31.6 C
Manila
Sunday, June 23, 2024

Chinese Horoscope Nobyembre 9, 2023

DAGA (RAT)

Isang natutulog na talento mo ang di inaasahang magigising ngayon dahil sa isang hindi rin inaasahan na sitwasyon. Huwag mo itong pigilan. Hayaan mong kusa itong dumaloy sa iyong kamalayan dahil may posibilidad na magdadala ito sa’yo ng suwerte sa hinaharap

Masuwerteng numero; 2,3,5,8

BAKA (OX)

Magkakaroon ng isang mainit na pagtatalo sa pagitan nyo ng isang kamag-anak. Magiging dahilan ito para mabunyag ang isang sikreto. Subalit ang inaasahang malaking gulo ay agad ding matatapos dahil sa paggitna ng isang nakakatanda.

Masuwerteng numero; 1,7,10,11

TIGRE (TIGER)

May mararamdaman kang pag-aalinlangan sa isang kaibigan. Tungkol ito sa sinasabi niyang proyekto na nais niyang maging bahagi ka. Hindi mo kasi alam kung makakatulong ka talaga dito dahil wala kang masyadong alam tungkol sa bagay na ito.

Masuwerteng numero; 4,6,7,13

KUNEHO (RABBIT)

Ipagkikibit balikat mo lang ang matutuklasan na may kinalaman sa mahal mo sa buhay. Alam mo kasi na wala kang magagawa sa bagay na ito. Parang nasanay ka na sa paulit-ulit niyang gawain kaya manhid na ang iyong pakiramdam.

Masuwerteng numero; 1,11,19,20

DRAGON (DRAGON)

Gagawin mo ang lahat ng iyong makakaya para maiwasan ang iyong pinagkakautangan. Hindi naman sa ayaw mong magbayad kundi wala ka pa lang talagang maibabayad. Mas mabuti kung kakausapin mo siya at hihingi ng diskargo kaysa magtago.

Masuwerteng numero; 5,6,8,9

AHAS (SNAKE)

Maiipit ka sa dalawang nag-uumpugang bato. Ito ay sa pagitan ng iyong mga kaibigan na mag-iiringan. Ikaw ang taong makakatulong sa kanila para sila ay muling magkasundo. Sa huli ay pasasalamatan ka rin nila.

Masuwerteng numero; 4,6,16,18

KABAYO (HORSE)

Wala kang dapat ipag-alala ngayong araw kahit nag-uumapaw ang iyong trabaho. Matatapos mo ang dapat matapos. Kailangan mo lang magtiwala sa sarili mo at magpasalamat sa Diyos na meron kang trabahong maaasahan at umaasa rin sa’yo.

Masuwerteng numero; 9,11,12,14

TUPA (SHEEP)

Sa pagharap mo sa isang bagong kakilala ay hindi ka magiging komportable. Hindi mo pa kasi alam kung anong pag-uugali meron siya kaya kailangan mo pa itong kapain. Hindi masamang mag-obserba upang hindi ka magkamali ng pakikiharap sa kanya.

Masuwerteng numero; 3,5,7,20

UNGGOY (MONKEY)

Kung meron mang tao na higit na makakaintindi sa’yo, ito ay ang iyong magulang. Hindi mo man aminin ay nararamdaman niya kung may problema ka o wala kaya huwag ka nang magdalawang isip na magsabi sa kanya.

Masuwerteng numero; 6,8,9,11

TANDANG (ROOSTER)

Mapapahanga ka sa isang tao na dati mo ng kilala subalit hindi mo pinapansin. Ngayon mo lang kasi makikita ang kabutihan ng loob niya. Dahil sa isang pangyayari ay gugustuhin mo na maging malapit sa kanya.

Masuwerteng numero; 1,10,12,13

ASO (DOG)

Ikakaila mo sa iyong kaibigan ang iyong nalalaman tungkol sa taong mahalaga sa kanya. Hindi mo nais pagmulan ng away kaya mas pipiliin mo ang manahimik. Tama naman ‘yon pero huwag mong kalimutan na ipinaghihirap ng loob niya ang kawalan ng alam sa mga nangyayari sa likuran niya.

Masuwerteng numero; 14,16,17,19

BABOY (PIG)

Magiging masaya ang araw na ito dahil sa magandang bonding na magaganap sa pagitan mo at ng iyong pamilya. Namnamin mo ang mga ganitong pagkakataon dahil bihira lang itong mangyayari. Mas madalas pa rin na subsob ka sa iyong trabaho.

Masuwerteng numero; 2,5,7,8

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.