28.2 C
Manila
Sunday, April 21, 2024

Chinese Horoscope Oktubre 9, 2023

DAGA (RAT)

Hindi ito ang masuwerteng araw para sa’yo. Gayunpaman hindi ka naman mamalasin ng todo. Nakabalanse lang ang positibo at negatibong elemento sa paligid mo. Mas makakabuti kung hindi ka muna magbabago ng routine.

Masuwerteng numero; 1,3,7,15

BAKA (OX)

Mahalaga para sa’yo ang bawat sentimo na kinikita mo dahil pinaghihirapan mo ito. Pero ngayong araw ay mapipilitan kang gumastos ng walang habas dahil sa pagdating ng isang mahalagang bisita para sa’yo. Wala kang magagawa kundi palipasin ang araw na ito.

Masuwerteng numero; 5,6,18,19

TIGRE (TIGER)

Huwag mong pagsisihan ang pagtulong sa isang bagong kaibigan. Hindi masasayang ang ginawa mong pagtulong sa kanya ngayon tungkol sa inyong trabaho dahil hindi niya iyon sasayangin  at marunong siyang tumanaw ng utang na loob.

Masuwerteng numero; 4,6,9,10

KUNEHO (RABBIT)

Isang tao ang mangungulit sa’yo para mapagbigyan ang kanyang hiling. Puno ka ng pagdududa kaya magdadalawang isip ka na pagbigyan siya. Pero sa huli ay makukumbinsi ka rin niya. Iyon nga lang, nasa huli talaga ang pagsisisi.

Masuwerteng numero; 7,8,11,12

DRAGON (DRAGON)

Kahit makakaramdam ka ng katamaran ngayong araw ay magiging makabuluhan pa rin ang araw mo. May mahahalungkat ka kasi sa bahay nyo na sa tingin mo ay may pakinabang pa at hindi sinasadyang mapapagana mo ito.

Masuwerteng numero; 6,7,11,15

AHAS (SNAKE)

Isang kamag-anak ang lalapit sa’yo para mangutang. Hindi ka magdadalawang isip na pautangin siya kahit pa nasira na niya ang pangako niya sa’yo dati. Huwag kang mag-aala dahil good karma ang para sa’yo.

Masuwerteng numero; 8,13,14,17

KABAYO (HORSE)

Magpapadalos-dalos ka ng pagdedesisyon kaya naman hindi kagandahan ang magiging resulta ng mga proyekto mo. Dapat ay pinagpaplanuhan mo itong mabuti dahil minsan lang dumarating ang mga ganitong pagkakataon.

Masuwerteng numero; 14,16,17,19

TUPA (SHEEP)

May pag-aalinlangan kang mararamdaman sa tunay na hangarin sa’yo ng iyong mahal dahil sa mga ilang kahilingan mong hindi niya mapagbibigyan. Huwag ka munang gagawa ng aksyon agad-agad dahil baka magkamali ka lang sa iyong akala.

Masuwerteng numero; 4,5,10,12

UNGGOY (MONKEY)

Sa kabila ng iyong mga pagkukulang ay buo pa rin ang tiwalang ibibigay sa’yo ng iyong boss. Samantalahin mo ito sa paraan na hindi naman maaabuso ang kabaitan niya. Suklian mo ng maayos na trabaho ang pagtitiwala niya ng lubos.

Masuwerteng numero; 6,9,13,16

TANDANG (ROOSTER)

Magiging mailap sa’yo ngayon ang suwerte. Masyado mo kasing didibdibin ang hindi magandang salita ng taong malapit sa’yo. Sa halip magmukmok ay gawin mo itong motibasyon para paghusayan mo pa ang iyong mga ginagawa.

Masuwerteng numero; 1,11,14,19

ASO (DOG)

Likas sa iyo ang pagiging palakaibigan. Wala kang pinipili anuman ang status nito sa buhay at wala kang pakialam anuman ang hitsura. Mag-ingat ka lang sa mga kaibigan na may asawa dahil maaari mo itong ikapahamak kahit wala kang masamang intensyon.

Masuwerteng numero; 2,3,6,9

BABOY (PIG)

Kakapusin ka sa oras para sa lahat ng gusto mong gawin. Huwag mo itong ipag-alala dahil may bukas pa naman. Mas mainam na gawin ang mga bagay bagay na may pokus ka kaysa pagsabay-sabayin mo ang lahat kahit hindi mo naman kaya.

Masuwerteng numero; 12,15,16,18

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.