35.3 C
Manila
Tuesday, May 21, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Abril 13, 2024

DAGA (RAT)

Isang tao ang lakas loob mong lalapitan dahil alam mo na malaki ang maitutulong niya sa’yo. Alam mo rin na hindi ka niya bibiguin. Subalit sa pagkakataong ito ay hindi ka niya mapagbibigyan dahil sa sarili niyang problema.

Masuwerteng numero; 14,15,20,22

BAKA (OX)

May maririnig kang balita tungkol sa isang kaanak na matagal ng hinahanap ng inyong pamilya. Pero hindi pa ito ang pagkakataon na makikita nyo siya dahil nasa gitna pa ng quarantine ang lahat kabilang na rin siya.

Masuwerteng numero; 40,45,50,55

TIGRE (TIGER)

Hindi masyadong maganda ang araw na ito para sa’yo. Pero wala kang dapat ipag-alala. Malayo sa’yo ang kamalasan. Gayunpaman, ang mga ninanais mo na mangyari ay hindi mangyayari. Walang ibang ganap.

Masuwerteng numero; 7,16,19,24

KUNEHO (RABBIT)

Hindi ikaw ang masusunod ngayon sa loob ng inyong tahanan. Sa halip ay mabibigyan ng pagkakataon ang ibang miyembro ng pamilya na mapakinggan ang kanilang boses tungkol sa ilang mahalagang usapin.

Masuwerteng numero; 19,27,30,34

DRAGON (DRAGON)

Wala kang balak patulan ang nakababatang kapatid. Subalit sadyang mahihirapan kang magkontrols a araw na ito. Hindi ka na kasi mapapalagay sa kanyang mga ginagawa kaya naman mag-iisip ka na ng aksyon.

Masuwerteng numero; 32,35,43,46

AHAS (SNAKE)

Dadaan ka muna sa butas ng karayom bago mo maisagawa ang nais mong mangyari. Mas makakabuti kung kakalma ka na lang muna at hahayaan mong lumipas ang araw na ito upang makapag-isip ka pa ng tama.

Masuwerteng numero; 16,17,22,27

KABAYO (HORSE)

Mabibilang mo lang ngayon sa iyong mga daliri ang kaibigan na malalapitan mo at mahihingan ng tulong. Gayunpaman, malinaw mong maiintindihan ang sitwasyon ng iba kung bakit hindi ka nila magagawang tulungan sa ngayon.

Masuwerteng numero; 4,5,8,9

TUPA (SHEEP)

Isang hindi inaasahang tao ang makikita mo sa internet. Siya ang tao na matagal mo ng hinahanap. Pero ngayong natagpuan mo na siya ay hindi mo alam kung papaano mo siya kakausapin kapag nagkaroon na kayo ng komunikasyon.

Masuwerteng numero; 52,58,65,66

UNGGOY (MONKEY)

Stress ang idudulot sa’yo ng mga nakaraan mong aksyon. Subalit sa isang tulad mo na nasa ilalim ng chinese zodiac na monkey ay madali ka ring makakaisip ng paraan kung paano mo maiiwasan ang stress na ito.

Masuwerteng numero; 13,20,21,22

TANDANG (ROOSTER)

Mahihirapan kang sakyan ang ugali ng iyong kapareha sa araw na ito. Pero wala ka sa mood para makipagkomprontasyon sa kanya o magparamdam man lang ng inis. Itutuon mo na lang ang atensyon mo sa ibang bagay.

Masuwerteng numero; 28,30,31,42

ASO (DOG)

Kadalasan ay hindi maganda ang ibinubunga ng padalos dalos na pagdedesisyon. Subalit sa pagkakataong ito ay magugulat ka sa magandang resulta ng biglaan mong pagpapasya tungkol sa isang mahalagang bagay.

Masuwerteng numero; 54,58,65,69

BABOY (PIG)

May hatid na suwerte ang araw na ito para sa’yo subalit sa bandang umaga lamang ito. Bago matapos ang maghapon ay makakatanggap ka naman ng balitang hindi maganda at hindi makakabuti para sa iyong pamilya.

Masuwerteng numero; 18,19,30,33

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.