34 C
Manila
Tuesday, April 23, 2024

Chinese Horoscope Oktubre 14, 2023

DAGA (RAT)

Mabilis ang iyong magiging pagpapasya ngayon. Hindi para sa sarili mo kundi para sa isang kamag-anak na malapit sa puso mo. Ito ay para matulungan sya at bukal iyon sa puso mo kaya asahan mo na ang iyong good karma sa hinaharap.

Masuwerteng numero; 2,3,7,9

BAKA (OX)

Mag-aalala ka sa magiging resulta ng mga pinaghirapan mo dahil sa isang katrabaho na hindi mo kasundo. Ipaubaya mo lang ang lahat sa Diyos at hindi ka niya pababayaan. Basta’t palagi mo lang gawin kung ano sa tingin mo ang tama.

Masuwerteng numero; 1,5,15,20

TIGRE (TIGER)

Huwag mong hayaan na lumipas ang araw na ito na walang nangyari sa mga plano mo. Ang natitirang oras ay sapat na para may matapos ka kahit pa’no. Unahin mo lang yung pinakaimportante para mabawasan ang gawain bukas.

Masuwerteng numero; 11,12,17,18

KUNEHO (RABBIT)

Isang pagkakamali ang magagawa mo ngayon na minor lang naman pero palalakihin ng isang tao na akala mo ay concern sa’yo. Sa kabila nito ay kayang-kaya mo naman itong gawan ng paraan kahit pa pagkaisahan ka nila.

Masuwerteng numero; 3,4,5,10

DRAGON (DRAGON)

Kukulangin ka sa iyong financial budget. Susubukan mong lumapit sa mga kaibigan na sa tingin mo ay maaasahan mo at hindi ka matatanggihan. Mabibigo ka sa karamihan sa kanila pero may isang kusang mag-aabot ng tulong. Siya na hindi mo inaasahan.

Masuwerteng numero; 13,14,19,20

AHAS (SNAKE)

Sa takot mo na mawala sa’yo ang tao na pinakamamahal mo ay susubukan mong kaibiganin ang tao na siyang dahilan ng pagseselos mo. Magiging maganda ang pagtanggap niya sa’yo kaya mapapanatag ka kahit papa’no.

Masuwerteng numero; 5,7,9,11

KABAYO (HORSE)

Isa kang simpleng tao kaya hindi mo hangad ang magagarbong selebrasyon. Hindi mo nga lang ito maiiwasan sa ngayon dahil ito ang matagal nang pinaghandaan ng mga taong malalapit sa’yo. At wala kang magagawa kundi pasalamatan sila.

Masuwerteng numero; 8,9,10,13

TUPA (SHEEP)

Sa pagkakataong ito ay isasaalang-alang mo ang damdamin ng iyong mahal. Kahit gustong-gusto mong umalis ay hindi mo magagawa dahil alam mong masasaktan mo siya. Gayunpaman, sa susunod mong pagdedesisyon ay timbangin mabuti ang advantage at disadvantage.

Masuwerteng numero; 1,12,16,18

UNGGOY (MONKEY)

Maraming gumugulo sa iyong isip kaya hindi ka makapag-isip ng tama. Mas makakabuti sa’yo kung bibigyan mo muna ang sarili mo ng time-out. Kapag nagawa mo ito ay magiging madali na para sa’yo ang mga pagpapasya sa hinaharap.

Masuwerteng numero; 2,4,17,19

TANDANG (ROOSTER)

May isang tao na hindi mo kilala ang lalapit sa’yo para humingi ng tulong. Tama lang na alamin mo muna ang kanyang background at ang katotohanan sa kanyang mga sasabihin bago mo siya tulungan dahil sa panahon ngayon ay napakahirap magtiwala.

Masuwerteng numero; 1,10,13,14

ASO (DOG)

Ngayong araw ay mag-eenjoy ka ng husto sa company ng isang dating kaibigan na bibisita sa’yo. Sa sobrang miss nyo sa isa’t-isa ay para kayong mauubusan ng oras at hindi magkandatuto sa pagkukuwentuhan.

Masuwerteng numero; 8,9,16,18

BABOY (PIG)

Mahahawa ka ng good vibes sa isang bagong kaibigan. Pero sosobra ang atensyon na ibibigay mo sa kanya kaya may pagtatampo sa side ng iyong mahal na makakalimutan mo pansamantala dahil sa pagkagiliw mo sa iyong kaibigan.

Masuwerteng numero; 5,6,9,10

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.