa kanya.

Masuwerteng numero; 6,18,33,53

ASO (DOG)

Kaiinipan mo ang bawat oras na lilipas ngayong araw na ito. Hindi dahil sa wala kang magawa kundi dahil sa tagal ng ipaghihintay mo sa isang tao. Sa ayaw at sa gusto mo ay kailangan mo siyang hintayin dahil may kailangan ka sa kanya.

Masuwerteng numero; 6,24,41,52

BABOY (PIG)

Makakaramdam ka ngayon ng pananakit ng katawan. Ngayon mo lang ito mararamdaman kaya hindi mo maiiwasan ang mabahala. Subalit wala kang balak na magpatingin sa doktor. Hangga’t kaya mo ay titiisin mo ito.

Masuwerteng numero; 5,7,16,20

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.