28.8 C
Manila
Monday, May 27, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Abril 18, 2024

DAGA (RAT)

Hindi mo makokontrol ang sitwasyon nyo ngayon pero may magagawa ka para mapagaan ito. Kailangan mo lang kausapin ang mga miyembro ng iyong pamilya na alam mong makakaintindi sa gusto mong mangyari.

Masuwerteng numero; 6,16,20,32

BAKA (OX)

Ang stress na dinadala mo ay mababawasan sa araw na ito dahil sa isang tao. Siya ang may bitbit ng suwerte na matagal mo ng inaasam na dumating. Kaya naman labis ang magiging pasasalamat mo sa kanya.

Masuwerteng numero; 4,6,8,9

TIGRE (TIGER)

Mai-impress ka sa kakayahan at kagandahang loob ng isang opisyal na ngayon mo lang makikilala. Ang kanyang gawain ay hindi mo na inaasahan sa inyong mga opisyal pero mapapatunayan mo ngayon na meron pa ring matuwid.

Masuwerteng numero; 47,49,51,52

KUNEHO (RABBIT)

Matutuon ang atensyon mo ngayon sa pagluluto. Matagal mo na itong gustong gawin pero wala kang makuhang libreng oras dati. Kaya naman sasamantalahin mo ang pagkakataon sa araw na ito at sa mga susunod pa.

Masuwerteng numero; 17,18,28,30

DRAGON (DRAGON)

Malaki ang chance na mangyari ang inaasahan mong mangyari ngayong araw na ito. Kaya naman ang mga pag-aalala mo para sa iyong pamilya ay matutuldukan na sa oras na ikaw ay mapayagan ng makauwi.

Masuwerteng numero; 14,20,21,22

AHAS (SNAKE)

Hindi ka madedehado sa isang sitwasyon na kasasangkutan mo. Basta panatilihin mo lang ang pagiging kalmado kahit pa marami sa paligid mo ang maging mainit ang ulo. Ang pagiging kalmado ang magsasalba sa’yo.

Masuwerteng numero; 16,28,33,34

KABAYO (HORSE)

Hindi mo maiiwasan na hindi maging apektado sa malaking problemang kakaharapin ng isang kamag-anak. Alam mo na isa ka sa maaari niyang takbuhan at hingan ng tulong at alam mo ring hindi mo siya matitiis.

Masuwerteng numero; 4,15,16,20

TUPA (SHEEP)

Masyado ka ng maraming stress na iniisip para dagdagan pa ito ng mga problemang hindi mo naman kailangang problemahin. Mas makakabuti kung maghahanap muna ng mapaglilibangan upang ma-refresh ang isip.

Masuwerteng numero; 67,69,75,77

UNGGOY (MONKEY)

Unti-unti mong matututunan kung paano mag-organize ng iyong mga gamit dahil sa pinagdaraanan mo ngayon. Isa sa matagal mo ng pinoproblema ang hindi maayos-ayos mong mga gamit na dumadagdag din sa stress mo.

Masuwerteng numero; 16,28,34,35

TANDANG (ROOSTER)

Malaki ang maitutulong ng isa sa iyong mga kapitbahay sa kasalukuyan mong sitwasyon ngayon. Mahirap ang malayo sa iyong pamilya at mga kamag-anak kaya kakailanganin mo talaga ng tao na makakaramay.

Masuwerteng numero; 42,43,48,49

ASO (DOG)

Hindi mo maiaalis sa ibang tao na magduda sa tunay mong intensyon. Gayunpaman, wala ring makakapigil sa’yo na gawin ang iyong mga plano na sa tingin mo naman ay makakatulong sa marami kaysa ilan na kumokontra.

Masuwerteng numero; 1,2,13,24

BABOY (PIG)

Hindi ka matutuloy sa pinaplano mong pagpunta sa isang lugar kahit pa makakuha ka ng travel pass. Marami pang ibang  problema ang iyong kakaharapin kaya pipiliin mo na lang muna sa ngayon na manahimik sa bahay.

Masuwerteng numero; 15,22,31,32

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.