28.7 C
Manila
Friday, July 12, 2024

Chinese Horoscope Oktubre 3, 2023

DAGA (RAT)

Piliin mo ang mga tao na kakalabanin mo at piliin mo rin ang laban na iyong haharapin. Ito ay kung gusto mong mapagwagian ito. Hindi lahat ay tatanggapin mo dahil may mga tao na sadyang mas magaling kaysa sa’yo.

Masuwerteng numero; 10,20,21,34

BAKA (OX)

Hindi mo maiiwasan na hindi maapektuhan sa problemang haharapin ng isang kaibigan. Ang koneksyon nyo sa isa’t-isa ay hindi mo basta basta matatalikuran kaya’t sa ayaw mo at sa gusto ay tutulong ka sa pagresolba nito.

Masuwerteng numero; 7,8,19,20

TIGRE (TIGER)

Ikatutuwa mo ang bagong proyekto na ibibigay sa’yo ng iyong boss dahil ito talaga ang bagay na matagal mo ng gustong gawin. Kaya naman ibubuhos mo sa proyektong ito ang iyong husay at kakayahan para maganda ang maging resulta.

Masuwerteng numero; 46,47,50,52

KUNEHO (RABBIT)

Wala ka ng mahihiling pa sa ngayon dahil tinupad na ng Diyos ang kahilingan mo na makasama ang buo mong pamilya. Kaya naman wala ka ng ibang iisipin at poproblemahin kundi paano sila magiging masaya sa bawat araw.

Masuwerteng numero; 11,13,24,26

DRAGON (DRAGON)

Hindi mo maikakaila sa iyong pamilya ang hirap na dinaranas mo ngayon sa trabaho. Pero wala ka namang balak na alisan ito dahil sa kabila ng hirap ay ang malaking tulong nito para sa mga pangangailangan ng iyong pamilya.

Masuwerteng numero; 60,68,69,74

AHAS (SNAKE)

Malalagay ka sa alanganin dahil sa mali mong paratang sa isang tao. Hindi mo man intensyon na iparating ito sa kanya ay sadyang may pakpak ang balita at may tenga ang lupa kaya mag-ingat na sa susunod.

Masuwerteng numero; 33,35,37,43

KABAYO (HORSE)

Ngayong wala na ang mga taong kinaiinisan mo sa trabaho ay unti-unti mo ng mararamdaman ang hirap. Dahil ang mga taong nawala sa inyong departamento ay ang siyang mahuhusay at mas maraming alam kaysa sa’yo.

Masuwerteng numero; 11,12,13,25

TUPA (SHEEP)

Huwag mong hayaan na diktahan ka ng ibang tao. May sarili kang pag-iisip. Ikaw ang higit na nakakaalam kung ano ang mas makakabuti para sa’yo at sa iyong pamilya kaya pag-isipan ang bawat desisyon na gagawin.

Masuwerteng numero; 2,5,6,8

UNGGOY (MONKEY)

Sa araw na ito ay mai-stress ka sa isang kasamahan sa trabaho. Pero hindi mo siya magagawang patulan dahil alam mo na kapag ginawa mo iyon ay hindi maaaring hindi ka rin maapektuhan kaya’t palalampasin mo na lang.

Masuwerteng numero; 1,3,6,9

TANDANG (ROOSTER)

Ngayong wala na sa tabi mo ang isang malapit na kamag-anak ay mamimiss mo ang kanyang presensya. Hindi mo masusukat ang naging pagmamalasakit niya sa’yo at kahit na ano pa ang mangyari ay nakatanim na ito sa isip at puso mo.

Masuwerteng numero; 13,15,25,26

ASO (DOG)

Huwag magpadalos dalos ng desisyon. Bago ka pumasok sa isang negosyo ay siguraduhin mo na munang kabisado mo ang bawat detalye at ang pasikot sikot nito. Dahil kung hindi ay mabibigo ka lang sa nais mong mangyari.

Masuwerteng numero; 45,48,50,55

BABOY (PIG)

Tigilan mo na ang pagtaya ng madalas sa mga numerong hindi naghahatid ng suwerte sa’yo. Wala sa sugal ang suwerte mo kundi nasa trabaho kaya dito ka magpokus. Hanapin mo ang trabahong nababagay sa’yo.

Masuwerteng numero; 26,30,31,32

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.