27.3 C
Manila
Sunday, June 16, 2024

Chinese Horoscope Setyembre 21 2023

DAGA (RAT)

Hindi mo matutumbasan ng halaga ng pera ang tulong na ibinigay sa’yo ng isang kaibigan kaya naman tutumbasan mo na lang din ito ng halaga sa pamamagitan ng iyong pagtulong sa pinagdadaanan niya ngayon.

Masuwerteng numero; 15,20,21,22

BAKA (OX)

Makakatanggap ka ng tawag mula sa isang kaibigan at ihihinga niya sa’yo ang sama ng loob na dinaranas niya ngayon mula sa kanyang pamilya. Ang tanging maibibigay mo lamang sa kanya ay ang payo na mula sa iyong puso bilang kaibigan.

Masuwerteng numero; 40,41,45,50

TIGRE (TIGER)

Walang kahahantungan ang paghihintay mo sa trabahong inaasam. Mas makakabuti kung kikilos ka na at maghahanap na lang muna ng ibang trabaho. Nang sa gayon ay mapunan mo na ang iyong mga pangangailangan.

Masuwerteng numero; 30,33,56,58

KUNEHO (RABBIT)

May hindi inaasahang biyaya ang matatanggap mo sa araw na’to. Dahil hindi mo ito ini-expect kaya hindi mo muna mapagdedesisyunan sa ngayon kung ano ang dapat mong gawin dito upang ang buong pamilya ay makinabang.

Masuwerteng numero; 5,7,9,19

DRAGON (DRAGON)

Magiging malaking dagok sa inyong pamilya ang problemang kakaharapin nyo kapag hindi nyo ito nasolusyunan habang maaga pa. Kung bibigyan mo agad ito ng atensyon ay malaki ang posibilidad na hindi ito lumala.

Masuwerteng numero; 16,20,26,30

AHAS (SNAKE)

Marami kang mapapasayang tao ngayon dahil sa likas mong pagiging komedyante. Kusang lumalabas ang talento mo sa pagpapatawa kapag nakakaramdam ka ng pagkainip sa iyong sitwasyon. Para narin libangin ang mga tao sa paligid mo.

Masuwerteng numero; 12,18,20,30

KABAYO (HORSE)

May hatid na lungkot ang araw na ito. Hindi mo matutukoy ang eksaktong dahilan ng mararamdaman mong kalungkutan. Mas gugustuhin mo ngayon na manatili sa loob ng inyong tahanan at magbasa-basa na lang.

Masuwerteng numero; 25,31,32,46

TUPA (SHEEP)

May makakarating sa iyong balita tungkol sa pinagtatrabahuhan mo. Ayaw mo mang isipin ang tungkol dito pero hindi mo maiwasan na hindi mag-alala dahil sa pangamba na baka isa ka sa mawalan ng trabaho sa hinaharap.

Masuwerteng numero; 25,30,34,37

UNGGOY (MONKEY)

Malilibang ka sa bagong matutuklasan mo sa internet na may kinalaman sa mga halaman. Hindi ka mahilig dito pero ngayon ay magkakaroon ka na ng interes at pag-iisipan mo kung paano mo ito magagawa ng personal.

Masuwerteng numero; 11,13,15,16

TANDANG (ROOSTER)

Hinding hindi ka magsasawa sa pagkalinga sa iyong mga mahal sa buhay lalo na sa iyong mga kapatid. Dahil alam mo na wala silang ibang masasandalan kundi ikaw lang. Sa’yo rin sila kumukuha ng lakas at pag-asa.

Masuwerteng numero; 8,10,20,34

ASO (DOG)

May masasabi kang hindi maganda sa isang tao dala ng bugso ng iyong damdamin. Mahihirapan ka na kasing kontrolin ang nararamdaman mo sa gitna ng isang mahirap na sitwasyong kasusuungan dahil sa kanya.

Masuwerteng numero; 45,58,60,69

BABOY (PIG)

Ikatutuwa mo ang pagpayag ng isang kamag-anak sa isang matagal ng pabor na hinihiling mo sa kanya. Dahil dito ay magkakaroon ka na rin ng kapanatagan at ipagpapasalamat mo ito sa kanya ng husto sa mga darating na araw.

Masuwerteng numero; 51,52,67,76

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.