31.6 C
Manila
Sunday, June 23, 2024

Chinese Horoscope Setyembre 14 2023

DAGA (RAT)

May mga bagay kang hindi maiintindihan tungkol sa usaping may kinalaman sa bentahan ng inyong lupa. Hindi masamang magtanong dahil para ito sa kapakanan at kinabukasan ng iyong mga anak at ito ang dapat mong gawin.

Masuwerteng numero; 10,20,32,34

BAKA (OX)

Ikaw ang mangunguna sa pagresolba sa problema na kinakaharap ngayon ng inyong grupo. Kailangan mong gamitin ang iyong talino at diskarte. Hindi mo kailangang madaliin ang iyong pagdedesisyon upang hindi magkamali.

Masuwerteng numero; 8,16,18,19

TIGRE (TIGER)

Huwag matakot sa pagbabagong magaganap sa inyong kumpanya dahil kung meron mang higit na makikinabang dito, iyon ay kayong mga maliliit na empleyado kaya sumunod na lang sa ipag-uutos ng nakatataas.

Masuwerteng numero; 13,20,21,40

KUNEHO (RABBIT)

Marami kang matututunan sa internet kung aayusin mo lang at seseryosohin ang paghahanap ng mga kaalamang may kinalaman sa negosyo na gusto mong simulan. Mas higit kang magiging interesado ngayon.

Masuwerteng numero; 57,60,69,74

DRAGON (DRAGON)

Iwasang magpadala sa init ng ulo. Hindi ito makakatulong sa problema mo sa halip ay ilalagay ka lamang nito sa alanganing sitwasyon at magiging karagdagan lamang ito sa mga iniintindi mo ngayon na nagpapahirap sa’yo.

Masuwerteng numero; 25,37,40,44

AHAS (SNAKE)

Masaya ang magiging bati sa’yo ng umaga. Maaliwalas at magaan ang nakatakdang araw na ito para sa’yo at sa iyong pamilya. Magkakaroon kayo ng pagkakataon na makapgbonding ng medyo matagal na oras.

Masuwerteng numero; 5,7,9,10

KABAYO (HORSE)

May suwerte ka ngayong araw na ito sa pananalapi. Magiging magaan ang pasok ng pera. Iwasan lamang na maging negatibo sa ilang bagay dahil maaaring maharang nito ang suwerte sa perang paparating.

Masuwerteng numero; 5,15,27,28

TUPA (SHEEP)

Sa ayaw mo man at sa gusto ay may pagbabagong magaganap sa loob ng inyong tahanan dahil sa pagkawala ng isang miyembro ng pamilya. Kakailanganin nyo pang mag-adjust dahil malaking kawalan siya sa inyo.

Masuwerteng numero; 14,25,30,31

UNGGOY (MONKEY)

Hindi mo kailangan na magmakaawa ng atensyon sa isang nakatataas sa trabaho dahil hindi pa talaga ito ang oras ng iyong pag-angat. Subalit huwag mag-alala dahil darating ang araw na mas magiging mataas ang posisyon mo sa kanya.

Masuwerteng numero; 14,17,32,45

TANDANG (ROOSTER)

Mag-ingat sa iyong mga kinakain dahil ngayong araw ay malaki ang posibilidad na makakain ka ng hindi ayos na pagkain. Matutong mag-obserba kung tama ang pagproseso ng pagkain bago ito ipasok sa iyong katawan.

Masuwerteng numero; 23,34,40,56

ASO (DOG)

Makakaramdam ka ng awa sa isang nakaalitan. Sa kabila ng hindi ninyo pagkakaunawaan ay hindi mo naman gusto na mapahamak siya o malagay sa sitwasyon na hindi mo rin gustong kalagyan mo kung ikaw ang nasa posisyon niya.

Mauswerteng numero; 15,20,23,24

BABOY (PIG)

Maging mailap man ang suwerte sa ngayon ay maluwag mo itong tatanggapin dahil maayos pa naman ang iyong kalagayan ng ilang ulit kaysa sa iba. Ipagpapasalamat mo ito sa Diyos at sa mga mahal mo sa buhay.

Masuwerteng numero; 60,67,78,79

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.