32.4 C
Manila
Tuesday, April 23, 2024

Chinese Horoscope Oktubre 15, 2023

DAGA (RAT)

Maiinip ka sa paghihintay sa isang kaibigan na nakatakda mong katagpuin. Magpapasya ka nang umalis pero darating siya. Ang hindi magandang mood mo dahil sa tagal niyang dumating ay magbabago sa dala niyang balita para sa’yo.

Masuwerteng numero; 4,7,9,12

BAKA (OX)

Matuto kang asikasuhin ang sarili mo dahil wala kang choice. Lahat ng kasama mo sa bahay ay mag-aalisan dahil sa kanya-kanya nilang lakad kaya sa ayaw mo man at sa gusto ay pagsisilbihan mo ngayon ang sarili mo na siya namang nararapat.

Masuwerteng numero; 6,9,13,16

TIGRE (TIGER)

Alam mo na ang tama pero gagawin mo pa rin ang gusto mo. Mas pipiliin mo ngayon ang magpakatanga sa pag-ibig para lang sumaya ang puso mo. Dapat mong mapag-aralan na kontrolin ang iyong damdamin upang hindi ka mapahamak.

Masuwerteng numero; 5,15,18,19

KUNEHO (RABBIT)

Hindi magkukulang ng paalala sa’yo ang iyong mga magulang. Kaya naman pag-isipan mong mabuti ang gagawin mong pagdedesisyon ngayong araw. Hindi porket malaki ka na ay kaya mo ng solusyunan ang lahat sa paraang gusto mo.

Masuwerteng numero; 7,9,11,12

DRAGON (DRAGON)

Ikaw ang boss ng iyong sarili kaya gawin mo ang nararapat para sa’yo. Sa pagkakataon nga lang na’to ay kailangan mo rin isaalang-alang ang iba. Ito ay para din sa ikagaganda ng reputasyon mo. Hindi ito dapat masira sa isang pagkakamali lang.

Masuwerteng numero; 3, 6,10,14

AHAS (SNAKE)

Mamimili ka ngayon kung sino ang mas karapat dapat mong tulungan. Ang isang kamag-anak o ang isang malapit na kaibigan. Pareho silang nangangailangan ng tulong pero hindi mo kaya na pagbigyan silang dalawa kaya timbangin mo itong mabuti.

Masuwerteng numero; 2,4,8,9

KABAYO (HORSE)

May kakatok na oprtunidad sa pintuan mo pero magdadalawang isip ka. Hindi sa ayaw mo itong tanggapin kundi dahil may mga mahal ka sa buhay na iyong isinasaalang-alang sa pagdedesisyon na gagawin mo.

Masuwerteng numero; 1,5,11,13

TUPA (SHEEP)

Hindi masama ang tumanggi kung hindi na tama ang gustong mangyari ng iyong mahal. Hindi porket mahal mo siya ay ibibigay mo na lahat ang gusto niya dahil kung mahal ka rin niya ay igagalang niya ang iyong pagpapasya.

Masuwerteng numero; 4,5,6,8

UNGGOY (MONKEY)

Kailangan mong ibalik ang buong atensyon mo sa trabaho dahil napapabayaan mo na ito. Ang sideline ay gagawin mo langs a oras na libre ka, hindi ito dapat kumonsumo ng malaking oras mo. Huwag mong hintayin na mawala ang tiwala sa’yo ng boss mo dahil sa iyong pagpapabaya.

Masuwerteng numero; 8,9,12,18

TANDANG (ROOSTER)

Mauubusan ka ng alibi ngayong araw kaya ang mga plano mo ay papalpak. Mas mabuti kung magpapakatotoo ka na lang sa iyong kinakasama kaysa naman kung anu-ano ang idinadahilan mo sa kanya.

Masuwerteng numero; 3,4,8,10

ASO (DOG)

Mapipilitan kang isoli ang isang mahalagang bagay na hiniram mo. Tatamaan ka kasi ng konsensya dahil sa makikita mong pag-aaala ng taong nagmamay-ari nito, nakalimutan niya kasing ipinahiram niya ito sa’yo kaya ibalik mo na ito sa kanya.

Masuwerteng numero; 1,11,16,17

BABOY (PIG)

Masasaktan ka sa mga salitang bibitawan ng iyong kaibigan. Ito ay dahil sa may katotohanan ang kanyang mga sasabihin sa’yo. Sa halip na magtampo ay sundin mo na lang ang kanyang mga payo dahil makakabuti ito para sa’yo.

Masuwerteng numero; 7,18,19,20

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.