27.4 C
Manila
Sunday, May 19, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Abril 10, 2024

DAGA (RAT)

Hindi mo maikakaila ang magiging pag-aalala mo sa isang kaibigan dahil wala kang nababalitaan na kahit na ano tungkol sa kanya. Hindi ka sanay na nananahimik siya kaya magiging palaisipan sa’yo ang kalagayan niya.

Masuwerteng numero; 6,12,18,20

BAKA (OX)

Tuloy pa rin ang binabalak mong pagbibigay ng tulong sa iyong mga kapitbahay kahit na nagkakaproblema ka ngayon sa sarili mong budget. Para sa’yo, ang pangako ay isang pangako na dapat tuparin.

Masuwerteng numero; 37,38,40,42

TIGRE (TIGER)

Hindi mo malalaman kung sino sa dalawang kaanak mo ang nagsasabi ng totoo kaya naman gagawa ka ng paraan para malaman kung sino sa kanila ang nagsisinungaling at hindi. Pag-iisipan mo ito buong maghapon.

Masuwerteng numero; 5,11,13,14

KUNEHO (RABBIT)

Hindi mo maaalintana ang hirap ng pinagdaraanan ng iba ngayon dahil sa mga biyayang patuloy na dumarating para sa’yo at sa iyong pamilya. Masuwerte ka na sa kalagayan mo ngayon kaysa sa iba kaya dapat kang magpasalamat.

Masuwerteng numero; 15,20,30,32

DRAGON (DRAGON)

Ang stress mo sa araw-araw ay pansamantalang mawawala ngayon. Kahit papa’no ay makakaramdam ka ng kapanatagan. Buong maghapon ay magiging magaan lang ang bawat oras na lilipas para sa’yo at sa lahat ng kasama mo sa bahay.

Masuwerteng numero; 43,44,47,50

AHAS (SNAKE)

Hindi ka magdadalawang isip na tulungan ang isang dating kaibigan na nangangailangan ng tulong ngayon. Marunong kang tumanaw ng utang na loob kaya ito na ang pagkakataon mo para makabawi sa kanya.

Masuwerteng numero; 6,16,17,22

KABAYO (HORSE)

Sa araw na ito ay bababa ang kumpiyansa mo sa sarili dahil sa isang pangyayari. Kahit na anong gawin mong pag-iwas ay ito pa rin ang magaganap. Kaya naman sa ayaw at sa gusto mo ay pagdaraanan mo ito.

Masuwerteng numero; 49,53,55,54

TUPA (SHEEP)

Malaki ang magbabago sa sistema ng inyong pamumuhay. Ngayong araw ay mapagmumuni-munihan mo ang mga bagay na mas mahalaga kaysa anupaman. Kasama na rito ang muling pagkakabuo ng iyong pamilya.

Masuwerteng numero; 24,29,30,33

UNGGOY (MONKEY)

Hindi mo maiiwasan na hindi makaramdam ng takot sa pagpapatuloy ng hindi magandang kaganapan sa paligid. Wala kang ibang maiisip kundi ang kaligtasan mo at ng iyong pamilya. Ito ang babagabag sa’yo sa buong maghapon.

Masuwerteng numero; 5,7,9,13

TANDANG (ROOSTER)

Magiging matalas ang pandinig mo ngayon sa mga balitang kumakalat sa inyong lugar. Hindi ka likas na mausisa sa mga kaganapan sa labas pero iba na ang sitwasyon ngayon kaya kailangan mo talagang talasan maging ang iyong pakiramdam.

Masuwerteng numero; 22,33,36,45

ASO (DOG)

Hindi mo gustong hindi makita at makasama ang iyong pamilya, pero meron kang mas mahalagang bagay na kailangang gawin sa labas. Pipiliin mo na panindigan ang tungkulin mo sa iyong trabaho para sa bayan.

Masuwerteng numero; 25,30,32,47

BABOY (PIG)

Ngayong araw ay mabubuhos ang atensyon mo sa mga libangang matutuklasan mo sa loob ng bahay. Dahil dito ay hindi ka na ulit makakaramdam ng pagkainip kahit na gaano ka pa katagal magstay sa inyong tahanan.

Masuwerteng numero; 8,9,10,11

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.