31.6 C
Manila
Sunday, June 23, 2024

Chinese Horoscope Oktubre 28, 2023

DAGA (RAT)

Magiging maganda ang awra mo ngayon dahil sa mga positibong elementong nakapalibot sa’yo. Namnamin mo lang ang bawat oras na lilipas at panatilihin na maganda ang iyong mood upang hindi makapasok ang malas.

Masuwerteng numero; 5,7,8,9

BAKA (OX)

Kukulangin ang oras mo para magawa ang lahat ng utos sa’yo. Hindi mo kailangan pilitin na matapos ito lahat kung talagang hindi mo kaya dahil hindi lang maganda ang kalalabasan nito. Humingi ka maski isang araw na palugit at makikita mo ang magandang resulta.

Masuwerteng numero; 1,2,10,11

TIGRE (TIGER)

Isang pagkakataon ang susubok sa kakayahan mo. Mapipilitan kang ilabas ang natatago mong talento para mapatunayan sa iba na hindi ka tulad ng iniisip nila. Hindi ka mabibigo at aaminin nila sa sarili nila ang kanilang pagkakamali hindi mo man ito marinig mula sa kanilang bibig.

Masuwerteng numero; 6,8,13,16

KUNEHO (RABBIT)

Palalampasin mo ang pagkakamali ng isang taong mahalaga sa’yo. Kahit pa deep inside ay labis kang masasaktan. Ito ay dahil isasaalang-alang mo ang pinagsamahan nyo lalo na ang pagmamahal mo sa kanya.

Masuwerteng numero; 1,2,7,9

DRAGON (DRAGON)

Babalik siya sa’yo. Hindi para manatili sa tabi mo kundi para magkaroon kayo ng maayos na closure at pagkatapos nito ay muli siyang aalis. Huwag mong panghinayangan ang tulad niya dahil hindi niya deserve ang tulad mo.

Masuwerteng numero; 4,5,10,17

AHAS (SNAKE)

Pansamantalang mawawala sa isip mo ang mga personal mong alalahanin at problema dahil malilibang ka sa company ng isang bagong kakilala. Ipapakita niya ang mundo niya sa’yo at magagawa nitong pagaanin ang dibdib mo.

Masuwerteng numero; 6,8,13,15

KABAYO (HORSE)

Hindi mo ikatutuwa ang iaasta ng iyong katrabaho. Pero hindi mo na ito dapat patulan dahil wala itong magandang kahihinatnan. Mas dapat mong bigyan ng pansin ang pwesto mo. Dapat mo itong pagbutihan.

Masuwerteng numero; 4,7,18,19

TUPA (SHEEP)

Magiging maayos na ang pakikitungo sa’yo ng isang nakaalitang kamag-anak dahil sa pabor na gagawin mo para sa kanya. Hindi mo ito pagsisisihan dahil magiging daan ito ng mas maganda ninyong samahan sa hinaharap.

Masuwerteng numero; 7,9,19,20

UNGGOY (MONKEY)

Huwag mong asahan ang paggalang mula sa iba kung ikaw mismo ay walang respeto sa sarili mo. Dapat mo itong matutunan. Ngayon na ang araw para simulan ito. Huwag mong hintayin na malagay ka pa sa alanganin.

Masuwerteng numero; 10,12,16,17

TANDANG (ROOSTER)

Alam mong hindi siya ang tamang tao para sa’yo. Pakawalan mo na siya at hayaan mo siyang bumalik sa tunay niyang pamilya. Pagpapalaya din ito sa sarili mo kaya huwag ka ng maghintay pa ng tamang panahon dahil ngayon na ‘yon.

Masuwerteng numero; 5,7,9,13

ASO (DOG)

Mawiwindang ka sa napakaluwag na pasok ng pera mula sa iyong negosyo. Pero hindi ka dapat makampante. Hindi ito magtatagal kaya ngayon pa lang ay umisip ka na ng iba’t-ibang strategy na magpapa-steady sa iyong suwerte sa negosyo.

Masuwerteng numero; 6,8,11,14

BABOY (PIG)

Normal lang ang mararamdaman mong inis dahil sa kamalditahan ng iyong kasamahan. Subalit hindi ito sapat para ilaglag mo siya sa iba nyo pang kasamahan. Mas makakabuti kung mananahimik ka na lang at gawin ng tama ang trabaho mo.

Masuwerteng numero; 1,2,5,8

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.