29.9 C
Manila
Friday, May 24, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Abril 19, 2024

DAGA (RAT)

Magpapatuloy ang magandang araw mo ngayon. Kahit pa may tao na magtatangkang sirain ang araw mo ay mananatili kang kalmado. Mas pipiliin mo pa rin na maging maaliwalas ang iyong maghapon at magdamag.

Masuwerteng numero; 15,20,21,22

BAKA (OX)

Hindi ka na maiilang sa mga bago mong katrabaho. Iyon ay dahil sa kabutihan na ipapakita nila sa’yo kaya naman kahit papa’no ay makakaramdam ka ng kapanatagan ng loob sa kanila. Magiging komportable ka.

Masuwerteng numero; 4,6,9,13

TIGRE (TIGER)

Magkasabay ninyong gagawin ngayon ang trabaho at paglilibang. Kaya naman kahit mahirapan, sa kabilang banda ay masisiyahan din kayo dahil nakakapagtrabaho na kayo ay nalilibang pa sa inyong pwesto.

Masuwerteng numero; 17,27,34,35

KUNEHO (RABBIT)

Hindi mo maiiwasan na hindi makaramdam ng guilt dahil sa sasapitin ng isang kaibigan. Pero wala kang dapat pagsisihan sa iyong mga ginawang aksyon dahil gusto mo lamang lumagay sa gitna kung saan patas.

Masuwerteng numero; 28,30,45,46

DRAGON (DRAGON)

Meron kang likas na tapang kaya naman kahit na ano pa ang maranasan mong pait at pagsubok sa buhay ay ikaw ang tipo ng tao na hindi agad napapasuko. Ngayong araw ay mapapatunayan mo ito mismo sa iyong sarili.

Masuwerteng numero; 16,23,24,30

AHAS (SNAKE)

Hindi mo man magawa ang mga dati mong gawain ay magkakaroon ka naman ng ibang option sa buhay. Ipagpapasalamat mo ng husto ang mga bagong gawain na matutuklasan mo sa araw na ito kasama ang iba pang kapamilya.

Masuwerteng numero; 45,56,58,59

KABAYO (HORSE)

Malaking bagay na para sa’yo ang konting tulong na maibabahagi sa’yo ng isang kamag-anak na nasa malayo. Dahil dito ay kakalimutan mo na ang naging hidwaan nyo sa mga nagdaang panahon na wala pa ang krisis.

Masuwerteng numero; 65,66,71,72

TUPA (SHEEP)

Hindi ikaw ang dapat magpasya tungkol sa isang mahalagang bagay sa inyong departamento. Pero mapipilitan kang gawin ‘yon dahil sa sobrang kaabalahan ng nakatataas sa’yo na dapat gumawa ng desisyon kaugnay nito.

Masuwerteng numero; 10,13,14,20

UNGGOY (MONKEY)

Sa wakas ay mapapansin din ng boss mo ang natatangi mong talento. Hindi man niya sabihin sa’yo ng direkta ay malalaman mo mula sa isang kaanak niya ang labis niyang paghanga sa’yo at sa iyong kakayahan.

Masuwerteng numero; 18,19,20,21

TANDANG (ROOSTER)

May mga bagay kang gagawin dahil sa pagmamahal mo sa isang tao. Dahil sa kanya ay handa mong isakripisyo ang iyong sariling kaligayahan. Kahit pa may ibang tao na maapektuhan ay hindi mo maaalintana.

Masuwerteng numero; 38,42,55,56

ASO (DOG)

Masuwerte ka sa araw na ito dahil hindi lamang ang inaasahan mong biyaya ang makakamtan mo kundi may iba pang sorpresang naghihintay. Masuwerten rin ang iyong pamilya’t mga kaanak dahil ibabahagi mo ito sa kanila.

Masuwerteng numero; 16,28,29,34

BABOY (PIG)

Sisikapin mong kumalma sa harap ng isang mainit na sitwasyon. Kahit pa pigil na pigil ka na eh magagawa mo pa ring makontrol ang iyong sarili kaya naman iiwan mo ang sitwasyon na taas ang iyong noo.

Masuwerteng numero; 1,3,4,5

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.