26.3 C
Manila
Monday, July 15, 2024

Chinese Horoscope Oktubre 29, 2023

DAGA (RAT)

Gagamitin mo ang husay mo sa isang bagay upang makuha ang kanyang atensyon. Wala namang masama dito. Huwag mo lang abusuhin ang sarili mo kung ayaw mong may pagsisihan ka sa bandang huli.

Masuwerteng numero; 6,7,9,12

BAKA (OX)

May isang dating kaibigan ang lalapit sa’yo para sa isang mahalagang bagay. Bago ka sumagot ng oo ay ikonsulta mo muna ito sa iyong mga magulang. Huwag kang magdedesisyong mag-isa lalo na kung nakasalalay rito ang iyong kinabukasan.

Masuwerteng numero; 11,13,14,17

TIGRE (TIGER)

Maguguluhan ka sa tunay na intensyon ng isang tao sa’yo. Sa pakiramdam mo ay hindi ka niya gusto nung una pero sa ngayon ay kusa niyang ilalapit ang sarili niya sa’yo. Talasan ang pakiramdam at mag-obserba upang hindi malinlang.

Masuwerteng numero; 1,2,5,10

KUNEHO (RABBIT)

Mananariwa sa’yo ngayon ang isang alaala na ayaw mo nang balikan. Masakit ang alaalang ito pero dahil sa muling pagkukrus ng landas nyo ay hindi mo maiiwasan na maalala ito. Hayaan mo lang dahil kusa din itong mawawala sa isip mo.

Masuwerteng numero; 5,8,12,15

DRAGON (DRAGON)

Magiging mabait sa’yo ngayon ang tadhana dahil sa iyong pagkakawanggawa. Ipagpatuloy mo lang kung ano ang iyong nasimulan at patuloy mo ring matatanggap ang suwerte na matagal mo ng inaabangan na dumating sa buhay mo.

Masuwerteng numero; 4,6,7,10

AHAS (SNAKE)

Mailap man ang suwerte mo ngayon sa negosyo ay nasa sa’yo naman ang suwerte sa iyong pamilya. Mas mahalaga sila kaysa sa anumang kikitain mo sa negosyo kaya sila ang mas higit mong bigyan ng halaga. Hindi ka nila iiwanan sa ere.

Masuwerteng numero; 7,8,9,13

KABAYO (HORSE)

Iiwasan ka ng isang taong mahalaga sa’yo dahil sa maling balita na makakarating sa kanya. Kaya naman sa oras na maramdaman mo ang pag-iwas na ito ay agad mo na siyang kausapin bago pa man lumala ang sitwasyon sa pagitan ninyong dalawa.

Masuwerteng numero; 1,2,5,18

TUPA (SHEEP)

Hindi ito ang tamang araw para tambayan mo ang kapitbahay na walang buting idudulot sa’yo. May mas importante kang kailangan gawin kaysa sa pagsagap ng mga hindi makatotohanang balita mula sa kanya. Gawin mong produktibo ang araw mo at huwag sayangin sa mundo ng mga tsismosa.

Masuwerteng numero; 7,9,16,17

UNGGOY (MONKEY)

Sala sa init at sala sa lamig ang mood ngayon ng boss mo. Bagamat naiinis ka ay hindi mo ito dapat ipakita o iparamdam sa kanya. Mas makakabuti kung mananahimik ka na lang muna at kakalmahin ang iyong sarili.

Masuwerteng numero; 4,5,19,20

TANDANG (ROOSTER)

Hindi mo na maitatago pa ang espesyal mong damdamin para sa isang tao. Gayunpaman, hindi ka pa rin magkakalakas ng loob na sabihin ito ng harapan sa kanya kahit alam mong alam na rin niya ang tunay mong damdamin .

Masuwerteng numero; 1,3,14,18

ASO (DOG)

Kahit anong pilit mo ay hindi mo makukumbinsi ang iyong kaibigan na pumanig sa’yo dahil alam naman niya ang pagkakamali mo. Bago mo siya makumbinsi ay kailangan mo munang mapatunayan sa kanya ang punto mo.

Masuwerteng numero; 6,10,11,12

BABOY (PIG)

Magagawa mo na ngayong araw na’to ang anumang naisin mo dahil walang sasaway sa’yo. Walang pupuna sa pagkakamali mo at walang papansin sa trip mo. Pero makakaramdam ka ng lungkot na hindi mo alam kung saan manggagaling.

Masuwerteng numero; 1,2,4,5

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.