30.6 C
Manila
Thursday, June 20, 2024

Chinese Horoscope Setyembre 5, 2023

DAGA (RAT)

Ang mga plano mo sa trabaho na inaasahan mong matatagalan pa bago mo maisagawa ay matatapos mo na agad-agad ngayong araw dahil may tutulong sa’yo. Isang tao na hindi mo inaasahang makakatuwang mo rito.

Masuwerteng numero; 5,6,15,16

BAKA (OX)

Hindi mo mamamalayan ang paglipas ng oras sa araw na ito dahil sa sobra mong kaabalahan sa mga gawain na naiatang sa’yo sa loob ng inyong tahanan. Kahit may kabigatan ang mga ito ay maeenjoy mo pa rin naman.

Masuwerteng numero; 45,47,58,59

TIGRE (TIGER)

Magsisilbing aral sa’yo ang pangyayaring kasasangkutan mo ngayong araw. Pasasalamatan mo rin ang mga tao na siyang tutulong sa’yo upang makalabas ka sa hindi magandang sitwasyon at makauwi ng maayos.

Masuwerteng numero; 23,25,30,35

KUNEHO (RABBIT)

Ang suwerteng naging mailap sa’yo nitong mga nakaraang araw ay mapapasakamay mo na rin ngayon. Hindi na ito ipagkakait sa’yo ng tadhana kaya naman dapat kang matuwa at pag-ingatan ito na hindi mawala.

Masuwerteng numero; 11,13,20,24

DRAGON (DRAGON)

Magiging maayos na ang lahat sa pagitan nyo ng isang malapit na kamag-anak. Makalipas ang ilang buwan ding pagtitikisan sa isa’t-isa dahil sa hindi pagkakaunawaan ay magkakaroon na rin kayo ng pagkakaintindihan sa ngayon.

Masuwerteng numero; 10,20,25,30

AHAS (SNAKE)

Ang agam-agam mo sa isang pagkakakitaan ay matutuldukan na sa ngayon. Mapapatunayan mo na hindi ito bogus tulad ng mga nakaraan mong naranasan sa pakikipagtransaksyon. Kaya naman mapapanatag ka na rin at aasa ng kita.

Masuwerteng numero; 37,40,45,67

KABAYO (HORSE)

May hatid na kasiyahan ang araw na ito para sa’yo at sa iyong pamilya dahil sa biyayang inyong matatanggap mula sa malayo. Kaya naman maiisipan ninyong lumabas upang makapagbonding matapos ang ilang buwan pananahimik sa bahay.

Masuwerteng numero; 25,26,38,50

TUPA (SHEEP)

Isang kaibigan ang lalapit sa’yo ngayong araw na ito upang manghiram ng pera. Gaano mo man siya kagustong tulungan ay hindi mo magagawa dahil maski ikaw ay nangangailangan din ng tulong pinansiyal.

Masuwerteng numero; 8,9,19,21

UNGGOY (MONKEY)

Madaragdagan ang lakas ng loob mo dahil sa suportang ipapakita sa’yo ng mga kamag-anak at kaibigan para sa proyektong iyong nasimulan. Matatapos mo ito sa takdang panahon ng maganda at maayos ayon sa nais mo.

Masuwerteng numero; 6,9,19,20

TANDANG (ROOSTER)

Makakaramdam ka ng pagkainip sa trabaho dahil sa kawalan ng magagawa. Hindi masyadong aktibo ngayon ang inyong departamento subalit ipagpapasalamat mo na wala pang tinatanggal na sinuman sa inyo.

Masuwerteng numero; 40,45,51,53

ASO (DOG)

Makakatagpo ka ng isang bagong kaibigan sa katauhan ng isang dating kaaway. Sa pagkakataong ito ay kakalimutan nyo ang hindi magandang nakaraan at magpapasyang ibaon na lang sa limot ang lahat para makapagsimula ng bagong samahan.

Masuwerteng numero; 14,25,26,37

BABOY (PIG)

Sa kabila ng pagsisikap mo na malampasan ang mga paghamon sa buhay ay mahihirapan ka pa ring harapin ito sa kasalukuyan dahil sa dami ng balakid. Gayunpaman ay hindi pa ito ang araw na aayaw ka at susuko.

Masuwerteng numero; 60,63,64,70

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.