27.9 C
Manila
Wednesday, February 28, 2024

Chinese Horoscope Nobyembre 30, 2023

DAGA (RAT)

Hindi magtatagpo ang oras nyo ng isang tao na gustong gusto mong makausap tungkol sa negosyo. Habang hinihintay mo ang pagkakataon na makausap siya ay ipagpatuloy mo na muna kung ano ang iyong mga nasimulan na.

Masuwerteng numero; 4,14,32,35

BAKA (OX)

Iwasan ang pagbibigay ng mga personal mong impormasyon sa mga kapitbahay. Lalo na sa mga bago at dayo lang sa inyong lugar. Maaari mong ikapahamak ang labis mong pakikisama at pakikihalubilo. Dapat meron ka ring limitasyon.

Masuwerteng numero; 22,32,46,50

TIGRE (TIGER)

Makakadaupang palad mo ang isang mahalagang tao sa inyong lugar. Pagkakataon mo na upang maipaabot sa kanya ang iyong mga hinaing at suhestiyon para sa ikabubuti ng inyong lugar. Samantalahin mo ito.

Masuwerteng numero; 53,55,67,68

KUNEHO (RABBIT)

Hindi masamang magbigay ng opinyon. Kung alam mo na malaki ang magagawa nito para sa inyong grupo ay sige lang at bigyang laya mo ang iyong boses upang marinig nila at mapakinabangan ang natatago mong ideya.

Masuwerteng numero; 12,23,33,42

DRAGON (DRAGON)

Hindi ka mahihirapan na kumbinsihin ang isang tao na umayon sa iyong kagustuhan. Malaki ang tiwala niya sa’yo kaya paniniwalaan niya anuman ang sabihin mo. Isang magandang simula ito para sa naiisip mong plano.

Masuwerteng numero; 20,29,31,32

AHAS (SNAKE)

Isang tao ang labis na hahanga sa iyong personalidad.  Sa sobrang paghanga niya sa’yo ay gugustuhin niya na maisama ka sa mga susunod niyang proyekto. Kaya maghanda ka dahil isang araw ay kokontakin ka niya para rito.

Masuwerteng numero; 56,60,69,71

KABAYO (HORSE)

Isang kaibigan ang lalayo ang loob sa’yo dahil sa isang pagkakamali na magagawa mo. Kakailanganin mo itong ihingi ng dispensa sa kanya subalit anuman ang maging desisyon niya sa huli ay dapat mong igalang at dapat ka ring magpatuloy sa buhay.

Masuwerteng numero; 4,15,21,30

TUPA (SHEEP)

Magiging makulay ang araw mo dahil sa sorpresang matatanggap mo mula sa taong nagmamahal sa’yo. Labis mo itong ikatutuwa kaya naman ang buong maghapon mo ay magniningning at mapupuno ng galak.

Masuwerteng numero; 6,12,16,19

UNGGOY (MONKEY)

Ang oportunidad na hinihintay ay magiging mailap pa rin sa ngayon kaya kakailanganin mo munang magpokus sa kung ano ang nasa harapan mo ngayon. Malaki pa rin ang maitutulong sa’yo ng kasalukuyang trabaho.

Masuwerteng numero; 13,23,37,46

TANDANG (ROOSTER)

Ikakalungkot mo ang magiging desisyon ng isang kapamilya na may kinalaman sa inyong lupa. Subalit alam mo sa sarili mo na ito na lang din ang natitirang paraan upang maisalba pa ang inyong kabuhayan kaya’t aayon ka na lang sa kanya.

Masuwerteng numero; 28,31,53,58

ASO (DOG)

Pangkaraniwan lang ang araw na ito at walang espesyal o kamalasan na magaganap. Gayunpaman, isang magandang pagkakataon ito upang mapag-isipan mo kung paano higit na magiging produktibo ang mga susunod na araw mo.

Masuwerteng numero; 3,6,17,19

BABOY (PIG)

Maging mapili sa oras ng pagbiyahe. Malaki ang posibilidad na maipit ka sa ubod tagal at napakahabang traffic. Mas makakabuti kung magdadala ng ikalilibang gaya ng headset o kaya ay babasahin. Maging alerto rin sa mga kapwa pasahero.

Masuwerteng numero; 4,11,21,25

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.