27.2 C
Manila
Saturday, June 22, 2024

Chinese Horoscope Setyembre 10 2023

DAGA (RAT)

Mailap man ang suwerte ngayon, hindi ibig sabihin ay palagi na itong magiging mailap o hindi na darating para sa’yo. Ituloy mo lang ang iyong pagsisikap at malapit na malapit mo na itong mahawakan sa palad mo.

Masuwerteng numero; 8,9,18,19

BAKA (OX)

Ang pagdadalawang isip mo ang magiging dahilan kung bakit makakaalpas ang suwerte na dapat ay nasa’yo na ngayon. Dahil sa iyong mga pag-aalinlangan ay walang alinlangan din itong mapupunta sa kamay ng iba.

Mauswerteng numero; 20,30,34,45

TIGRE (TIGER)

Hindi magtatagal at makakarecover ka na sa iyong karamdaman. Ito ay dahil sa walang sawa mong panalangin at panalangin din para sa’yo ng mga tao na tunay na nagmamahal at nagmamalasakit para sa’yo mula pa man noon.

Masuwerteng numero; 7,20,21,22

KUNEHO (RABBIT)

Isang mahalagang gamit ang mapipilitan kang ibenta para sa pangangailangan ng iyong mga anak sa online classes. Ito lang ang nakikita mong solusyon sa ngayon kahit pa may sentimental value sa’yo ang gamit na ito.

Masuwerteng numero; 50,52,60,69

DRAGON (DRAGON)

Makikita mo na sa ngayon ang resulta ng proyektong pinili mong pagdesisyunan. Hindi man ito kasing ganda o kasing success ng inaasahan mo ay alam mo sa sarili mo na pinaghirapan mo ito kaya matatanggap mo.

Masuwerteng numero; 67,68,75,76

AHAS (SNAKE)

Magaan mong matatanggap sa sarili mo ang rejection mula sa dalawang projects. Ito ay dahil sa hindi mo naman talaga ito gusto. Meron kang sariling idea at dito mo gustong ilaan ang atensyon, panahon at best mo.

Masuwerteng numero; 14,23,25,27

KABAYO (HORSE)

Hindi mo matitiis ang isang kamag-anak na nangangailangan ng iyong tulong. Sa mababalitaan mong kalagayan niya ngayon, kahit pa hindi naging maganda ang trato niya sa’yo noon ay mag-aabot ka pa rin ng tulong.

Masuwerteng numero; 15,20,24,36

TUPA (SHEEP)

Hindi mo mapaniniwalaan pero totoong mangyayari sa buhay mo ang mga bagay na hindi mo inaasahan tulad ng isang napakalaking oportunidad na darating ngayon sa pintuan mo. Talasan ang pakiramdam dahil hindi mo agad siya makikita bilang oprtunidad.

Masuwerteng numero; 15,30,35,40

UNGGOY (MONKEY)

Makakaya mong talikuran ang lahat pero hindi ang iyong mga magulang na nag-alaga, nagpalaki at nagmamahal sa’yo ng totoo. Kaya naman pipiliin mo sila kasya sa tao na ang tanging iniisip ay ang kanyang sarili.

Masuwerteng numero; 10,11,13,20

TANDANG (ROOSTER)

Hindi ka magdadalawang isip na sabihin sa nakatataas ang totoong nangyayari sa loob ng inyong kumpanya. Dahil hindi mo mapapalampas ang mga anomalya na sa huli ay kayong maliliit na empleyado rin ang magdurusa.

Masuwerteng numero; 25,26,35,36

ASO (DOG)

Masyado kang mag-aalala ngayon sa iyong kalusugan dahil hindi mo na nagugustuhan ang iyong pigura. Kaya naman dito mo muna ibubuhos ang atensyon mo sa ngayon habang naghihintay ka pa na makabalik sa trabaho.

Masuwerteng numero; 3,6,9,12

BABOY (PIG)

Dati ka pang mahilig sa mga halaman, pero ngayon mo lang mapagtutuunan ng pansin na makapagtanim at mag-alaga ng mga ito. Kung dati ay pabili-bili ka lang, ngayon ay susubukan mong palaguin ito sa sarili mong mga palad.

Masuwerteng numero; 30,40,51,52

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.