32.8 C
Manila
Sunday, June 23, 2024

Chinese Horoscope Oktubre 13, 2023

DAGA (RAT)

Huwag mong isipin na nag-iisa ka. Ang totoo ay marami kang pwedeng makasama na naghihintay lamang na sabihan mo. Isa sa kanila ay nasa iyo lamang tabi. Kaya huwag masyadong malayo ang tingin mo.

Masuwerteng numero; 12,24,35,40

BAKA (OX)

sa araw na ito ay meron kang matutuklasan na katangian mo. Ikatutuwa mo ito dahil sa tinagal tagal ng panahon ay hindi mo nalaman na meron ka palang ganitong talento. Maging maingat lamang sa bawat pagkilos.

Masuwerteng numero; 7,11,13,20

TIGRE (TIGER)

Magiging memorable ang araw na ito para sa’yo dahil sa isang espesyal na taong makikilala. Makakaramdam ka ng kasiyahan at malalaman mo ang importansya mo sa ilang kakilala at mga kaibigan gayundin sa iyong pamilya.

Masuwerteng numero; 17,33,42,56

KUNEHO (RABBIT)

Maging maingat sa mga pagkaing kinakain dahil malaki ang posibilidad na makaramdam ng labis na pananakit ng tiyan. Iwasan muna ang mga pagkaing nabibili sa karinderya o kaya naman ay yung mga pagkaing nakahayag sa daan.

Masuwerteng numero; 48,49,53,67

DRAGON (DRAGON)

Hindi mo kailangang pilitin ang isang tao para lang mapapayag sa kagustuhan mo. Ang totoo ay naghihintay lang siya ng utos mula sa’yo kaya huwag ka nang magdalawang isip, ibigay mo na ang go signal mo.

Masuwerteng numeral; 23,53,68,69

AHAS (SNAKE)

Sa ayaw at sa gusto mo ay madadamay ka sa gulo ng dalawang kaibigan mo na parehong malapit sa’yo ngayon. Ang kanilang hidwaan ay maaaring lumala at kakailanganin mong mamili sa kanilang dalawa dahil hindi sila papayag na maging patas ka na lang sa kanila.

Masuwerteng numero; 10,27,32,35

KABAYO (HORSE)

Isang bagong kaibigan ang pipiliin mong iwasan dahil sa makikita mong hindi maganda niyang attitude. Mas gugustuhin mo nang tapusin ang nasimulang pakikipagkaibigan sa kanya kaysa naman mahawa ka pa sa bandang huli.

Masuwerteng numero; 4,12,18,19

TUPA (SHEEP)

May isang sorpresa na darating sa araw na ito. Hindi mo alam kung ikatutuwa mo ito o ikalulungkot dahil ang sorpresang ito ay magpapaalala rin sa isang tao na naging bahagi ng iyong nakaraan at hanggang ngayon ay di mo malimutan.

Masuwerteng numero; 34,52,64,76

UNGGOY (MONKEY)

Hindi mo kailangang magpasikat sa isang tao para lang mapansin ka niya. Dati ka pa niya napapansin subalit hindi lamang siya makahanap ng magandang tiyempo para sabihin o iparamdam ito sa’yo dahil may takot siya.

Masuwerteng numero; 29,30,31,32

TANDANG (ROOSTER)

Maganda ang araw na ito kung pinaplano mong magbakasyon o kaya naman ay magpunta sa isang lugar na malayo sa iyong comfort zone kahit sandali lang. Malaki ang maitutulong nito para makuha mo ang pahingang kinakailangan mo.

Masuwerteng numero; 1,13,24,35

ASO (DOG)

Hindi ka maiinip sa araw na ito dahil marami kang makakausap at malawak ang mapag-uusapan nyo. Meron ka nga lang isang mahalagang bagay na makakalimutan dahil malilibang ka sa iyong mga kakuwentuhan.

Masuwerteng numero; 23,24,53,60

BABOY (PIG)

Isang kamag-anak ang hindi inaasahang makakatagpo sa isang lugar na malayo sa inyong tahanan. Ikabibigla nyo ito pareho. Isang masayang pag-uusap ang magaganap sa pagitan nyo at simula na ito nang madalas ninyong pagkikita.

Masuwerteng numero; 24,36,47,58

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.