26.5 C
Manila
Friday, March 1, 2024

Chinese Horoscope Nobyembre 27, 2023

DAGA (RAT)

Kailangan mong maghinay hinay sa pagdedesisyon tungkol sa isang maselang bagay na may kinalaman sa iyong personal na relasyon. Dapat mo itong pag-isipang mabuti dahil sa oras na magkamali ka ay maaapektuhan ang inyong pagsasama.

Masuwerteng numero; 2,14,15,34

BAKA (OX)

Isang mahalagang tao para sa’yo ang magbabalewala sa’yo sa araw na ito. Hindi dahil sa ayaw ka niyang makausap o makaharap kundi meron lang siyang personal na dahilan kung bakit niya gagawin na pansamantala kang iwasan.

Masuwerteng numero; 35,56,57,62

TIGRE (TIGER)

Mabibigo kang tapusin ang isang proyekto na nasimulan mo na. May mga hadlang na darating ngayong araw para matapos mo ito kaya naman mapipilitan kang ipagpaliban ang iyong ginagawa at pagpapasyahan mong gawin ito kinabukasan.

Masuwerteng numero; 22,32,35,45

KUNEHO (RABBIT)

Magugulat ka dahil ang utang na matagal mo nang kinalimutan ay mababayaran sa’yo ngayong araw. Hindi mo na ito inaasahan dahil sa nakikita mong sitwasyon ng nangutang sa’yo kaya labis mong ikatutuwa ang pag-alala niya sa kanyang nahiram.

Masuwerteng numero; 56,67,61,79

DRAGON (DRAGON)

Makakapalagayan mo ng loob ang isang malapit na kamag-anak ng iyong kabiyak. Ito ay dahil sa isang hindi inaasahang pagkakataon na pareho nyong kasusuungan. Subalit kailangan mo pa ring piliin ang iyong mga ikukuwento.

Masuwerteng numero; 43,45,50,59

AHAS (SNAKE)

Malapit na ulit madagdagan ang iyong inaanak. Bawal ang tumanggi sa oras na ikaw ay kuhanin dahil ang pag-aanak ay isang biyaya na kailangan mong tanggapin at yakapin sa puso mo. Isang dating kaibigan ang kukuha sa’yo.

Masuwerteng numero; 4,11,30,51

KABAYO (HORSE)

Kukulangin ang oras mo para sa pagpe-prepare sa isang nalalapit na event. Kaya naman mangangarag ka ng husto. Kung kulang pa ang mga nakakatulong mo sa pag-aayos ay huwag magdalawang isip na maghanap pa ng iba.

Masuwerteng numero; 52,57,68,79

TUPA (SHEEP)

Wala kang dapat ikatakot sa pagdating ng isang tao. Kahit siya ay may kasungitang taglay, may maitutulong pa rin siya sa iyong pamilya kaya sa halip na katakutan ay ipagpasalamat na lang na hindi niya nakakalimutan na dalawin ang iyong pamilya.

Masuwerteng numero;10,15,19,20

UNGGOY (MONKEY)

Hahamunin ng tadhana ang haba ng iyong pasensya sa paghihintay sa isang napakahalagang bagay para sa’yo. Makakaramdam ka ng tila kawalan ng pag-asa na makuha pa ang minimithi mong ito kaya dapat kang magpakatatag.

Masuwerteng numero; 40,56,66,80

TANDANG (ROOSTER)

Walang lugar ngayon ang pagbabandying. Kakailanganin mong tutukan ang gawaing iniatang sa balikat mo ng mga nakatataas sa trabaho. Sa gawaing ito nakasalalay kung ano ang magiging sitwasyon mo sa mga susunod na araw sa inyong departamento.

Masuwerteng numero; 14,15,26,27

ASO (DOG)

Kung sa akala mo ay natuto ka na mula sa mga nagdaan mong relasyon, nagkakamali ka. Muli kang maiinlab sa maling tao. Pero hindi mo ito mapipigilan. May kakaiba sa kanya na labis mong hahangaan at mamahalin.

Masuwerteng numero; 1,21,29,30

BABOY (PIG)

Masaya ang araw na ito dahil hindi mo inaasahan ang suwerteng tatamasahin mo sa iyong negosyo. May lucky charm ka sa paligid na hindi mo napapansin. I-enjoy mo lang ang bawat oras sa magandang maghapon  na lilipas.

Masuwerteng numero; 6,20,29,30

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.