32.2 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Chinese Horoscope September 11 2023

DAGA (RAT)

Muling mabubuhay ang passion mo sa isang bagay dahil sa isang bagong kaibigan. Magkakaroon ka ng inspirasyon sa pamamagitan niya. Dahil makikita mo sa kanya ang mga pangarap mo noong mangyari sa sarili mo.

Masuwerteng numero; 13,15,19,20

BAKA (OX)

Walang iba na magbibigay ng mas higit na pagpapahalaga sa iyong sarili kundi ikaw. Kaya’t huwag mong ibaba ang level mo sa mga tao na hindi marunong magpahalaga sa kanilang sarili. Piliin mo ang iyong sasamahan.

Masuwerteng numero; 28,30,34,41

TIGRE (TIGER)

Mapapatunayan mo ngayon sa iyong sarili kung gaano mo kailangan ang dating ikaw. Higit kailanman ay ngayon mo kailangan ang iyong katatagan at kalakasan ng isip upang masolusyunan ang mga problemang kinakaharap.

Masuwerteng numero; 30,40,45,48

KUNEHO (RABBIT)

Mabilis kang makakaisip ng solusyon upang malusutan ang hindi magandang sitwasyon na kasusuungan mo ngayon. Kaya naman hahangaan mo ang iyong sarili dahil sa husay ng diskarte mo pagdating sa mahihirap na bagay.

Masuwerteng numero; 10,20,23,25

DRAGON (DRAGON)

Mawawalan ka ng gana na makipag-usap sa isang kliyente dahil sa hindi magandang record na mababalitaan mo tungkol sa kanya. Dahil dito ay mag-oobserba ka muna bago makipagsara ng deal sa kanya.

Masuwerteng numero; 4,6,7,9

AHAS (SNAKE)

Wala kang pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Basta’t itutuloy mo pa rin ang proyekto na nasimulan nyo na ng iyong grupo. Magpopokus ka sa tunay ninyong layunin at magiging matagumpay lamang ito kung iiwasan nyo ang mga balakid.

Masuwerteng numero; 11,13 24,26

KABAYO (HORSE)

Mahihirapan kang kontrolin ang iyong emosyon subalit kung papatulan mo ang mga negatibong tao sa iyong paligid ay sigurado na ang kahihinatnan nito ay ang iyong pagkatalo. Kaya matutong mag-isip bago magdesisyon.

Masuwerteng numero; 38,39,40,41

TUPA (SHEEP)

Ang planong paglipat ng bahay ay hindi nyo pa maisasakatuparan sa ngayon dahil sa mga darating na balakid. Kakailanganin nyo muna na solusyunan ito bago nyo ipagpatuloy ang inyong plano upang maging magaan ang suwerte sa inyong lilipatan.

Masuwerteng numero; 10,20,34,35

UNGGOY (MONKEY)

Ang inaasahan mong pera ay darating din ngayong araw. Sa pagkakataong ito ay hindi ka na mabibigo. Kaya naman mababawasan na kahit papa’no ang mga alalahanin mo sa iyong mga bayarin na nagpapasakit ng ulo mo.

Masuwerteng numero; 3,7,19,20

TANDANG (ROOSTER)

May makikilala kang tao na mag-aalok sa’yo ng pagkakakitaan. Totoo naman ang kanyang mga sinasabi subalit sa katayuan mo ngayon sa buhay ay hindi mo pa kakayanin na sumugal dito kaya kapain mo rin muna ang iyong bulsa.

Masuwerteng numero; 13,15,17,19

ASO (DOG)

Tama ang ginagawa mong pagpopokus sa trabaho kaysa magbigay ng atensyon sa mga bagay na walang kwenta. Dahil sa trabaho ay may sigurado kang mapapala. Ipagpatuloy mo lang ito at aanihin mo ang magandang resulta.

Masuwerteng numero; 54,59,68,70

BABOY (PIG)

Huwag kang magpapadala sa mga sabi-sabi dahil sa oras na magkamali ka ng pinaniniwalaan ay ikaw din ang siyang magdudusa sa huli. Matutong mag-obserba muna bago kumuda upang hindi mapahiya sa mga tao.

Masuwerteng numero; 60,61,75,77

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.