28.1 C
Manila
Friday, April 12, 2024

Chinese Horoscope Oktubre 7, 2023

DAGA (RAT) Hindi ka masusuwerteng maiiwasan ng isang tao na pinakaiiwasan mo. Akala lamang niya na nagtagumpay siya subalit sa huli ay marerealize rin niya na wala siyang pinagtagumpayan kaya dapat mong ipanatag ang iyong kalooban. Masuwerteng numero; 2,6,56,66

BAKA (OX) Marami ang magiging masuwerteng kabutihang magagawa mo ngayong araw na ito. Sa kabila nito, dapat ka pa ring mag-ingat sa bawat kilos mo dahil maraming mga mata at tenga ang nakatutok sa’yo ngayon saan ka man magpunta. Masuwerteng numero; 12,13,22,24

TIGRE (TIGER) Iwasan mong makipag-away sa tao na hindi mo pa lubos na kilala. Kahit hindi ka seryoso sa pakikipagpalitan ng komento, hindi mo alam kung naaapektuhan na ng husto ang ka-argumento mo at hindi ito makabubuti para sa inyong dalawa. Masuwerteng numero; 7,18,23,39

KUNEHO (RABBIT) Sa kabila ng iyong pag-aalala, magiging maayos naman ang pakiramdam mo. Wala kang dapat ipag-alala dahil mabuti ang iyong pangangatawan. Ipagpatuloy mo lang ang pag-iingat at pangangalaga sa iyong kalusugan. Masuwerteng numero; 9,10,26,50

DRAGON (DRAGON) Magiging mailap ngayon ang suwerte pagdating sa iyong hanapbuhay. Sa halip na damdamin ito, ipagpatuloy ang pagtitiyaga at pagsisikap. Walang ibang makakatulong sa sarili mo kundi ang sarili mo rin. Masuwerteng numero; 4,25,33,47

AHAS (SNAKE) May mga bagay na hindi na dapat pang palakihin. Anuman ang problemang kinakaharap mo ngayon ay sa’yo rin nagmula. Mas makakabuti kung aamin sa nagawang pagkakamali at magpapakumbaba sa taong iyong nasaktan. Masuwerteng numero; 17,38,43,68

KABAYO (HORSE) Magagawa mong pangibabawin ang pagiging positibo kung iiwasan mo ang mga negatibong tao. Simulan mo ito sa pag-iwas na tumambay at makipagkuwentuhan sa mga walang magawa sa buhay dahil wala itong mabuting idudulot sa’yo. Masuwerteng numero; 32,54,60,72

TUPA (SHEEP) Ikakasama mo ng loob ang hindi pagtupad ng iyong mahal sa kanyang pangako. Dahil dito, maiisip mo na umalis muna at magpalipas ng sama ng loob sa ibang lugar. Magkakaroon ito ng mabuti at hindi mabuting epekto sa’yo. Masuwerteng numero; 20,45,61,77

UNGGOY (MONKEY) Iwasan mo muna ang mga pagkain na hindi makabubuti sa iyong kalusugan. Ilalagay lamang nito sa kapahamakan ang iyong pangangatawan. Dapat kang maging maingat sa pagpili ng mga kakainin dahil malapit ka ngayon sa karamdaman. Masuwerteng numero; 9,18,21,44

TANDANG (ROOSTER) Malaki ang magaganap na pagbabago sa inyong relasyon dahil sa pakikialam ng ibang tao at wala kang magagawa kundi ipagtanggol ang iyong sarili. Gayunpaman, hindi naman dito magtatapos ang lahat kaya’t manalig ka lang. Masuwerteng numero; 22,28,53,79

ASO (DOG) Mawawalan ka ng pagpipilian kundi sumunod sa mga nakatataas sa trabaho. Maaaring hindi pa ngayon ang araw para umangat ka subalit hindi na magtatagal at makikita rin nila kung ano ang meron ka na wala ang iba. Masuwerteng numero; 20,48,65,80

BABOY (PIG) Nasa sa’yo ang huling pagdedesisyon tungkol sa isang mahalagang bagay na may kinalaman sa iyong pamilya. Kakailanganin mo itong pag-isipang mabuti dahil dito nakasalalay ang kabuhayan at kalagayan ng mga mahal mo sa buhay. Masuwerteng numero; 55,59,71,85

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.