29.8 C
Manila
Thursday, May 23, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Abril 15, 2024

DAGA (RAT)

Maaaring sumama ang loob mo sa isang miyembro ng pamilya dahil sa kanyang gagawing desisyon. Maaapektuhan ng kanyang pagdedesisyon ang iyong buong pamilya kaya naman hindi mo maiiwasan na magdamdam.

Masuwerteng numero; 50,51,53,60

BAKA (OX)

Sadyang may mga tao na hindi nakakaintindi sa kung ano ang tama at mali. Ngayong araw ay mapipikon ka sa isang kapitbahay na ipaglalaban ang kanyang maling paniniwala kaya naman magkakaroon kayo ng komprontasyon.

Masuwerteng numero; 16,20,25,30

TIGRE (TIGER)

Wala kang balak na makipag-ayos sa isang kaibigan na dating nakaalitan subalit sa araw na ito ay hindi mo inaasahan ang muling pagkukrus ng inyong landas sa isang charity work. Ito na ang araw na muli kayong magkakalapit.

Masuwerteng numero; 10,13,27,33

KUNEHO (RABBIT)

Maikakaila mo sa iba subalit hindi sa iyong sarili na meron ka pa ring pagtingin sa dati mong kasintahan. Subalit alam mo na rin na maliban sa damdamin mo ay nagbago na ang lahat sa pagitan nyo kaya hindi ka na dapat umasa.

Masuwerteng numero; 5,9,15,18

DRAGON (DRAGON)

Sa kabila ng hindi magandang kaganapan sa paligid ay magiging aktibo at mabenta ang negosyo mo lalo na sa araw na ito. Tuloy ang buhay para sa’yo at sa iyong pamilya. Kaya dapat lang na ipagpasalamat mo ito sa Diyos.

Masuwerteng numero; 42,48,53,59

AHAS (SNAKE)

Hindi mo pa makukuha ang hinahangad mong kapanatagan sa araw na ito. Marami ka pang iintindihin na problema at kakailanganin mo muna itong mahanapan ng solusyon. Sa pagtulog ka lang magiging komportable kahit papa’no.

Masuwerteng numero; 30,41,44,48

KABAYO (HORSE)

Ito na ang tamang pagkakataon para makapag-abot ka ng tulong sa mga tao na dati ring nagbigay ng tulong sa’yo. Ang pag-aalinlangan mo ay walang maitutulong at sa halip ay makakasira lang sa iyong mga plano.

Masuwerteng numero; 13,14,25,26

TUPA (SHEEP)

Kahit na anong gawin mo ay hindi mo mababago ang pasya ng nakatatanda mong kapatid tungkol sa isang mahalagang usapin sa inyong pamilya. Mas makakabuti kung aayunan mo na lang siya kaysa kontrahin.

Masuwerteng numero; 65,78,79,80

UNGGOY (MONKEY)

Makakaramdam ka ng labis na kalungkutan sa araw na ito dahil sa pagpapatuloy ng hindi magandang pangyayari sa paligid. Subalit wala kang magagawa kundi ang sumunod sa mga utos at manalangin sa Diyos.

Masuwerteng numero; 35,37,40,41

TANDANG (ROOSTER)

Magiging malakas ang kutob mo na tama ang iyong hinala tungkol sa isang miyembro ng pamilya na malapit sa puso mo. Gayunpaman, ayaw mo na maging sanhi ito ng pagpapanic ng inyong mga kaanak kaya pipiliin mo na lang na manahimik.

Masuwerteng numero; 10,11,13,23

ASO (DOG)

Oras na para gawin mo ang iyong mga plano na matagal mong pinag-isipan. Wala ka ng dapat pang ipag-alala sa mga tao na iyong isinasaalang-alang dahil wala silang magiging pag-aalinlangan sa iyong mga balakin.

Masuwerteng numero; 16,28,37,46

BABOY (PIG)

Sa araw na ito ay makikilala mo ang tunay na pagkatao ng isang kaibigan. Kaya naman ang mga pagdududa mo sa kanya at ang mga mali mong hinala ay mapapawi at mapapalitan ng pagsaludo at paghanga.

Masuwerteng numero; 5,7,9,10

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.