28.1 C
Manila
Saturday, June 22, 2024

Chinese Horoscope Nobyembre 29, 2023

DAGA (RAT)

Hindi mo inaasahan kung sino ang makikita mo sa araw na ito. Malilito ka sa dapat mong maramdaman kung dapat mo ba itong ikatuwa o hindi. Maraming alaala ang magbabalik sa’yo na dala dala ng taong ito.

Masuwerteng numero; 6,12,23,24

BAKA (OX)

Masaya ang magiging bonding nyo ng taong pinakamamahal mo. Magiging makulay ang bawat oras at maganda ang tingin mo sa paligid kaya naman hindi mo na maaalintana ang mga problema na kinakaharap.

Masuwerteng numero; 34,43,50,54

TIGRE (TIGER)

May mao-overlook ka sa iyong trabaho kaya kakailanganin mo na balikan ang simula at isa-isahin ang mga detalye. Kahit ayaw mo ay hindi pwedeng hindi mo ito gawin. Dito nakasalalay ang performance mo na inoobserbahan ng nakatataas.

Masuwerteng numero; 45,47,51,60

KUNEHO (RABBIT)

Dahil sa tindi ng emosyon na mararamdaman mo ay makakapagbitaw ka ng mga salita na hindi maganda sa pandinig ng iyong kausap. Kahit hindi mo pa ito sinasadya ay kakailanganin mo pa rin na humingi ng dispensa.

Masuwerteng numero; 44,53,68,70

DRAGON (DRAGON)

May mararanasan kang kakaiba sa pakiramdam na ikaw ay parang nalulungkot na hindi mo maintindihan. Upang ito ay maiwasan, mas makakabuti kung lalabas kasama ang pamilya o mga kaibigan upang malibang.

Masuwerteng numero; 5,13,14,15

AHAS (SNAKE)

Matapos ang mabigat na pakiramdam nitong mga nakaraang araw, sa wakas ay mapapalitan na ngayon ng kasiglahan. Magagawa mo na ngayon ang mga nais mong gawin kabilang na ang mga nakabinbing trabaho.

Masuwerteng numero; 6,16,32,34

KABAYO (HORSE)

Sa halip na magalit ay awa ang mararamdaman mo para sa isang kamag-anak na nanloko sa’yo sa pera. Maiintindihan mo na nagawa niya ‘yon dahil sa bigat ng pinagdaraanan niya ngayon kaya lalawakan mo na lang ang iyong pang-unawa.

Masuwerteng numero; 7,19,20,26

TUPA (SHEEP)

Ang oportunidad na pinakahihintay mo noong nakaraang buwan pa ay kakatok sa pintuan mo ngayon. Huwag na huwag itong pakakawalan dahil ngayon lamang ito dadaan para sa’yo kaya hindi mo dapat palampasin.

Masuwerteng numero; 3,7,9,10

UNGGOY (MONKEY)

Medyo matatagalan pa bago dumating ang hinihintay mong malaking proyekto. Marami ka pa namang pinagkakaabalahan sa ngayon kaya doon mo na muna ituon ang atensyon mo. Mapapasa’yo rin kung ano ang para sa’yo.

Masuwerteng numero; 15,25,36,39

TANDANG (ROOSTER)

 Ang pagbabago ng desisyon mo ang siyang magsasalba sa’yo sa isang kahiya-hiyang sitwasyon na sana ay kasasadlakan mo. Malaki ang maitutulong sa’yo ng mga kaibigan mo na siyang nagbibigay sa’yo ng mga magagandang payo.

Masuwerteng numero; 52,64,72,81

ASO (DOG)

Hindi mo maiiwasan ang mga negatibong tao sa araw na ito. Subalit may paraan upang hindi tuluyang masira ang maghapon mo dahil sa kanila. Sa halip ay pwede mo silang i-reverse psychology nang sa gayon ay umayon sila sa’yo.

Masuwerteng numero; 31,43,48,59

BABOY (PIG)

Dalawang tao ang magpapakita ng interes sa’yo. Kung hindi ka interesado kaninuman sa kanila ay dapat lang na hindi mo sila paasahin. Mas makakabuti kung hangga’t maaga ay magiging malinaw sa kanila ang damdamin mo.

Masuwerteng numero; 40,49,69,77

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.