30.5 C
Manila
Friday, May 24, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Abril 16, 2024

DAGA (RAT)

Hindi mo lubos maiisip ngayon kung paano mo napagdaanan ang mga problemang pinagdaanan mo. Kaya naman ang lakas ng loob at katatagan mo ay madaragdagan pa ng kumpiyansa sa sarili. Dahil dito ay mababawasan ang pag-aalala mo.

Masuwerteng numero; 15,20,28,34

BAKA (OX)

Mag-iingat sa iyong mga kinakain dahil malaki ang posibilidad na makakain ka sa araw na ito ng hindi maayos na pagkain. Magiging sanhi ito ng labis na pagsakit ng iyong tiyan subalit may pagkakataon ka para umiwas.

Masuwerteng numero; 16,20,30,48

TIGRE (TIGER)

Hindi mo maiiwasan na hindi mag-alala sa tuwing lalabas ng bahay ang isa sa iyong mga mahal sa buhay. pero wala ka namang ibang pagpipilian at hindi mo rin sila mapipigilan. Wala kang magagawa kundi ipagdasal sila.

Masuwerteng numero; 4,7,8,19

KUNEHO (RABBIT)

Ikaw ang maaatasan ngayon para bantayan ang kilos ng mga kasamahan mo sa trabaho. Ikaw ang napiling pagkatiwalaan kaya hindi mo ito dapat sirain dahil lang sa ilang mga kaibigan sa trabaho na abusado.

Masuwerteng numero; 8,18,23,24

DRAGON (DRAGON)

Mawawalan ka ng gana na tulungan ang isang kaibigan dahil sa hindi magandang gawi na makikita mo sa kanya. Ayaw mo sa lahat ang tinutulungan pero hindi marunong maka-appreciate ng tulong maliit man ito o malaki.

Masuwerteng numero; 25,27,30,43

AHAS (SNAKE)

Mapapasubo ka sa isang kasunduan na hindi mo pa pinag-iisipan ang lahat ng detalye. Dahil dito ay magkakaroon ka ng pangamba na baka magkamali ka. Ito ang magpapagulo sa isip mo sa buong maghapon.

Masuwerteng numero; 59,63,64,70

KABAYO (HORSE)

Keri lang ang araw na ito. Walang masyadong ganap at wala ring ikot ng pagbabago sa iyong daily routine. Makakaramdam ka ng saya subalit naroon pa rin ang pagkainip sa bawat oras tulad ng mga nakaraang araw.

Masuwerteng numero; 6,15,22,33

TUPA (SHEEP)

Madamdamin ang magiging paghihiwalay nyo ng landas ng iyong kapareha para sa araw na ito. Ang susunod na mga oras ay inaasahan mo nang mapupuno ng pag-alala para sa kanya. Pero alam mo na kailangan nyong maging matatag pareho.

Masuwerteng numero; 42,44,47,50

UNGGOY (MONKEY)

Kahit late ka na bumangon ay marami ka pa ring magagawa sa araw na ito. Magiging produktibo ka pa rin at maraming matatapos na gawain bago sumapit ang gabi. Ipagpapasalamat mo ang kalakasan ng iyong katawan.

Masuwerteng numero; 7,18,19,21

TANDANG (ROOSTER)

Mae-excite ka sa bagong trabaho na iyong matatanggap. Gusto mo ang trabahong ito na tila bumubuhay sa dugo mo. Dahil dito kaya gaganahan kang kumilos at magiging maaaliwalas ang buong maghapon mo hanggang gabi.

Masuwerteng numero; 11,13,14,15

ASO (DOG)

Kung dati ay pinag-iisipan mo kung paano mo mareresbakan ang isang kaibigan na nakagawa sa’yo ng pagkakamali, ngayon ay mapapag-isip mo na hindi mo na ito kailangan gawin, sa halip ay ipagpapasa-Diyos mo na lang siya.

Masuwerteng numero; 1,2,4,5

BABOY (PIG)

Sa gitna ng hindi maganda mong sitwasyon ngayon ay mananatili kang nakakapit sa tangi mong pag-asa. Ito ay ang iyong mga magulang. Kaya naman kahit nahihirapan ka na ay hindi ka bumibitaw dahil sa kanila.

Masuwerteng numero; 16,28,29,30

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.