28.1 C
Manila
Friday, April 12, 2024

Chinese Horoscope Nobyembre 3, 2023

DAGA (RAT)

Magiging kapana-panabik sa’yo ang araw na’to dahil sa isang pangako na inaabangan mong tuparin ng isang mahal sa buhay. Huwag kang masyadong umasa dahil 50-50 ang chance na matupad niya ang pangakong ito.

Masuwerteng numero; 7,8,10,12

BAKA (OX)

Magiging magaan ang pasok ng suwerte sa iyong negosyo. Ito ay dahil sa pagkakaroon mo ng good vibes. Kaya panatilihin mo lang ito at hindi ka pagdadamutan ng kapalaran. Magpapatuloy ito sa pagpasok sa buhay mo.

Masuwerteng numero;3,5,9,11

TIGRE (TIGER)

Malalaman mo na rin sa wakas ang tunay na saloobin sa’yo ng isang tao. Isang tao na malapit sa’yo pero hindi mo alam kung ano ka ba talaga sa buhay niya. Ngayong araw ay madudulas siyang sabihin sa iba ang nilalaman ng puso niya at makakarating iyon sa kaalaman mo.

Masuwerteng numero; 1,2,19,20

KUNEHO (RABBIT)

Mailap ngayong araw ang suwerte pero hindi ibig sabihin nito ay dapat ka na lang magmukmok. Mas mabuti kung gagawin mong produktibo pa rin ang araw na’to sa paraang kaya mo upang kinabukasan ay maakit mo rin ang suwerte.

Masuwerteng numero; 13,14,16,18

DRAGON (DRAGON)

May ibang paraan kang maiisip para lumakas ang iyong business online. Sarilinin mo muna ito hangga’t hindi mo pa napaplantsang mabuti ang mga plano mo kung ayaw mong maagaw ng iba ang ideya mo. Hindi ito pagdadamot kundi pag-iingat lang.

Masuwerteng numero; 1,3,6,9

AHAS (SNAKE)

Isang dating kaibigan ang muling magpaparamdam sa’yo. Matutuwa ka at aakalain mong babalik ang sigla ng inyong pagkakaibigan. Matutong makiramdam sa tunay niyang intensyon. May iba siyang agenda.

Masuwerteng numero; 3,4,5,12

KABAYO (HORSE)

Mauulit ang pagkakamaling nagawa mo noon. Kahit ano pang pagpipigil mo ay hindi mo matatanggihan ang isang tao na napalapit na sa puso mo. Pag-isipan mo itong mabuti dahil tiyak ang kapahamakang idudulot nito sa buhay mo.

Masuwerteng numero; 2,7,11,16

TUPA (SHEEP)

Magiging abala ka sa pag-aayos ng mga gamit na balak mong dalhin sa nalalapit mong pagbabakasyon. Isang mahalagang bagay ang maaari mong makalimutan kaya mas mabuti kung ililista mo at tsetsekan ang lahat ng iyong mga kailangan.

Masuwerteng numero; 6,8,10,11

UNGGOY (MONKEY)

May magbabalik sa buhay mo na labis mong ikatutuwa. Sa una ay pagdududahan mo ang kanyang muling pagbabalik subalit hindi mo maikakaila na anupaman ang kanyang rason ay masaya ka sa iyong nararamdaman.

Masuwerteng numero; 8,9,12,13

TANDANG (ROOSTER)

Kukulangin ang oras nyo ng iyong mga pinsan sa dami at haba ng inyong kuwentuhan. Hindi sasapat ang araw na ito para sa inyong mga plano kaya naman ang bonding nyo ngayon ay masusundan pa sa ibang araw.

Masuwerteng numero; 8,14,15,19

ASO (DOG)

Isang pagkakamali mo lang na matagal nang inaabangan ng mga lihim mong kaaway ang magiging dahilan para hindi maging successful ang mga plano mo. Pero hindi ka magpapatinag sa pagkakamaling ito at susubok kang muli.

Masuwerteng numero; 7,8,10,16

BABOY (PIG)

Lilipas ang araw na ito na walang mangyayari sa maghapon mo. Susumpungin ka kasi ng labis na katamaran at gugustuhin mo lang na gugulin ang buong araw mo sa higaan at sa pagbababad sa social media. Sikapin mong hindi na maging ganito ang mood mo bukas.

Masuwerteng numero; 7,12,16,17

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.