32.4 C
Manila
Tuesday, April 23, 2024

Chinese Horoscope Nobyembre 4, 2023

DAGA (RAT)

Kung hindi ka sigurado sa iyong gagawing desisyon, mas makakabuti kung pag-iisipan mo na lang muna itong mabuti upang maiwasan ang pagkakamali. Hindi baleng maghintay pa ng ilang panahon kaysa magsisi sa huli.

Mauswerteng numero; 35,37,40,51

BAKA (OX)

Huwag mong masyadong asahan ang pangako ng isang kaibigan dahil hindi siya ganon kaseryoso nang bitawan niya sa’yo ang pangakong ito. Kumilos ng sarili para sa sariling ikakabuti at iwasang umasa sa iba upang hindi mabigo.

Masuwerteng numero; 1,10,14,18

TIGRE (TIGER)

Matutong maghintay sa mga bagay na gusto mong mapasa’yo. Kakailanganin mo munang dagdagan ang iyong pagsisikap para makuha mga ito dahil walang magbibigay nito sa’yo ng kusa. Wala kang mapapala sa kakahintay sa isang tao.

Masuwerteng numero; 11,20,24,32

KUNEHO (RABBIT)

Iwasan ang mga mahaderang kasamahan sa trabaho. Hindi mo kailangang makipagkomprontasyon sa sinuman sa kanila dahil wala silang balak pakinggan ang iyong panig. Magconcentrate sa iyong trabaho at pagbutihan pa ito.

Masuwerteng numero; 25,26,30,43

DRAGON (DRAGON)

Sasama ang loob sa’yo ng iyong mahal dahil sa hindi mo mapapagbigyan ang kanyang kagustuhan. Hindi mo siya kailangang amuin tulad ng palagi mong ginagawa dahil sinasanay mo lang siya sa mali niyang gawain. Ang magtampo kapag hindi nakukuha ang gusto.

Masuwerteng numero; 43,54,55,60

AHAS (SNAKE)

Isang kamag-anak ang lalapit sa’yo para sa muling pagkakataon ay humingi ng tulong. Huwag kang mag guilty kung hindi mo man siya mapagbigyan sa pagkakataong ito dahil maraming beses mo naman na siyang natulungan.

Masuwerteng numero; 13,15,25,28

KABAYO (HORSE)

Huwag magsawang ituwid ang iyong anak. Anuman ang mangyari sa kanya ay ikaw at ikaw pa rin ang kanyang tatakbuhan upang sandalan kaya naman gawin mo ang lahat ng iyong makakaya upang makita niya ang tamang landas.

Masuwerteng numero;24,30,39,44

TUPA (SHEEP)

Malalaman mo ang tunay na intensyon sa’yo ng isang tao kung siya ay makakasama mo sa isang hindi magandang sitwasyon. Kaya naman ngayong araw ay mamumulat ang mga mata mo sa tunay na intensyon sa’yo ng isang tao na pinagkakatiwalaan mo.

Masuwerteng numero; 10,20,31,32

UNGGOY (MONKEY)

Huwag nang magpatumpik tumpik pa sa iyong mga balakin. Ngayon na ang tamang panahon para umpisahan ang napakarami mong mga plano sa buhay. Kung hindi pa ngayon ay mahihirapan ka ng gawin ito sa mga susunod na araw.

Masuwerteng numero; 3,4,16,26

TANDANG (ROOSTER)

Maging maingat sa mga salitang bibitawan sa isang tao na hindi mo pa lubos na kilala. Malaki ang posibilidad na kainin mo ang lahat ng iyong sasabihin kaya kung ayaw mong mapahiya ay matutong magpreno ng bibig.

Masuwerteng numero; 23,24,45,65

ASO (DOG)

Hindi magiging miserable ang araw mo kung susundin mo ang payo ng mga nakatatanda. Sila ang pakinggan mo kaysa sa mga kaedad mo na kasingtitigas mo rin ang mga ulo. Maaari kang mapahamak kung patuloy kang susuway.

Masuwerteng numero; 14,50,69,71

BABOY (PIG)

Labis ang mararamdaman mong lungkot dahil sa pagdistansya sa’yo ng taong mahal mo. Ngayon na ang tamang pagkakataon para pagmunimunihan mo ang iyong mga nagawang pagkakamali kung bakit siya lumayo.

Masuwerteng numero; 52,63,78,80

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.