26.7 C
Manila
Sunday, June 16, 2024

Chinese Horoscope Oktubre 20, 2023

DAGA (RAT)

May magpaparamdam sa’yo tungkol sa lihim niyang saloobin. Hindi ito tungkol sa pag-ibig kundi sa tunay niyang nararamdaman. May sama kasi siya ng loob na hindi mo napapansin at sa pagkakataong ito ay mararamdaman mo na mula sa mga kilos niya.

Masuwerteng numero; 7,9,11,15

BAKA (OX)

Gagamitin mo ang isang kaibigan upang mapalapit sa taong minamahal mo. Mangyayari naman ang gusto mo pero huwag kang masyadong umasa. Dahil sa huli, ang tao na ginamit mo ang higit na makikinabang sa mga pinlano mo.

Masuwerteng numero; 3,6,9,19

TIGRE (TIGER)

Hindi magiging madali ang araw na ito para sa mga paghahandang gagawin mo. Mahihirapan ka pero ituloy mo lang at huwag kang masisiraan ng loob. Dahil maganda ang magiging resulta ng iyong pagsisikpap at pagtitiyaga.

Masuwerteng numero; 1,4,10,11

KUNEHO (RABBIT)

Darating na rin sa wakas ang hinihintay mong suwerte. Hindi man malaking suwerte subalit sapat na ito para maging masaya ka at ang mga mahal mo sa buhay. Isang simpleng kasuwertehan na maipagmamalaki mo.

Masuwerteng numero; 2,6,7,15

DRAGON (DRAGON)

Magtataka ka dahil magiging mabait sa’yo ngayon ang tao na palagi na lang nagsusungit sa’yo. Iisipin mo na may kailangan lang siya o hihingi siya ng pabor. Pero matatapos ang araw na wala siyang hinihiling sa’yo na anuman.

Masuwerteng numero; 3,7,8,18

AHAS (SNAKE)

Magiging palaisipan sa’yo ang sasabihin ng isang kaibigan. Hindi man niya direktang tutukuyin ang pangalan mo pero maiisip mo na ikaw ang pinaparinggan niya. Wala kang maiisip na dahilan dahil sa pagkakaalam mo ay close kayo.

Masuwerteng numero; 6,8,13,14

KABAYO (HORSE)

Hindi darating ang taong inaasahan mong bibisita sa’yo ngayon. Ikakainis mo ito dahil wala man lang siya pasabi at ang nakakainis pa don ay ipagluluto mo siya. Natural lang ang iyong galit na mararamdaman pero mawawala ito kapag nalaman mo ang dahilan.

Masuwerteng numero; 9,13,17,18

TUPA (SHEEP)

Paiiralin mo ang kabutihan sa’yong puso sa sitwasyon na kakaharapin. Kahit pa nasaktan ka nila ay hindi sila mabibigo sa’yo sa muli nilang paglapit at paghingi ng tulong. Tama naman ‘yon. Maging maingat ka lang sa susunod.

Masuwerteng numero; 10,11,12,20

UNGGOY (MONKEY)

Selos ang maghahari sa puso mo ngayon dahil sa espesyal na pansing ipapakita ng iyong mahal sa isang tao. Hayaan mo lang na maramdaman mo ito at hayaan ding lumipas. Hindi ibig sabihin ng pagiging malapit niya sa iba ay hindi ka na niya mahal.

Masuwerteng numero; 7,8,13,16

TANDANG (ROOSTER)

Magiging balakid sa iyong negosyo ang init ng iyong ulo. Alam mo na hindi ito makakabuti pero mahihirapan kang kumalma dahil sa ugali ng isang tao na malapit sa’yo. Sa halip na kagalitan siya ng husto ay payuhan mo na lang siya.

Masuwerteng numero; 1,15,19,20

ASO (DOG)

Ikakalungkot mo ang pagkawala ng iyong pinakamamahal na alagang hayop. Naging kasama mo siya sa hirap at ginhawa at itinuring na isang kaibigan kahit isa siyang hayop. Mamimiss mo siya ng husto pero kailangan mong bumangon at ipagpatuloy ang buhay mo.

Masuwerteng numero; 3,5,6,8

BABOY (PIG)

Ito na ang hinihintay mong pagkakataon para tanggapin ang isang oportunidad. Namnamin ito at huwag mo na munang ialok sa iba hangga’t ikaw mismo ay wala pang kasiguruhan. Kailangan mong unahin ang sarili mo sa pagkakataong ito dahil mas nangangailangan ka kaysa sa kanya.

Masuwerteng numero; 2,12,17,19

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.