27.3 C
Manila
Sunday, June 16, 2024

Chinese Horoscope Oktubre 30, 2023

DAGA (RAT)

Isang magandang araw ito para bumyahe. Kung itutuloy mo ang matagal mo ng plano na magpunta sa isang malayong lugar, isang maaliwalas na pagkakataon ito. Saka mo na isipin ang problema kapag narefresh na ang utak mo para makaisip ka ng magandang solusyon.

Masuwerteng numero; 1,2,5,6

BAKA (OX)

Hindi ka mapapalagay dahil sa maling impormasyon na maibibigay mo sa isang kaibigan. Hindi mo naman ito sinasadya dahil maling impormasyon din ang nakuha mo na naipasa mo lang sa kanya. Habang maaga ay itama mo na ang pagkakamaling ito.

Masuwerteng numero; 3,5,7,11

TIGRE (TIGER)

Mauulit ang pagkakamaling nagawa mo noon. May pagkakataon ka pa para sa sitwasyong kasasangkutan kaya gawin mo na ngayon at huwag nang ipagpabukas pa kung ayaw mong maulit maging ang resulta ng dati.

Masuwerteng numero; 9,10,13,15

KUNEHO (RABBIT)

May makikilala kang tao na may kakambal na suwerte. Siya ang tutulong sa’yo para maging magaan ang iyong trabaho. Matutulungan ka rin niya sa problema ng pamilya mo. Pero kung problemang puso ay imposible.

Masuwerteng numero; 8,9,12,20

DRAGON (DRAGON)

Mabibigyang daan ang matagal mo ng hiling sa’yong mahal. Pero hindi pa ito magkakaroon ng ganap na katuparan. Maaari lamang mapag-usapan at mapagplanuhan subalit ang katuparan nito ay malayong malayo pa.

Masuwerteng numero; 5,7,13,18

AHAS (SNAKE)

Walang buting maidudulot sa’yo ang pagkampi mo sa isang tao na alam mo namang nakagawa ng pagkakamali. Kukunsintihin mo lamang siya at sa huli ay madadamay ka pa sa kanyang mga kamalian. Gawin mo na ang tama at makakabuti para sa kanya.

Masuwerteng numero; 7,11,14,16

KABAYO (HORSE)

May bagong pag-ibig na uusbong. Ito ay sa pagitan mo at ng iyong itinuturing na kaibigan. Hindi ito sadya at hindi rin planado subalit wala kang magagawa kundi ang ma-fall sa kanya at ganoon din siya sa’yo.

Masuwerteng numero; 2,3,4,8

TUPA (SHEEP)

Hindi mo na mababawi pa ang pagkalugi mo sa negosyo. Pero huwag mo itong masyadong ikabahala. Isang bagong negosyo ang muli mong bubuksan , hindi man sa ngayon pero hindi rin nalalayo ang panahon. Makakabangon ka at mas higit pang kikita.

Masuwerteng numero; 7,9,11,13

UNGGOY (MONKEY)

Matataranta ka sa dami ng trabahong iaatang ng boss mo sa balikat mo. Ngayong araw ay makakatapos ka ng ilan at gagaan ang pakiramdam mo. Senyales ito na kayang kaya mo ang trabaho magtiwala ka lang sa sarili mo.

Masuwerteng numero; 6,10,12,14

TANDANG (ROOSTER)

Gagawa ka ulit ng paraan upang makontak mo siya. Hindi na ito dapat. Alam mong mali. Dadalhin ka lamang nito sa isang sitwasyong mahirap labasan. Hangga’t may pagkakataon ka ay huwag mo na itong pasukin.

Masuwerteng numero; 4,8,16,20

ASO (DOG)

Masisiyahan ka sa isang sorpresang matatanggap mula sa isang hindi inaasahang tao. Ito ang magpapabago ng mood mo at magiging dahilan ng iyong mga ngiti sa mga susunod pang araw. Manatiling positibo.

Masuwerteng numero;

BABOY (DOG)

Mahalaga ang araw na ito para ipakita mo ang pagmamahal sa’yong asawa. Hinahanap hanap niya ang paglalambing mo lalo na ang kagalingan mo sa pagluluto. Isantabi mo muna ang trabaho at ibigay ang oras na para sa kanya.

Masuwerteng numero; 5,9,10,19

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.