35.3 C
Manila
Tuesday, May 21, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Abril 12, 2024

DAGA (RAT)

Hindi mo maiintindihan ang sasabihin sa’yo ng isang kamag-anak dahil ayaw mo talaga itong intindihin. Wala kang panahon sa kanyang mga hinaing o anumang problemang kinasasangkutan niya dahil abala ka sa sarili mong stress.

Masuwerteng numero; 11,13,30,39

BAKA (OX)

Hindi ka maaagrabyado sa isang sitwasyon na kasasangkutan mo ngayon. Nakaalalay sa’yo ang mga tao na tunay na nagmamalasakit. Hindi ka nila hahayaan na maipit sa hindi magandang sitwasyon kaya wala kang dapat ipag-alala.

Masuwerteng numero; 5,15,20,26

TIGRE (TIGER)

Masusubukan mo ngayon ang limitasyon ng iyong kakayahan sa isang mahalagang bagay sa iyong buhay. sa araw na ito ay mapagtatanto mo na higit pa pala sa iyong inaasahan ang makakaya mong gawin at ipagmalaki.

Masuwerteng numero; 46,50,54,57

KUNEHO (RABBIT)

Kukulangin ka ng oras sa araw na ito para magawa mo ang lahat ng bagay na gusto mong gawin. Hindi mo kasi alam kung alin ang mas dapat uhanin sa dapat ihuli kaya naman may mga oras ka ring maaaksaya.

Masuwerteng numero; 53,65,66,69

DRAGON (DRAGON)

Mararamdaman mo ngayon ang sinseridad ng isang tao sa gagawin niyang pagtulong sa’yo. Kaya naman labis mong maaappreciates ang tulong na ito. Magiging maaliwalas pa rin ang araw mo sa kabila ng mga problema sa labas.

Masuwerteng numero; 7,11,15,21

AHAS (SNAKE)

Hindi ka magkakaroon ng kapanatagan sa araw na ito dahil sa isang miyembro ng pamilya. Ang kanyang pansamantalang paglayo ang siyang magpapabagabag sa’yo. Labis kang mag-aalala para sa kanyang kaligtasan.

Masuwerteng numero; 10,12,16,19

KABAYO (HORSE)

Sa kabila ng mga hindi magandang pangyayari ay tuloy pa rin ang iyong trabaho. Masuwerte ka dahil meron ka pa ring magiging income kaya naman dapat mo itong ipagpasalamat. Iwasan na ang magreklamo.

Masuwerteng numero; 6,16,28,29

TUPA (SHEEP)

Hindi lahat ng tao ay makakaunawa at magugustuhan ang iyong mga ginagawa. Sadyang may mga tao na maghahanap at maghahanap ng butas para sirain ka. May duda ka na kung sino sila pero pipiliin mo ang manahimik.

Masuwerteng numero; 6,9,18,19

UNGGOY (MONKEY)

Likas ang iyong katalinuhan sa maraming bagay. Sa diskarte sa buhay ay hindi ka rin pahuhuli. Kaya naman ang problemang kinakaharap mo ngayon ay magaan mo lamang dadalhin dahil hindi ka mauubusan ng solusyon.

Masuwerteng numero; 34,35,45,47

TANDANG (ROOSTER)

Ang araw na ito ay hindi magiging kanais nais para sa’yo dahil muling magkukrus ang landas nyo ng isang tao na pinakaiiwas-iwasan mo. Pero wala kang magagawa kundi ang mainis at palipasin ang maghapon na ito.

Masuwerteng numero; 30,31,32,40

ASO (DOG)

Ang buong araw na ito ay igugugol mo sa paghahanap ng makabuluhang bagay na magagawa mo sa loob ng bahay habang hindi ka pa nakakabalik sa trabaho. May makakakauha ng atensyon mo at mabubuhay ang interes mo rito.

Masuwerteng numero; 53,57,67,73

BABOY (PIG)

Magiging maaliwalas ang araw na ito para sa’yo dahil sa pagdating ng isang tao na matagal mo ng hinihintay. Siya ang may dala ng pag-asa sa inyong pamilya kaya naman lahat kayo ay magiging masaya sa kanyang pagdating.

Masuwerteng numero; 6,8,13,15

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.