29.8 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Chinese Horoscope Nobyembre 5, 2023

DAGA (RAT)

Hindi ito ang araw ng pagsuko. Ngayon mo higit na kailangan ang iyong tatag at lakas ng loob para harapin ang mga bagay na nagbibigay sa’yo ng stress. Hindi ka mag-iisa sa laban na’to kaya huwag mong bibigyan ng puwang ang takot sa puso mo.

Masuwerteng numero; 6,8,9,12

BAKA (OX)

May pag-aalinlangan kang mararamdaman sa isang tao tungkol sa iaalok niya sa’yo. Normal lang ang ganyang pakiramdam lalo at hindi mo pa siya masyadong kilala. Mas mainam kung magtatanong-tanong upang makatiyak.

Masuwerteng numero; 1,3,4,7

TIGRE (TIGER)

Mapapabilis ang gagawin mong pagpapasya sa isang mahalagang bagay. Ito ay dahil kailangan mo ng malaman sa lalong madaling panahon ang resulta ng iyong mga plano. Ituloy mo lang ang iyong ginagawa, nasa tamang direksyon ka.

Masuwerteng numero; 12,15,16,17

KUNEHO (RABBIT)

Bawat salita at bawat kilos mo ngayon ay magiging de numero. Inoobserbahan ka ng mga nakakataas sa’yo kaya iwasan mong magkamali. Hangga’t maaari ay gawin mo ng personal ang iyong trabaho at huwag iutos sa iba upang hindi pumalpak.

Masuwerteng numero; 4,6,8,10

DRAGON (DRAGON)

Gawin mong pantay ang pagtingin sa dalawang kaibigan na pareho namang mahalaga sa’yo. Isa sa kanila ang lihim na nagseselos sa isa dahil sa nakikita niyang kakaibang closeness sa inyo. Huwag mong itulak palayo ang isa dahil importante din siya sa’yo.

Masuwerteng numero; 1,2,3,7

AHAS (SNAKE)

Magiging kapana-panabik ang araw na ito dahil sa inaasahang pagbisita ng taong malapit sa puso mo. Kaya naman magiging abala ka sa preparasyon para sa kanyang pagdating. Darating siya pero hindi kasing saya tulad ng inaasahan mo.

Masuwerteng numero; 4,6,8,9

KABAYO (HORSE)

Isang dating kaaway ang magpaparamdam sa’yo. Magpapahiwatig siya ng mga senyales ng pakikipagbati. Kung lalapitan ka niya ay tanggapin mo siya kung bukal na sa iyong puso ang pakikipag-ayos.

Masuwerteng numero; 1,3,17,20

TUPA (SHEEP)

Ngayong araw na ito ay kakailanganin ka ng iyong pamilya. Huwag mo silang pagkaitan ng oras at panahon. Importante ang iyong presensya sa pagdedesisyong gagawin nila kaya ipagpaliban mo muna ang pagsama sa mga kaibigan.

Masuwerteng numero; 3,4,6,11

UNGGOY (MONKEY)

Stress ang araw na ito kakaisip mo sa trabaho. Hayaan mo lang na umagos ang problema hanggang sa ito ay mawala. Sa dami ng iyong pinagdaanan ay sisiw na lang ang pinagdadaanan mo ngayon kaya ipagpasa-Diyos mo na lang ang iyong mga pangamba.

Masuwerteng numero; 7,9,19,20

TANDANG (ROOSTER)

Hindi mo ikakayaman ang konting tulong na maibibigay mo sa isang kamag-anak. Alalahanin mo na minsan ka rin nilang natulungan kaya hindi masama kung kusang loob kang tatanaw ng utang na loob sa kanila.

Masuwerteng numero;  4,5,16,18

ASO (DOG)

Makakaramdam ka ng matinding pagseselos sa pagitan ng iyong mahal at ng bago niyang kaibigan. Ito ay dahil sa labis nilang pagiging malapit sa isa’t-isa. Sabihin mo na sa kanya ang iyong nararamdaman bago pa ito lumala.

Masuwerteng numero; 6,8,9,10

BABOY (PIG)

Marami kang mapupulot na ideya sa social media na may kinalaman sa negosyo na gusto mong umpisahan. Simulan mo na habang may pera at pagkakataon ka pa. Kung hindi mo pa ito gagawin sa lalong madaling panahon ay mananatili na lang itong plano lang.

Masuwerteng numero; 6,9,13,14

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.