32.4 C
Manila
Tuesday, April 23, 2024

Chinese Horoscope Nobyembre 6, 2023

DAGA (RAT)

May importante kang gagampanan sa sitwasyon ng isang malapit na kaibigan. Ito na ang pagkakataon mo para maipakita mo sa kanya na hindi lahat ng pagkakaibigan ay nasusukat lamang sa halaga ng salapi na meron ka.

Masuwerteng numero; 3,7,19,20

BAKA (OX)

Isang tao ang iiwas sa’yo dahil sa maling impormasyon na masasagap niya tungkol sa’yo. Gayunpaman wala kang kailangang gawin upang maliwanagan siya dahil kusang kikilos ang tadhana para ipakita sa kanya ang buong katotohanan.

Masuwerteng numero; 21,23,34,45

TIGRE (TIGER)

May mga pagbabagong magaganap sa inyong opisina. Kahit na hindi ka apektado nito ay kailangan mong maging sensitibo sa damdamin ng iyong mga kasamahan sa trabaho na siyang maaapektuhan nito lalo na ang malalapit sa’yo.

Masuwerteng numero; 43,56,58,59

KUNEHO (RABBIT)

Huwag mong balewalain ang mga paalala sa’yo ng mga nakatatanda. Iyan ang lagi mong tatandaan. Ngayong araw ay mararanasan mo ang isang mahirap na sitwasyon. At ito ay mangyayari dahil hindi ka marunong makinig.

Masuwerteng numero; 4,12,14,25

DRAGON (DRAGON)

Huwag kang magpapadala sa mga sabi-sabi dahil maaari ka lamang iligaw ng mga maling impormasyon. Mas makakabuti kung ikaw ay magsasagawa ng sarili mong obserbasyon at pag-iimbestiga bago ka manghusga.

Masuwerteng numero; 31,36,54,57

AHAS (SNAKE)

Habang pinipigil ay lalong nanggigigil. Kaya naman hayaan mo ang iyong karelasyon na gawin ang kanyang gusto. Kung hindi mo na kaya ang kanyang mga pinaggagagawa ay ikaw na mismo ang kusang lumayo.

Masuwerteng numero; 13,15,30,49

KABAYO (HORSE)

Bantayan mo man ang kanyang mga kilos ay wala kang magagawa kung gusto talaga niyang makipagflirt sa iba. Subalit may magagawa ka para sa iyong sarili. Ibigay mo sa kanya ang space na kailangan niya at kailangan mo rin.

Masuwerteng numero; 5,16,27,28

TUPA (SHEEP)

Hindi makakabuti sa iyong negosyo ang pagpapatumpik tumpik mo. Kung meron kang plano para sa higit na ikakabuti ng iyong negosyo ay gawin mo na bago ka pa maunahan ng iba. Huwag matakot na mabigo at sumubok ulit.

Masuwerteng numero; 11,18,19,33

UNGGOY (MONKEY)

Hindi ito magandang araw para sa’yo. Makakaramdam ka ng labis na katamaran sa hindi malamang dahilan. Basta ayaw mo lang kumilos kahit pa alam mo na marami kang kailangang tapusin lalo na may kinalaman sa trabaho.

Masuwerteng numero; 10,18,42,57

TANDANG (ROOSTER)

Magiging madali lang para sa’yo ang makipagkalas sa iyong karelasyon dahil dati ka pa nakakaramdam ng tabang sa inyong relasyon. Hinihintay mo na nga lang na sa kanya mismo manggaling ang pakikipaghiwalay.

Masuwerteng numero; 4,11,13,16

ASO (DOG)

Ikaw na mismo ang makapagsasabi kung ano pa ang kulang sa inyong pagsasama. Pero hindi ibig sabihin ay susuko ka na dahil alam mo na hindi mo mapupunuan ang pagkukulang na ito. Wala ka pang balak na i-give up siya.

Masuwerteng numero; 45,55,64,76

BABOY (PIG)

Huwag mainip sa hindi pa pagtugon ni Lord sa iyong hiling. Ang lahat ng kahilingan ay tinutugunan sa perpektong panahon. Ibibigay niya sa’yo ang higit pa sa pangangailangan mo. Tibayan mo lang ang iyong pananalig.

Masuwerteng numero; 21,32,43,59

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.