28.4 C
Manila
Thursday, December 7, 2023

Chinese Horoscope Setyembre 13 2023

DAGA (RAT)

Hindi mo gusto na maging madamot lalo na sa iyong mga kamag-anak. Pero sa pagkakataong ito ay magdadalawang isip ka na magbigay dahil alam mo na hindi marunong mag-appreciate ang iyong pagbibigyan.

Masuwerteng numero; 14,25,30,38

BAKA (OX)

Ang lahat ng paghihirap mo sa isang miyembro ng pamilya ay masusuklian ngayong araw. Kaya naman ngayon mo mare-realize na tama ang iyong mga naging desisyon at naging pagtulong dahil sa magandang resulta nito.

Masuwerteng numero; 10,20,30,41

TIGRE (TIGER)

Hindi mo na masisikmura ang mga hindi magandang kaganapan sa loob ng iyong pinagtatrabahuhan. Pero wala ka namang lakas ng loob na isiwalat ang lahat sa ibang tao kaya mas pipiliin mo na lang na umalis dito sa lalong madaling panahon.

Masuwerteng numero; 50,56,58,59

KUNEHO (RABBIT)

Patuloy ka pa ring magiging bahagi ng isang grupo sa kabila ng maraming intriga na iyong kinasasangkutan. Mas magiging matimbang sa iyong mga kasama ang dami ng iyong mabuting nagawa kaysa pagkakamali.

Masuwerteng numero; 4,7,18,19

DRAGON (DRAGON)

Isang hindi kilalang tao ang magiging inspirasyon mo. Dahil sa kanyang magagandang gawa ay mabubuhay ang interest at passion mo na gumawa rin ng sarili mo na makapagbibigay inspirasyon din sa iba.

Masuwerteng numero; 5,15,20,24

AHAS (SNAKE)

Ilang araw ka ng abala sa iba’t-ibang gawain kaya naman ngayong araw ay pipiliin mo na makapagpahinga. Makakaramdam ka ng katamaran na wala kang ibang gustong gawin kundi ang kumain at humilata.

Masuwerteng numero; 11,13,14,16

KABAYO (HORSE)

May bagong ideya kang mapupulot mula sa isang kaibigan sa social media. Ang kanyang mga unique na ideya ay nanaisin mong tularan subalit sa kabila nito ay gusto mo pa rin na magkaroon ito ng sarili mong tatak.

Masuwerteng numero; 11,24,26,30

TUPA (SHEEP)

Dahil sa isang biglaang pangyayari ay magiging biglaan din ang iyong pagdedesisyon. Anuman ang iyong maging pagpapasya ay siguradong makakaapekto sa iyong pamilya. Subalit wala kang mapagpipilian sa ngayon.

Masuwerteng numero; 40,49,50,58

UNGGOY (MONKEY)

Sa wakas ay magkakaroon ka na rin ng suwerte sa pananalapi. Labis mo itong ikatutuwa dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay mararanasan mo ang tumama sa isang game. Hindi mo ito halos mapaniniwalaan.

Masuwerteng numero; 11,13,20,22

TANDANG (ROOSTER)

May maganda kang mapapala sa isang hindi magandang pangyayari na mararanasan mo ngayong araw. Magsisilbi itong blessing in disguise para sa’yo at sa iyong pamilya kaya hindi mo ito dapat ikalungkot at ipagmukmok.

Masuwerteng numero; 55,60,62,73

ASO (DOG)

Hindi man umayon sa’yo ang tadhana ngayong araw ay nasa sa’yo pa rin ang maraming pagkakataon para maging maganda ang pasok ng suwerte sa mga susunod na araw. Ito ang kailangan mong paghandaan.

Masuwerteng numero; 45,46,57,58

BABOY (PIG)

Magiging balisa ka dahil sa nangyaring hindi pagkakaintindihan sa inyo ng isang malapit na kaibigan noong nakaraang araw. Sa lahat ng iyong mga kaibigan ay siya ang ayaw mo na makaalitan dahil sa lalim na ng inyong pinagsamahan.

Masuwerteng numero; 8,9,13,15

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles