28.8 C
Manila
Monday, May 27, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Abril 14, 2024

DAGA (RAT)

Aang pananabik mo na makita ang isang tao na mahalaga sa puso mo ay mapapalitan ngayon ng pagkainis. Ito ay dahil sa mga balitang makakarating sa’yo tungkol sa kanya kaya naman mawawalan ka ng gana.

Masuwerteng numero; 18,30,34,46

BAKA (OX)

Sa kabila ng inis na nararamdaman mo sa iyong mga kamag-anak ay hindi mo pa rin sila matitiis. Ipaaabot mo pa rin ang makakaya mong tulong na alam mong kailangang kailangan nila sa panahon na ito ng krisis.

Masuwerteng numero; 40,47,53,54

TIGRE (TIGER)

Kakaiba ang sayang ihahatid sa’yo ng iyong mga anak sa araw na ito. Sila ang iyong kahinaan subalit sila rin ang iyong kalakasan. Dahil sa kanila ang araw mo ngayon ay gagaan at pansamantala mong makakalimutan ang problema.

Masuwerteng numero; 6,12,26,28

KUNEHO (RABBIT)

Hindi mo maiiwasan na hindi maapektuhan sa mga kaganapan sa labas lalo na ngayon na isa sa mga kamag-anak mo ang masasangkot sa isang hindi magandang pangyayari sa labas. Buong pamilya nyo ay apektado.

Masuwerteng numero; 9,20,30,32

DRAGON (DRAGON)

Alam mo na kung gaano kahirap mag-isa pero hindi mo inaasahan na higit pa roon ang mararanasan mo ngayon. Mas mahihirapan ka dahil limitado lamang ang budget mo maging ang iyong paglabas ay nalimitahan din.

Masuwerteng numero; 56,66,67,69

AHAS (SNAKE)

Ilang araw ka ng lugmok sa kalungkutan. Pero ‘wag kang mag-alala dahil may awa ang langit kaya ngayong araw ay bibigyan ka naman ng Diyos ng dahilan para maging masaya. Dapat mo itong ipagpasalamat.

Masuwerteng numero; 24,26,31,32

KABAYO (HORSE)

Magiging palaisipan sa’yo kung ano na nga ba ang nangyari sa isang kaanak na umalis sa inyong tahanan kamakailan lang. Kahit pa nagkaroon kayo ng hindi pagkakaunawaan ay makakaramdam ka pa rin ng pag-aalala.

Masuwerteng numero; 7,9,11,13

TUPA (SHEEP)

Iwasan mo munang lumabas ng bahay ngayon kahit pa importante ang iyong pakay sa labas tulad ng pamimili ng mga pagkain para sa pamilya. Ipagpaliban mo muna ang araw na ito dahil malapit ka ngayon sa pagkakaroon ng sakit.

Masuwerteng numero; 30,37,45,55

UNGGOY (MONKEY)

Kahit pa marami kang biyaya na natatanggap ngayon ay kakailanganin mo pa rin na magtabi at magsiguro para sa kinabukasan. Hindi masama ang maging matulungin pero kailangan mo itong ilagay sa lugar.

Masuwerteng numero; 61,68,74,75

TANDANG (ROOSTER)

Mapapansin mo ang pagbabago sa samahan nyo sa loob ng bahay. Unti-unti nyo ng mararamdaman ang hirap ng sitwasyon dahil paubos na ang inyong mga ipon. Dito na masusubukan ang kakayahan at tunay na ugali ng bawat isa.

Masuwerteng numero; 13,17,19,20

ASO (DOG)

Hindi mo mararamdaman ang pagod sa araw na ito dahil may makakatuwang ka sa lahat ng iyong gawain. Kung dati ay solo mo lang itong inuumpisahan at tinatapos, ngayon ay may tutulong na sa’yong miyembro ng pamilya

Masuwertreng numero; 1,3,4,6

BABOY (PIG)

Iwasan mo muna ang madalas na pakikipag-usap sa mga taong hindi mo kilala sa internet. Sa panahong ito ng krisis ay marami pa rin ang mapagsamantala at gagamitin ang hirap ng sitwasyon para makapangloko ng kapwa.

Masuwerteng numero; 19,15,20,25

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.