27.3 C
Manila
Sunday, June 16, 2024

Chinese Horoscope Setyembre 6 2023

DAGA (RAT)

Ikatutuwa mo ang isang balitang makakarating sa’yo kaugnay sa iyong proyekto na pagkakawanggawa. May mai-inspire kang tao at dahil dito ay matutulungan ka niya sa mga susunod mo pang proyekto na tulad nito.

Masuwerteng numero; 12,15,27,30

BAKA (OX)

Malulusutan mo ang problemang kinakaharap mo ngayon. Ang maganda do’n ay malulusutan mo ito ng dahil sa sarili mong pamamaraan at hindi dahil sa tulong ninuman kaya dapat mong ipagmalaki ang iyong sarili.

Masuwerteng numero; 40,43,56,57

TIGRE (TIGER)

May bago kang magiging kaibigan na makikilala mo ngayong araw. Siya ang tipo ng kaibigan na maaari mong masandalan pero ngayon pa lang ay paaalalahanan mo na ang iyong sarili na hindi mo siya dapat abusuhin.

Masuwerteng numero; 9,19,20,21

KUNEHO (RABBIT)

May biyayang hatid ang umaga na labis mong ikatutuwa. Kaya naman ang buong maghapon mo ay magiging magaan at maaliwalas. Matutong mag-ingat at magpahalaga sa mga biyayang natanggap at matatanggap pa.

Masuwerteng numero; 10,11,13,24

DRAGON (DRAGON)

Sa araw na ito ay malalaman mo na kung sino sa mga kaibigan mo ang nagtraydor at naglaglag sa’yo sa isang mahalagang usapin. Pero kahit malaman mo na ito ay wala kang balak na komprontahin siya dahil malaki rin ang utang na loob mo sa kanya.

Masuwerteng numero; 6,10,16,17

AHAS (SNAKE)

Makakaiwas ka sa isang kumplikadong sitwasyon kung gugustuhin mo. Pero sa halip ay ipagpapatuloy mo pa rin ang iyong ginagawa at wala kang balak na ayusin ang mga bagay at relasyon na nasasagasaan mo.

Masuwerteng numero; 5,7,8,9

KABAYO (HORSE)

Isang bisita ang darating ngayon at may mahalaga siyang pakay sa’yo. Kahit hindi mo siya gusto ay kailangan mong makinig ng mabuti sa kanyang mga sasabihin dahil para na rin ito sa ikabubuti mo at ng iyong pamilya.

Masuwerteng numero; 54,59,60,61

TUPA (SHEEP)

Hindi mo kailangang magpaliwanag kaninuman tungkol sa kinahinatnan ng iyong naunang plano. Mas makakabuti kung pagtutuunan mo ng pansin ang mga susunod mong hakbang upang hindi na magkamali pa.

Masuwerteng numero; 33,34,38,43

UNGGOY (MONKEY)

Patuloy kang hahangaan sa karerang napili mo. Iwasan lamang ang mga tao na nagpapanggap na bilib din sa’yo pero ang hindi mo alam ay pinag-aaralan na ang iyong mga gawa at hinahanapan ka na pala ng butas.

Masuwerteng numero; 67,69,70,734

TANDANG (ROOSTER)

Marami na naman ang maninibugho sa’yo dahil sa pag-angat mo sa kanila. Takot kang kainggitan at kainisan ng iyong mga kasamahan sa trabaho pero mas takot ka na mapag-iwanan at walang mangyari sa iyong pagsisikap.

Masuwerteng numero; 51,53,58,60

ASO (DOG)

Ito na ang tamang araw para muli mong simulan ang pag-eehersisyo na matagal mo ng kinalimutan. Kailangan mo ito ngayon sa iyong buhay lalo na at may nararamdaman ka ng hindi maganda sa iyong katawan.

Amsuwerteng numero; 45,47,67,76

BABOY (PIG)

Isang tao ang lalapit sa’yo para magpakumbaba mula sa napakataas niyang ere na ipinakita sa’yo. Wala ka na sanang balak na bigyan pa siya ng atensyon pero dala ng likas na kabutihan ng iyong puso ay patatawarin mo siya.

Masuwerteng numero; 7,17,20,23

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.