32.4 C
Manila
Tuesday, April 23, 2024

Chinese Horoscope Oktubre 19, 2023

DAGA (RAT)

May pagkakataon ka para matapos ang mga nasimulan mo. Magpokus ka lang. Ang hirap kasi sa’yo ay madali kang ma-destruct lalo na paghinawakan mo na ang cellphone mo, ang hirap mo ng awatin sa pakikipagchat.

Masuwerteng numero; 8,9,11,17

BAKA (OX)

Wala sa bokabularyo mo ang magpatalo kaya ngayong araw ay babawi ka. Babawian mo ang mga kalaban mo at ipapakita mo sa kanila na kayang-kaya mo silang talunin. Kahit pa nasa team nila ang one and only long time crush mo.

Masuwerteng numero; 1,3,4,7

TIGRE (TIGER)

Masuwerte ang araw na ito para sa negosyo. Umaaliwalas talaga ang kapalaran mo kapag good vibes ka. Natatalo ng positive element ang negative . Kaya naman ipagpatuloy mo lang ang pagiging positibo. Maari mo ring dagdagan ang iyong lucky charms para sa mas maraming customers.

Masuwerteng numero; 4,6,10,14

KUNEHO (RABBIT)

Taglay mo ngayon ang kakaibang karisma. Pansamantala lang ito kaya samantalahin mo na. Subukan mo ang magnegosyo online o kahit sa harap ng bahay nyo habang nasa sa’yo pa ang hiwaga ng mapang-akit na personalidad.

Masuwerteng numero; 1,2,9,15

DRAGON (DRAGON)

May kalungkutan kang mararamdaman na hindi mo alam kung anong pinanggagalingan. Huwag mo itong masyadong bigyan ng pansin. Sadyang may mga pagkakataon sa buhay natin na nararamdaman natin ito dahil ito ay may kaugnayan sa pinaniniwalaang firts life.

Masuwerteng numero; 6,7,16,17

AHAS (SNAKE)

Maganda ang negosyong iaalok sa’yo ng isang kaibigan. Subalit alam mo sa sarili mo na hindi mo kakayanin ang kinakailangang puhunan. Huwag ipilit ang hindi kaya dahil baka mapasubo ka lang at masira kung ipagpipilitan mo.

Masuwerteng numero; 3,14,18,19

KABAYO (HORSE)

Walang patutunguhan ang away na nasimulan sa pagitan ninyong magkakaibigan. Mas makakabuti kung may isang magpapakumbaba at ikaw ‘yon. Hindi ibig sabihin ay ikaw ang may kasalanan. Nangangahulugan lang ito na may mas malawak kang pang-unawa kaysa sa kanila.

Masuwerteng numero; 1,2,19,20

TUPA (SHEEP)

Ito na ang araw na hinihintay mo. Lalapit siya sa’yo para suyuin ka. Bagamat miss na miss mo na siya ay huwag ka munang bibigay agad-agad . Hindi pa niya natututunan ang leksyon na gusto mong ipahatid sa kanya.

Masuwerteng numero; 3,5,8,10

UNGGOY (MONKEY)

Sasaya ang araw mo dahil sa chat na matatanggap mo mula sa lihim mong minamahal. Pero tulad ng dati, aasa ka sa susunod pa niyang chat at patuloy ka pa ring maghihintay kahit pa obvious namang hindi ka ganon kaimportante sa kanya.

Masuwerteng numero; 2,4,7,9

TANDANG (ROOSTER)

Mapapagalitan ka ng magulang mo dahil sa katigasan ng iyong ulo. Pero makakabawi ka naman sa kanila bago matapos ang araw na ito. Makakabawi sa paraang maibibigay mo ang pabor na matagal na nilang inaasahan mula sa’yo.

Masuwerteng numero; 7,10,11,16

ASO (DOG)

Hindi magiging kumplikado ang lahat kung hindi mo na ito palalalain pa. Sa araw na ito ay itutuon mo ang atensyon mo sa isang bagay na magpapahirap lang sa kalooban mo. Mas makakabuti kung iiwasan ito at lalabas kasama ang mga kaibigan.

Masuwerteng numero; 2,8,12,13

BABOY (PIG)

Maaliwalas ang araw na ito dahil sa pagdating ng isang malayong kamag-anak. Ang pagiging masayahin niya at palabiro ay maghahatid ng kakaibang suwerte sa iyong tahanan. Mahahawahan ka niya ng good vibes.

Masuwerteng numero; 1,6,8,9

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.